Chapter 1

40 4 1
                                    

Slum note

~°~°~

"Hey Sophie sagutan mo na kaya yun slum note..." - Liza
"ikaw na lang ang hindi nagsasagot"- Lenny.

"Oo nga dali sagutan mo na para malaman na namin sino crush mo," kinikilig na sabi ng bestfriend nyang si cecille.

Kahit kasi mag bestfriend sila ni cecille hindi nya masabi sabi dito kun sino yun crush nya, kasi kahit sa sarili nya ayaw nya aminin na nag ka crush na siya.
Sa bahay nga Naiinis siya sa ate nya pag tinatanong siya lagi kun sino crush nya.

"Sinabi ng wala akong crush" maktol nyang sagot sa ate nya twing tutuksuhin siya.

Naalala pa ni Sophie yun panunukso ng ate nya sa kanya nun minsan nagpractice silang magkakaklase sa bahay nila ng sayaw, kinailangan kasi na 3pairs sila 3 boys and 3 girls yun ang required ng adviser nila, so wala sila choice na mga girls kundi mag sali ng mga boys, nun una wala may gusto sumali sa mga boys pero nun malaman ng adviser nila na si Miss Susana lumabas ang mala terror na titser nila at dahil walang may gusto sumali sa mga lalake namili na lang si Miss Susana.

"You Rolly"
"you Marlon"
"and you Harry" - mala terror na sabi ni Miss Susana.

Walang nagawa ang tatlo lalake alam kasi nila paano magalit si Miss Susana.

At nung unang araw na pumunta sila sa bahay nila Sophie para mag practice na ng sayaw.

"Kami na lang ni Rolly mag patner pareho naman kami matangkad" sabi ni Liza na may crush kay Rolly.

"Sige, kami na lang ni Cecille pareho naman kaming cute," nakangisi sabi ni Marlon sabay kindat kay Cecille na crush nito.

Nagkatinginan na lang si Harry at Sophie pero binawi kagad ni Sophie ang tingin nya.
Hindi nila alam na sa may pinto pala nila ang ate nya si Tess at nakita ang tinginan nila ni Harry.

Sabay tukso na...

"Uyyyy si Baby Sophie namin may crush na.
" Nagkulay pula ang mukha ni sophie sa hiya kasi sa murang edad nya na 12 anyos hindi nya maipaliwanag kun bakit sa twing nakikita nya si Harry ang bilis ng pintig ng puso nya.
At twing titignan siya nito para siyang ice cream na unti unting nalulusaw.

"Ano ba Sophie tititigan mo lang ba yan slum note " - sigaw ng bestfriend nyang si Cecille.
Saka lang naputol ang pag iisip nya.
Inabot na nya yun slum note na kanina pa pala inaabot ni Cecille.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon