Chapter 24

2 0 0
                                    

Ang muling pagkikita

Umaga  sa bahay ni Louise.

Maaga nagising si Louise dahil kailangan nyang makipag meeting sa Villa Corporation.

Itinext pa siya ni Candy kagabi pag dating nya ng bahay to remind the meeting with Villa Corporation.
Binigay din ni Candy ang details  kun anong floor at ang pangalan ng imi meet nya si Mr. Ferdinand Salcedo.

Alas 10 pa naman ang meeting kaya may oras pa para makapag relax.
Naka kain na din siya dahil maagang nakapagluto si Amy na kasambahay nya.
Kinuha nya si Amy nuon nabububay pa mga magulang niya, para may makasama ang mama nya sa bahay dahil wala ito kasama pag nasa trabaho siya.
Nun mamatay ang mama nya hindi na  nya pinaalis ito para may kasama siya  sa bahay at mag asikaso sa bahay dahil hindi na niya ito maasikasong linisin at saka mabait naman si Amy at katulad nya wala na din itong mga magulang.

Alas 8 naligo na si Louise at gumayak na.
Nasa kalagitnaan na siya ng byahe ng huminto ito dahil sa sobrang traffic, puro busina na ng sasakyan ang maririnig sa kalsada.

Tumingin siya sa relo nya alas 9:00 pa lang maaga pa naman, inagahan nya talaga dahil nakakahiya naman kun di siya darating sa oras.
Usad pagong lang ang sasakyan. Nag simula ng mag panic si Louise mayat maya tumitingin siya sa relo nya.

9:40,  nakawala din si Louise sa traffic nadaanan pa nya ang dahilan kun baket traffic may nagka banggaan pala.
Natatanaw na nya ang Villa Corporation, nang makapark na siya nagmamadali siyang pumasok ng building,  tingin siya sa relo 9:55am

"Oh my God! " sabi nya sa sarili.

Nag elevator na siya.
Sa 10th floor pa ang office ni Mr Salcedo.
Nang makarating siya pumunta na kagad siya sa secretary nagpakilala siya at sinabi dito na may meeting  ito with Mr. Salcedo pag tingin ni Louise sa relo nya 10:03 am. Late na siya ng 3 minutes.

Pag karinig ng secretary sa pangalan ni Louise pinapasok na ito kaagad.

" Miss Louise Hernadez, wala po si Mr. Salcedo out of the country po siya, pero iniintay po kayo ni Mr. Villafuerte  sa loob ang bagong ceo ng Villa Corporation. Kanina pa po siya nag iintay." sabi ng secretary na di nawawala ang ngiti sa labi.

"Mr.Villafuerte? " pag karinig nya sa apelyido na yun na binanggit ng secretary bigla may naalala siya. Pero nun maalala nya late na siya ng 3 minutes hindi na nya inintindi.
Imposible naman na yun taong iniisip ko at yun taong imi meet ko ngayon ay iisa.

TokTok!   Kumatok muna siya.

"Come in" sabi ng nasa loob.

Pumasok na si Louise.

Nakatalikod ang lalake na nakaupo sa upuan nito sa office table.

"Good morning, Mr. V-villafuerte, Im Louise Hernadez of Icon Corporation." bati nya sa lalake.

"Your late of 3minutes " bungad nito na nakatalikod pa din.

Kinabahan siya dahil late talaga siya. At pinag intay nya ang Ceo ng kompanya.

"Im sorry Mr. V-villafuerte may... "

Hindi na natapos ang sasabihin ni Louise dahil humarap na ito sa kanya na labis nyang ikinagulat.

"I-ikaw? " Louise.

Tumayo ito sa pag kakaupo at lumapit kay Louise kaya lalo siyang kinabahan at ang bilis ng tibok ng puso nya.

Feeling ni Louise  ng oras na yun para siya hihimatayin.
Sobrang tagal na nuon huli nya itong makita nuon araw ng graduation nila sa high school.
Naisip na nya kanina ito  sa labas nun banggitin ng secretary yun surname nya, pero hindi nya akalain na ang ceo ng Villa Corporation na si Mr.Villafuerte  at si Harry Villafuerte  ay iisang tao.

Hindi nya namalayan na nasa harap na nya ito dahil sa kakaisip nya at pag ka bigla.
Kaya nagulat siya  at napa atras ng may mag salita sa harap nya.

"Kamusta ka na Sophie? " sabi nito at banggitin  ang first name nya na matagal ng walang tumatawag sa kanya sa ganun pangalan.

Nun mag aral siya dito sa manila ng kolehiyo Louise ang tawag ng mga kaklase nya sa kanya kaya nasanay na siya sa Louise at mas gusto na din nya yun para makalimot siya sa nakaraan bilang si sophie.

"Ang tagal kitang hinanap. " sabi uli ni Harry na halatang nangulila sa kanya.

Hindi magawang makapag salita ni Louise.

"Baket ka umalis ng walang paalamBaket mo ako iniwan? " sabi pa uli ni Harry.

Sa tanong  ni Harry na yun biglang nag flashback sa isip nya yun tagpo ng pag uusap nila ni Monique sa loob ng kotse.

"Buntis  ako!, si Harry ang ama! " sabi ni monique.

Nang maalala nya ang sinabi nuon ni Monique  na nabuntis ito ni Harry, tumalikod siya at dali daling tumakbo palabas ng opisina nito.

Pero bago pa mabuksan ni Louise  ang pinto nahawakan na ni Harry ang kamay nya.

"Sophie mag usap tayo please! " pag mamakaawa ni Harry.

"Bitiwan mo ko! Mr. Villafuerte.  " matapang na sabi ni Louise at kita sa mata nito ang matinding galit.
At sabay hila nya ng kamay nya.

Binuksan nya ang pinto at nag mamadaling umalis ng building  na yun.
Naiwan si Harry sa loob ng opisina nya na nag tataka.  Baket hindi ito masaya na nag kita uli sila. At baket ito galit sa kanya...

                        ~~°°~~

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon