"Harry! Manganganak na ata ako! "sigaw ni Sophie sa loob ng kwarto nila.
"Ano? " gulat ni Harry ng marinig ang sigaw ng asawa.
Nagmamadaling lumabas ng banyo na kasalukuyang pinaliliguan ang panganay nilang anak na si Happie na apat na taon gulang."Amy! Pakituloy mo na pagpapaligo kay Happie, Ang ate Sophie mo manganganak na daw! "tarantang sabi nito sa kasambahay nila.
Binuhat nito ang asawa at nagmamadaling isinakay ng kotse.
"Yung susi!, nasan? " taranta pa din sabi nito ng makasakay na din siya sa loob ng kotse.
"E-ewan ko, ahhh! Harry bilis ang sakiittt na ng tyaaannn ko! " namamalipit na daing ni Sophie.
Bumaba uli si Harry ng kotse at pumasok uli ng loob ng bahay para kunin ang susi.
Pag kakita nya ng susi nagmamadaling pinaandar na nito ang sasakyan.
Sa ospital.
"Yehey! May kapatid na ako, mommy ano po pangalan nya? " tuwang sabi ni Happie.
"Perry, ang name ng baby brother mo Happie" sagot ni Sophie sa anak habang kalong si Perry.
"Si Daddy naman kakarga kay baby Perry "sabi ni Harry habang kinukuha kay Sophie ang kanilang bunso.
"Daddy, pa kiss naman po kay baby Perry " singit ni Happie na pumanik na sa kama para maabot ang kapatid at hinalikan ito.
Pagkahalik nito ay ngumiti si baby Perry kaya nagtawanan sila mag anak.Napuno ng tawanan ang loob ng kwarto sa mag anak.
Please support my next story "LOVE HOUSE"