Kabanata 27

26 2 5
                                    

"Wala si Sir mamaya sa first subject so...." Nag ngingiting aso si Marielle dahil sa nabalitaan sa kabilang section na wala raw ang Filipino teacher namin dahil may sakit. "Lunch out tayo. Shakey's?"

"Sure." Sambit ni Chelsea.

May sarili nang sasakyan sina Marielle, Chelsea, Marj at Irah, kami lang ni Mimi ang hanggang ngayon hatid sundo pa rin, well in my case ayokong mag drive kasi sabi ni Papa hindi ako pwedeng mag drive pero ako rin naman ayokong mag drive kasi matarantahin ako pero si Mimi, gustong gusto niya ang mag drive kaso lang, dalawang sasakyan na ang nabangga niya dati kaya hindi na nabigyan ulit ng sariling sasakyan.

Nakisakay kami ni Mimi sa kotse ni Marj, dahil alam namin na hindi kami sisingilin ng pang gasolina. Minsan kasi pagsumasabay kami doon sa tatlo, pinapabayad pa kami ng pamasahe. Gosh! Parang hindi kami mag best friends sa pinagagagawa nila.

Papasok na kami sa Shakey's nang nag beep ang phone ko. It was a message from Keith. Pinapapunta niya ako sa rooftop ng seniors, sabay daw kaming mag lunch.

Natigil ako sa paglalakad kaya ganoon rin ang ginawa ng mga kasama ko. Pinagtaasan ako ng kilay ni Irah. Itinaas ko ang phone ko.

"Hayaan niyo na...tara." Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Marj at tinuloy ang paglakad papasok ng kainan.

"Gab, baka importante yun." Mahinang sabi ni Marj sa gilid ko.

"Nope, inaaya lang akong mag lunch pero nauna kayo eh." I smiled to assure her na okay lang. Si Keith lang naman yun, tatawagan ko nalang mamaya kapag nakahanap na kami ng upuan.

"Hala! Sinong nag aya sa iyo?" Napakamot ako sa ulo dahil sa lahat ng tao si Mimi pa talaga ang nakarinig noh?!

"Wala. Mali yung narinig mo. Bilisan niyo na, nagugutom na ako." Ayokong magbanggit ng anumang pangalan o magbigay ng detalye dahil alam ko mauuwi lang ito sa tuksuhan. Tutuksuhin nila ako kahit hindi naman talaga dapat.

Nang nakahanap na kami ng pwesto nagpaalam muna ako na pupunta sa restroom. Tatawagan ko lang si Keith na hindi ako makakapunta. I don't want to just text him, I wanted to personally say sana na hindi ako makakapunta pero paano ko iyon magagawa kasi andito ako, nasa school siya kaya tatawagan ko nalang may load naman ako.

"Hello." Sabi niya nang sagutin ang tawag ko.

"Keith, ano kasi...nag lunch out kami ng mga kaibigan ko. Hindi ako makakapunta." I bit my lower lip while waiting for his response.

"Sige next time nalang." Tumango ako kahit hindi niya naman makikita.

"Treat kita ng snacks after class? What do you think?" He saved me yesterday tapos naabutan pa siya nang anong oras kagabi sa kakahintay sa akin kaya feeling ko kailangan ko talagang ilibre siya.

"Hanggang 8 o'clock na mamaya ang practice sa soccer, sa makalawa na kasi ang championship nang interschool." I felt bad, my heart stricken. Ganito pala ang feeling nang ma reject?

"Oh okay. Sige." Yun na lamang ang nasabi ko, alangan namang sabihin ko na huwag nalang siyang pumunta sa practice kasi magmemeryenda kami. Thats awful, sino ba naman kasi ako sa buhay niya? Just a colleague in an organization, a batchmate, a schoolmate, ni hindi ko nga alam kung magkaibigan kaming dalawa.

"Eat well. Bye." I pursed my lips tight and nod then turned off the call. Tumingin muna ako sa salamin at nagkibit balikat bago umalis sa restroom.

How Great Is Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon