Chapter 15

3 1 0
                                    

Sophie's Point of View


Pag uwi ko ng bahay duon ako tuluyan nalunggkot.
Bigla ko na naman na miss si Harry.

Sa tagal na namin nag hiwalay nandito pa din siya sa puso ko.
Walang gabi na hindi ko siya naisip, lalo na pag mag isa na lang ako naalala ko yun mga araw na kami pa. Ang pagiging sweet nito.

Ang alam ng mga kaibigan ko naka move on na ko pero deep inside my heart hindi, magaling lang akong mag dala at mag tago sa mga kaibigan ko dahil ayokong kaawaan nila ako.
At alam ko na maiinis sila sakin pag sinabi kong mahal ko pa din si Harry kahit di talaga ako nito mahal at niloko lang. Dahil sabi nila hindi daw dapat mahalin ang ganun tao.

Naalala ko pa nun minsan sabi ni Cecille sakin.

"Sophie ang daming nanliligaw sayo, wala ka din ba gusto kahit isa sa kanila?" Tanong ni cecille

"Don't tell me si Harry pa din?" -ismid na sabi ni Lenny.

" Hoy Sophia Louise wag na wag mong sasabihin na mahal mo pa din yun manlolokong Harry na yun kundi magagalit kami sayo" wika naman ni Liza

Dahil sa mga tinuran ng mga barkada ko nalaman ko na matindi galit nila kay Harry na hindi ko naman sila masisi dahil kaya naman sila nagagalit dito dahil sa ginawa ni Harry sakin. Hindi na daw nila hahayaan na saktan uli ako ni Harry.

Pero naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang niloko ni Harry ako dapat ang mas matindi ang maging galit dito, oo galit ako kay Harry pero sa kabila ng galit ko sa kanya Mahal ko pa din siya. Kaya mas galit ako sa sarili ko dahil tanga ako.
Mahal ko ang taong nanloko sakin...

Sa loob ng mahigit dalawang taon hindi na uli ako nag boyfriend kahit ang daming nanliligaw sakin kahit alam nila na boyfriend ko na si Gabby marami pa din sumubok na nanligaw. Naalala ko pa sinabi ni Gabby nuon...

"Sophie ang dami pa din nanliligaw sayo kahit alam nila na boyfriend mo ako. Pero alam naman natin na hindi totoo relasyon natin, pwede naman tayong mag break kunwari at sagutin mo na kun may nagugustuhan ka na sa kanila, kailngan mo din maging masaya Sophie" wika ni Gabby

"Wala akong gusto sa kanila ei, siguro hindi pa dumarating ang destiny ko" matamlay na sgot ko.

"O baka naman mahal mo pa din si Harry, baka na sa kanya pa din ang puso mo kaya hindi mo kayang ibigay sa iba." Gabby.

Pag kasabi nuon ni Gabby hindi na ko umimik.

Nakita kong ngumiti ng kakaibang ngiti si Gabby hindi ko alam kun ano ibig sabihin ng ngiti nyang yun.

Sa tagal namin ni Gabby na kunyari kunyarian boyfriend ko naging close kami nito at naging mag kaibigan kami minsan nga mas malapit pa ako dito kesa sa mga kaibigan kong lukaret kasi nga mas madalas kami magkasama dahil sa pag papanggap namin na may relasyom kami.

Pero hanggang dun lang ang relasyon namin ni Gabby ang maging friends bukod sa may girlfriend siya kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya.

Ngayon gabi naisip ko ganito na lang ba ako palagi.
Dapat kalimutan ko na talaga siya at pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi ko siya dapat mahalin pa dahil sinaktan nya ko.

At kanina nun banggitin ang burol naalala ko na naman si Harry. Dahil nun elementary kami kasa kasama namin ito sa pag akyat sa puno at lahat ng napipitas nito sa akin binibigay.

Niyakap ni Sophie ang unan nya, hanggang sa makatulog na huling nasa isip ay si Harry.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon