Chapter 27

1 0 0
                                    

Confrontations

"Louise kamusta meeting mo kahapon kay Mr.Salcedo? "
Excited na tanong ni Candy kay Louise.

Ikinuwento ni Louise ang nangyari kay Candy, dahil ito na naging kaibigan nya sa loob ng limang taon na open nya dito ang tungkol kay Harry. Nanghinayang ito ng husto dahil sa nangyari.

"Louise congratulation nakipag patnership satin ang Villa Corporation kakatawag lang ngayon ni Mr. Villafuerte nakipag deal na siya sas kompanya,
At ang mga gawa mo ang kanilang iindorse sa market.
Ito na pinaka iintay mo Louise." mahabang sabi ng boss nyang si Mrs. Brillion.

Hindi lang big break ito kay Louise maging sa Icon Corporation dahil magiging patnership ang Icon at Villa.

"Ha!? " takang tanong ni Louise.
Wala naman silang napag usapan ni Harry kahapon dahil tinalikuran nya ito.

Nagtataka din si candy. Tumingin ito kay louise at nagtatanong ang mga mata nito kung paanong nangyari.

Nagkibit balikat lang si Louise.

"Mag handa ka na Louise dahil on the way na si Mr.Villafuerte gusto nyang makita ang iba mo pang koleksyon, makikilala ka na isang sikat na Fashion designer hindi lang dito sa pilipinas kundi sa buong mundo... "sabi uli ni Mrs.Brillion.

"A-ano mam,? pupunta siya ngayon? " gulat ng tanong ni Louise.

"Yes! tuwang sagot ni mrs. Brillion at umalis na ito at bumalik na sa opisana nya.

Nang makaalis na si Mrs. Brillion nagta takang naiwan si Louise, ano ang sinasabi ng boss nya na papunta na si Harry.
At yun isipin na magkikita uli sila ngayon hindi pa talaga siya handa.
Pero no choice siya kung di nya ito haharapin tyak magagalit si Mrs.Brillion.

Nag ayos na si Louise at hinanda ang mga kailangan na mga papeles. Huminga muna siya malalim bago pumasok sa conference room kun saan naduon si Harry.

Sa loob na ng conference room nanduon na si Mrs.Brillion at Mr. Villafuerte kaya nagmamadaling pumasok si louise kasama si Candy na dala ang folders.

"Good Morning, Mr. Villafuerte sorry for waiting." sabi ni Louise na pormal na pormal .

"Its okey Miss Hernadez." sagot ni Harry.

"Heres are some copy of my collections Mr. Villafuerte " sabi ni louise,sabay abot ng hawak nyang folder. hindi pa din nawawala ang pagiging pormal nito kay Harry.

Inabot yun ni Harry at tinignan.

"Hmmm! Na impress ako sa mga gawa mo. I think na pag kakaguluhan ito sa market. Where's the contract? "sabi ni Harry

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon