Katotohanan
~~~°°~~~
Lumipas ang ilang araw hindi mawala sa isip ni Monique ang naging kasalanan nya kay Harry at Sophie.
Binabagabag siya ng kunsensya nya.
Kun pwede nya lang itama ang lahat.
Pero hindi nya naitanong kun saan na ngayon nakatira si Harry at si Sophie wala naman siyang balita dito."Mommy sasama po ako sa inyo. " sabi ng bibong anak ni monique na si Kevin.
"Sa supermarket lang ako pupunta anak, mag gro grosarry ako." sagot ni monique sa anak.
"Okey lang po Mommy, saka may pabibili ako sa inyo. "paglalambing nito sa ina.
"Sige na nga, "payag ni monique dahil hindi nya ito kayang tanggihan pag naglambing na.
"Yaya,sumama ka na din. " baling nito sa yaya ni Kevin.
Sa supermarket nakasunod lang si Kevin sa ina nya ng makita nito ang ipabibili dito nagmamadali itong pinuntahan ang corner ng mga Kokocrunch kung saan may free na mga spongesbob,paborito kasi nito si spongesbob kaya pala ito sumama para iyun ang ipabili...
Nagmamadalin siyang pumunta duon na tulak tulak yun cart habang hinahabol ito ng yaya nya na hindi maabot abutan.
Nang bigla itong bumunggo sa isang babae na nakatayo sa gawing kaliwa.Nagulat si Kevin ganun din ang babae nitong nabunggo.
"Ay! Sori po ma'am." hingi nito ng paumanhin sa babae na nakatungo ang ulo sa ibaba.
Nangiti lang ang babae dahil humanga ito sa bata na sa murang edad ay marunong humingi ng tawad sa pagkakasala.
"Ayan nakabunggo ka tuloy, diba i told you to wait mommy? "sabi nito sa bata.
"Sophie? " gulat nito ng makilala kun sino ang nabunggo ng anak nya.
"Monique! " bulong ni Louise.
Kanina lang si Harry ang kausap nya ngayon si monique naman. Ano ba itong coincidence sa isang araw.
Matapos ng pag uusap nila ni Harry minabuti nyang umuwi na muna, nag paalam siya kay mrs.Brillion pumayag naman ito, gusto nyang mag isip muna dahil ang gulo gulo ng isip nya sa mga sinabi ni Harry.
Hindi nya alam kung paniniwalaan nya ito.
Pero kung baket biglang tumawag si Amy at sinabi na wala na silang stock sa bahay, hindi naman nya masisi ito dahil siya ang nagsabi dito na ireremind siya kapag kailangan ng mag grossary sa bahay.
Kaya dumeretso na siya sa supermarket para mag grossary.Tatalikod na sana si Louise ng tawagin siya nito.
"Sophie Can we talk? "pakiusap nito kay Louise.
"Please? " sabi uli nito ng napansin na nagdadalawang isip si Louise.
Sinabi nitong sa labas na sila mag usap. Tinawag ni Monique ang yaya ng anak nya at inihabilin ito.
Nag usap sila sa isang coffee shop na malapit sa supermarket."Kamusta ka na? " unang tanong ni Monique.
Nagkibit balikat lang si Louise."Sophie im sorry dati, pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko sayo."sabi uli ni monique.