Sophie Pov."Hahaha" malakas na tawanan ng mga barkada ko sila Liza,Lenny at Cecille.
Matapos kong alalahanin yun elementary hood namin.Saka lang ako natauhan na nandito nga pala kami sa ice cream house malapit sa school namin sa St.Therese National high school para kumain ng especial halo halo dahil sobrang init ng panahon.
Nasa ikaapat na kami ng sekondarya mag kakasama at magkakaklase pa din kami apat ni CEcille, lenny, Liza.At habang iniintay namin yun order na halo halo panay bangka ni Liza sa pag kukuwento na akala mo hindi nauubos ng kwento.
At dahil kakabreak na naman ni Lenny ng pang anim na ata nyang boyfriend, na hindi na bago samin, at di na kami nagtaka."Ay Lenny hindi na kami nagtataka kun wala na kayo ni Raffy, si vince nga one month lang tinagal nyo si Raffy pa na babaero." Tudyo ni Liza.
"Oo nga saka mabilis mo naman mapapalitan yan sa dami ng crush mo." Sabat naman ni Cecille.
"Oo nga" Sophie.
"Grabe naman kayo ano tingin nyo sakin hindi affected sa pag hihiwalay namin, hindi nyo man lang ako damayan broken hearted kaya ako ngayon. At ano ang proof nyo na marami akong crush," pagmamaktol ni Lenny.
"Aba aba friend na forget mo na ba may evidence kami na marami kang crush, " - Liza
"Remember nun elementary tayo nilagay mo ata lahat ng clasmate natin boys sa crush mo sa slum note..."Dugtong ni Cecille.
"Oo nga lima lang sa clasmate natin mga boys ang di mo crush si Roberto na bukod sa maitim maliit pa, si Larry na bungi, Si Jeff na uhugin, si dex na puro sugat, at si felix na may putok." sabay tawa ni Liza habang inisa isa mga clasmate nmin.
"Hahaha" sabay hagalpak nilang tatlo at saka din ako napatawa sa mga kalokohan nila.
Sa wakas dumating na din yun halo halo order namin.
Pag ka kita palang namin sa halo halo na may two scoop na ice cream sa ibabaw kanya kanya na kami ng kain. At dahil gutom ako inuna ko muna kagatan yun ham and cheese na order ko sabay subo ng ice cream na nasa ibabaw ng halo halo.Nang matapos na kami kumain mabilis na kaming bumalik sa loob ng campus kasi mag sisimula na ang basketball at ang maglalaro ngayon ang mga clasmate namin boys at ang kalaban nila walang iba kundi sila Harry Villafuerte na Every year siya ang MVP sa school namin.
Ngayon ang championship dahil Intrams sa school namin at ang mag lalaban ang section namin na St. Dominic at ang section nila Harry na St. Benedict.
Kaya dali dali kami pumuwesto sa bench kun saan nandun ang mga player ng section namin para mag cheer.
Nang malapit na kami una nakita ko si Harry na nag wawarm up na sa loob ng cort ng aming paaralan kasama ng mga co player nya.
Sa suot nyang black na jersy lumitaw lalo ang kagwapuhan nito, na kahit pinag papawisan na mukha pa din itong mabango, at ang simpleng pag ngiti lang niya mapapatulala ka sa kanya dahil lalo siyang kumikisig pag nakangiti dahil lumalabas ang dimple nya sa kanan pisngi na lalo ikina gwapo nito, At ang mata na napaka amo na hindi mo maiiwasan tumingin at mapatitig na tila nahihipnotize ka.
Tapos ang husay pa mag basketball kaya di ko masisi yun mga kababaihan dito samin paaralan na mag kagusto sa kanya.
Alam na alam na nga namin magbabarkada kapag sila naglalaro kasi bukod sa madaming nanonood na mga girls marami din nagtitilian. Kaya pag nadadaan kami dati ng covered coart."Ay yun mayabang na naman palang ex mo naglalaro" ismid ni Liza.
"Sinabi mo pa, hay naku kumain na lang tayo sa canteen kesa naman panoorin siya. " dugtong din ni cecille na nairita din.
" Mee too" sabi ni Lenny sabay hila sa kamay ko.
Yan ang mga linya ng mga barkada ko sukang suka sila kay Harry dahil sa ginawa sakin, kahit ako naman galit kay HArry pero hindi ko maintindihan na kahit galit ako sa kanya naiisip ko din siya minsan at kapag nakikita siya tila may mga dagang naghahabulan sakin dibdib.
Pero kapag naisip ko na ang ginawa nyang panloloko bigla ng hihinto ang mga dagang tila naghahabulan sakin dibdib.Simula kasi nun malaman ng mga barkada ko na pinagtripan lang ako ng barkada ni Harry, na kaya lang pala ako niligawan nuon First year kami dahil nalaman nila na crush ko ito since Grade 6.
Na ikinuwento ni Roberto sa mga barkada ni Harry. Si Roberto na clasmate namin nun grade 6 siya yun bukod sa maitim na pandak pa na hindi naging crush ni Lenny.
At naging clasmate ni Harry nun first year na.~~~~
Araw mismo ng graduation namin nun elementary nauna kami nagpunta ni Liza sa school dahil kami naatasan mamigay ng mga bulalak na ikakabit sa mga parents ng magsisipagtapos, nun mag datingan na ang magulang.
"Sophia, Liza may mga parents na bigyan nyo na sila ng mga bulaklak nila." Utos ni miss susana.
At sa pag mamadali namin naiwan pala ni Liza sa ibabaw ng table nya yun Slum note kasama nun program ng graduation at toga naming dalawa.
At paglabas namin siyang pasok nila harry, roberto, raffy at rolly.
At dahil pag pasok palang ng kwarto kita mo na kagad sa table na may nakapatong na notebook. At yun notebook may nakasulat pa na napakalaki sa ibabaw na SLUM NOTE ( confidential for girls only) na currious ang mga bugok.
Nang matapos na namin ipamigay sa mga parents na dumating saktong dating din ni cecille at Lenny. At nag announce na yun principal na maghanda na lahat ng magsisipag tapos at magsisimula na, kaya bilis bilis kami bumalik ng room ni Liza para kunin yun aming toga, nakasunod naman samin si cecillle at Lenny kaya magkakasama kami pumasok sa loob ng room.
At doon namin naabutan ang mga boys na pinagkakaguluhan ang slum note namin.
At kanya kanya na sila ng tukso samin.Biglang halbot ni Liza sa slum note, at isa isang pinaghahampas nito sa ulo ang mga boys gamit ang slum note.
"Mga pake alamero! sino may sabi sa inyo na basahin nyo yan! Hindi nyo ba nabasa FOR GIRL'S only." inis na sabi ni Liza at pag hahampasi uli kaso nag takbuhan na ang mga mokong...
Nakita ko pa ang simpleng ngiti ni Harry sakin bago tumakbo kasama nila Raffy, na inirapan ko naman.
Hindi ko alam kun ano ibig sabihin ng ngiti nya iyun.
Pero dahil sa ngiti nyang iyun hindi ko maintindihan yun naramdaman ko nun time yun, na halos narinig ko na yun tunog ng tibok sa aking dibdib.Yun ang kwento kun bakit nalaman nila na crush ko si Harry, na ikiwento naman ni Roberto sa mga barkada ni Harry.