Chapter 22

1 0 0
                                    

Shocking News


~ ~ ~ ~°°°~ ~ ~ ~
Kinabukasan na ang graduation nila. Ga-graduate na sila ng high school.

Halfday lang sila ngayon para makapag rest na daw para bukas sa graduation nila, mag beauty rest na daw sila sabi ng prinsipal nila.

Hindi mahahatid ni Harry si Sophie dahil pinaiwan ito ng coach nila sa basketball para i meeting daw yun mga susunod na basketball player, dahil siya ang MVP at nag aasikaso dati sa naturang event kaya kailangan maituro nya sa mga junior student...
Pero nangako ito na pag katapos nya pupunta ito sa bahay nila. Ayaw nga sana ni Harry um attend ng meeting dahil hindi siya maihahatid.
Sinabi lang ni Sophie na umattend ito.
Pumayag naman si Harry yun nga lang pupuntahan siya nito pag katapos sa school.

Kaya si Sophie kila Cecille sasabay kaso may mga kanya kanya palang lakad ang mga barkada nya kasama mga boyfriend nito, sinasama naman siya nk Cecille pero tumanggi siya dahil istorbo lang daw siya sa kanila ni Marlon.
Kahit si Gabby hindi na nakita ni Sophie nun uwian dahil nag mamadali daw ito at mag kikita sila ni Mitch.

"Okey, sige ingat kayo. Enjoy! " kaway ni Sophie sa mga kaibigan.

Naiwan siyang mag isa nag aabang na lang siya ng sasakyan para umuwi na sa kanila ng may huminto isang pulang kotse sa harap nya at bumukas ang bintana nito at sumilip ang isang babae na ikinagulat nya kun sino.

Si monique...

"Hey Sophie, pwede ba tayo mag usap? " sabi nito sa kanya na medyo pormal at seryoso, malayo ngayon yun monique na nakita nya sa birthday ni Richard na maarte at sopistikada.

"Tungkol saan? " tanong ni Sophie na duda siya kun ano pag uusapan nila.
Sa pagkakaalam nya hindi sila close nito kaya baket sila mag uusap, at ano pag uusapan nila.

Napansin ata iyon ni Monique na naiilang sa kanya si Sophie.

"Tungkol kay Harry, " sabi nito.

Nagulat naman siya nun banggitin nito ang pangalan ng boyfriend nya.

Binuksan ni Monique ang pinto ng kotse at pinasasakay siya.

Ewan nya kun ano nag tulak sa kanya at sumakay siya sa kotse ni Monique.
Dahil siguro gusto nya din malaman kun ano yun tungkol kay Harry.

Pinatakbo ni Monique ang kotse wala silang kibuan sa isat isa. Huminto ito sa isang parke na walang gaanong tao.

Pag ka hinto ng kotse nag salita si Monique na parang bomba sa pandinig ni Sophie na kinagulat nya.

"Buntis ako! Si Harry ang ama! "
Dirediretso sabi ni Monique.

Ni hindi makapag salita si Sophie sa narinig. At nagulat siya ng may iniaabot itong envelop sa kanya.

Kinuha ni Sophie ang envelope at kinuha ang nasa loob nito.

Lalo siyang nagulat ng makita kun ano laman ng envelope.

Mga pictures!!!

Picture ni Harry na nakahiga sa kama sa isang kwarto at nakahubad ito at ang katabi si Monique na nakabalot ng kumot para di makita ang hubad din nitong katawan. Nakayap sila sa isat isa at parehong tulog.

Ilang picture ang tinignan pa niya puro hubad na katawan nakita nya at yun isa ay parang nag hahalikan pa si Harry at Monique!.

"Bago pa tayo magkita sa birthday ni Richard, nagkikita na kami ni Harry pero 3months before nagtaka ako baket hindi na
nagpakita sakin si Harry after ng may nangyari samin dyan sa pictures. At nabalitaan ko na may girlfriend na nga daw ito. Sinubukan ko siya puntahan sa school at sa bahay nila pero hindi ko maabut abutan. Kaya nun mabalitaan ko na birthday ni Richard naiisip ko na tyak pupunta si Harry kaya nag punta ako para sabihin sa knya na buntis ako.
P-pero nandun ka kaya hindi ko nagawa." mahabang paliwanag ni Monique habang umiiyak.

Hindi alam ni Sophie kun magagalit siya kay Monique o maawa.
Naniniwala siya sa mga sinasabi nito dahil kitang kita naman sa picture na may nang yari nga sa kanila.

"Nag kausap na ba kayo ni HArry? "sa wakas nakapag salita din si Sophie.

Tumango si monique.

"Sinabi ko sa kanya kinabukasan nun birthday ni Richard, P-pero" hindi na natuloy sasabihin ni monique dahil umiyak na ito.

"Kinabukasan ng birthday ni Richard ng magtext si Harry sakin at sinabi na may aayusin daw siyang importante. Si Monique ba ang sinasabi nyang aayusin nya? " sabi ni Sophie sa sarili nya.

Hindi alam ni Sophie kun aaluhin ba nya ito, naawa siya pero paano na sila ni Harry. NAnatili na lang siya nakaupo at pinag mamasdan si monique at nag salita uli ito.

"P-pero sinabi nya na hindi nya ko mapapanagutan dahil sayo! " sabi uli ni Monique na lalong nagmukang kawawa ang mukha nito.

Nanatili lang sa ganun ayos si Sophie hindi nya alam anong sasabihin nya.

"Sophie ayokong lumaki ang anak kong walang ama,please maawa ka saming mag ina. Hindi ako kayang panagutan ni Harry kun nandyan ka sa tabi nya,please Sophie hayaan mo na samin ng anak ko ang ama nya,nagmamakaawa ako sayo." pag mamakaawa nito kay sophie.

Hindi nakayanan ni Sophie mag stay pa sa loob ng kotse kaya lumabas na ito.

"Sophie," pigil ni Monique ng lumabas na siya ng taxi.

Lumingon lang siya.

"Pakiusap wag mong sasabihin kay Harry na nag usap tayo, lalo nya akong hindi pananagutan." sabi ni monique na umiiyak pa din.

Tinalikuran nya ito at tumawag siya ng taxi at nag pahatid na sa kanilang bahay...

Nang gabing iyon napakahirap kay Sophie na makatulog.
Matapos ng pag uusap nila ni Monique.
Marami siyang tanong sa sarili nya.

Baket nagawa ni Harry sa kanya yun.?

Paano na relasyon nila ngayon?

Kakayanin pa ba nya ipagpatuloy ang relasyon nya kay Harry kun may masasaktan siyang iba?

Magkakaanak na si Harry?

Baket nagsinungalin si Harry?

Pagbibigyan ba nya kahilingan ni Monique na ipaubaya na sa kanilang mag ina si Harry.

Mga tanong sa isip ni sophie na hindi nya alam kun paano sagutin, hanggang sa makatulog siya na dala ang mga alalahanin na yun...






~~~~°°°~~~~








Keep on Voting!!!

GOD BLESS!!!

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon