Who is Gabby?
Sophie pov.
Si Gabby Valencia ang kaklase namin nag tranfer siya sa St. Therese nun nag sstart na ang klase ng second year na namin.
Matangkad siya at makisig at kakaiba ang kutis nya maputi na mamula mula dahil laking manila, pati salita at kilos nya masasabi mo na kakaiba siya sa mga lalake dito sa probinsya.
Ang kapansin pansin ang matangos nyang ilong nun una nga namin siyang nakita akala namin artista. Pinsan siya ni cecille.Lumipat sila ng bahay dito sa Bulacan dahil kinailangan ng mama nya ng sariwang hangin para sa pag papagaling nito sa sakit na ashma. Inatake ng grabe ang mama nya sa ashma dahil sa usok sa manila sobrang polluted na kasi hangin sa manila dahil sa napakaraming sasakyan.
Kaya nag desisyon ang papa nya na lumipat dito sa bulacan tutal may lupa naman sila na malapit kila cecille.
Sa section namin siya napunta, at dahil pinsan siya ni cecille naging ka close namin siya.Minsan halfday lang kami sa school dahil exam lang namin.
nag punta kami mag babarkada sa bahay nila cecille ganun kasi kami lagi kun saan maisipan pumunta pag katapos ng exam.At napagkasunduan namin na kila cecille kami dahil birthday na din ng bunso nyang kapatid.
Pag dating namin sa bahay nila cecille kumain na kami, at nun matapos na kami kumain nakatuwaan namin mag videoke unang kumanta si Lenny kinanta nya yun kantang "Because of you"
Si liza ang sumunod isinalang naman nya yun kanta "Zombie" at kapag chorus na sa halip na sabihin yun pamagat na "Zombie" pinapalitan nya ng pangalan kong "Zophie" kaya tawa ng tawa si Lenny at cecille sa kalokohan ni Liza .Samantalang ako napapailing lang sa kalokohan ng kaibigan ko.
Alam ko na pinasasaya lang nila ako dahil sa nangyari samin ni Harry bago mag bakasyon nun first year kami.At ngayon start na uli nag pasukan 2nd year high school na kami hindi ko pa din makalimutan yun ginawa panloloko ni Harry sakin, na pinag pustahan lang nila akong mag babarkada. Na kahit masaya mga kaibigan ko ngayon hindi ko magawang maging totally maging masaya kasi naalala ko lagi yun ginawa ni Harry sakin.
Naalala ko pa nun unang beses na makasalubong ko si Harry sa main building ng school namin galing siya ng canteen mag isa lang siya, ewan ko kun baket mag isa lang siya nun araw na yun.
Twing nakikita ko naman siya lage nya kasama mga barkada nya si Leonard, Richard. At Darryl pero ngayon mag isa lang siya. Kagaya din nya ako na nag iisa lang din kasi naunang nag punta ng canteen sila Lenny, Liza at cecille dahil may inutos pa si madam Alice sakin na mga test paper na kailangan kong itabi,
kaya pinauna ko na lang silang tatlo sa canteen at sinabing susunod nalang ako.
At iorder na din nila ako ng favorite kong spaghetti at Ham and cheese na sandwich at drinks.
Nang papunta na ako canteen nagulat ako sa makakasalubong ko si Harry nakatingin sakin ito at nakangiti, napahinto ako, pero agad nakabawi at naglakad ako at nun isang dipa na lang layo namin sa isat isa."Hi Sophie" - bati nya sakin na nakangiti.
Hindi ko alam panong ngiti gagawin ko kaya para akong tanga sa ngiti ko, kinabahan kasi ako.
"h-hi,"hiyang sagot ko kay Harry.
"Bat nag iisa ka lang?" Tanong ni harry.
"a-ah, eh, nauna na sila cecille sa canteen. Nauutal kong sagot sa kanya.
"Sige ha?" Paalam ko dito sabay lakad na papuntang canteen.
"Wait Sophie, m-may sasabihin sana ako sayo." pigil ni Harry.
Napalingon naman ako at nag tatanong ang mga mata ko na humarap sa kanya. " Ano yun?" tanong ko sa kanya.
Napakamot pa ito ng ulo at huminga pa ng malalim bago mag salita. Lalo kumisig ito nun ngumiti uli.