Harry's Pov.
Pagbabalik tanawAraw ng aming graduation ng makita ko si Sophie, malungkot ito.
Nilapitan ko ito pero umiwas sa akin.
At sinabi na wag muna daw kaming mag usap.
Labis akong nalungkot dahil malamig siya sa akin.
Inisip ko kun may nagawa akong kasalanan.
Hindi ko lang siya naihatid kahapon dahil nag meeting pa kami pero siya pa nga ang nag pa aatend sa akin.
At ang sweet pa nga nito bago kami mag hiwalay sinabi na iintayin nya ko sa bahay.Hindi na ako nakapunta sa bahay nila pag katapos ng meeting dahil may emergency sa bahay itinext ko naman siya tungkol dun.
Kaya wala akong maiisip para magalit siya sakin.
Bago mag simula ang graduation namin nagulat ako dahil lumapit sa akin si Monique may inabot itong regalo. Graduation gift daw kaya kinuha ko.
At Dahil hindi pa nag sisimula ang graduation nakapag kwentuhan kami ni Monique gusto ko na nga iwanan dahil hindi naman ako interesado sa mga kinukwento nito at ang isip ko ay na kay Sophie.PAlinga linga ako habang kausap ko si Monique dahil hinahanap ko si Sophie gusto ko talaga siyang kausapin.
Bigla na lang akong nagulat ng makita ko umiyak si Monique na nakahawak sa braso ko.
"Baket monique "takang tanong ko sa kanya.
Wala may naalala lang ako.
Bigla na lang ito nag pa alam. Nailing iling na lang ako at hinanap ko na si Sophie.Nang matapos ang graduation namin nilapitan ko uli si Sophie at binati. Nagpasalamat t lang ito at nag paalam na uuwi na sila kasama ng mga magulang nya dahil masama daw pakiramdam nya, nag offer ako na ihahatid sila pero tumanggi siya.
Kinabukasan nag punta ako sa bahay nila wala na akong nadatnan na tao. Sabi ng kapitbahay nila na naka usap ko kagabi pa daw umalis ang mga Hernadez, hindi naman daw sinabi kun saan pupunta at hinakot na daw lahat ng gamit.
Nanlumo ako,.tinext ko siya pero walang reply. Tinawagan ko siya pero hindi ko siya makontak.
Tinawagan ko mga barkada nya wala daw silang alam lahat ng kaibigan nya tinanong ko pero walang nakaka alam kun saan pumunta dahil kahit sila nagulat dahil hindi nila alam na umalis ito.Hindi ako tumigil sa pag hahanap kay Sophie pero kahit anong hanap ko hindi ko siya nakita.
Hanggang lumipas ang ilang araw, ilang buwan... Wala pa din ako balita kay Sophie.Samantala si monique muli nag pakita sakin at halos ipag duldulan ang sarili sa akin. ALam ko naman na may gusto ito sa akin dahil halatang halata naman, pero ni minsan hindi ko ito pinatulan.
May pag kakataon pa nga na tumawag ito sa akin at sinabing puntahan ko siya at lasing na lasing si Leonard na nangugulo sa bar, dahil kaibigan ko si Leonard pinuntahan ko ito kahit may usapan kami nun araw na yun ni Sophie.
Itenext ko nalang si Sophie na hindi ako makakarating dahil may aayusin lang akong importante.Pag dating ko ng bar medyo nahimas-masan na si Leonard, inareglo ko na lang ang may ari ng bar.
Pagkatapos hinatid ko na si Leonard sa kanila pag katapos si Monique naman ang hinatid ko.
Nagyaya pa nga itong bumalik ng bar pero hindi ko na pinatulan sinabing ihahatid ko na lang siya sa bahay nila.Hindi lang iyun ang unang nalasing si Leonard natatandaan ko minsan inimbita sila ni Monique sa bahay nito dahil bday daw ng huli.
Ayoko pumunta nuon dahil pupunta ako kila Sophie pero nagtext si Sophie na wala siya sa bahay at kasama nya sila Cecille.
Kaya napilitan akong sumama kila Leonard dahil panay pilit nila sakin.At nun nandun na kami sa bahay ni Monique nagulat kami magbabarkada dahil kami lang ang bisita.
Ang sabi ni monique hindi na daw makakarating ang iba nyang bisita.
Naglabas ito ng mga inumin kami kami na lang daw magcelebrate ng birthday nya.
Mag isa lang ito sa bahay nila at nasa ibang bansa mga magulang nya tanging mga katulong lang kasama nito sa bahay.