Chapter 34

2 1 0
                                    

                           ~~~~°°~~~~

Alas otso ng gabi ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Louise.
Nasa Paris na siya.
May sumalubong sa kanya at inihatid siya pansamantala sa isang hotel dito sa Paris.
Napaka ganda ng tanawin giliw na giliw si Louise sa mga nakikita sa paligid.

Saglit nyang nakalimutan ang pait na nangyari sa kanya sa pilipinas.
Pag dating sa hotel mas lalo siyang nagulat dahil hindi basta hotel lang pinagdalhan sa kanya.
Mas malaki pa ito sa Five star Hotel sa pilipinas.

At sa tingin nya pang mayayamang tao Or pinaka mayayamang tao lang ang nakakapag check in dito.
Sosyal na sosyal ang dating ng Hotel, pag pasok nya sa loob ng kwarto nya mas lalo siyang nagulat sa lawak ng kwarto nya kasing laki na ata ng buong bahay nya sa pilipinas may isang kamang malaki na puting puti ang cover may sofa din sa may gilid ng kwarto at may maliit na table sa isang sulok na may isang upuan. May isang t.v din na flat screen sa gitna. At may heater din siya nakita malapit sa may paanan ng kama.
Naupo siya sa kama na sobrang lambot, at sa sobrang lambot para siyang nabaon dito sa pag lundo ng umupo siya.
Nahiga siya dito kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam nya.

Kring! Kring! Kring!
Ninanamnam pa nya ang lambot ng kama nang biglang tumunog ang celpon nya.

Bumangon siya at sinagot ito.

"Mrs. Brillion!, opo nandito na po ako, opo,,,,  sige po,,,,  salamat po.. "sagot nya ng kamustahin siya ni Mrs.Brillion at sinabi na may darating bukas ng umaga para sunduin siya at ihatid na kung saan siya titira at kung saan ang trabaho nya.

Maaga nagising si Louise nakapag alamusal na din siya at nakaikot din siya sa ilang bahagi ng hotel habang iniintay ang sundo nya.

Nang dumating ang sinasabi ni Mrs. Brillion umalis na sila at dinala siya sa isang building kung saan doon siya magtatarabaho.
Pag pasok nya sa loob mas lalo siyang humanga sa laki nito at sa ganda ng disenyo sa loob.
Lumakad pa siya hanggang sa ipakilala sa kanya sila Francis Libiran, John Ablaza, Norman Noriega at Roland Azate ang kilala at tanyag na mga Fashion Designer.
Halos manliit siya ng makipag kamay ito sa kanya at iwelcome siya.
Niyakap siya ni Francis Libiran dahil nag meet na sila nito dati nung nag ojt siya sa canada.

Hindi makapaniwala si louise na mararating sa kung ano man kinalalagyan nya ngayon dahil kahelera na nya ang mga sikat na designer ng ibat ibang bansa at makakatrabaho pa nya ang mga ito.

Lumipas ang isang taon at mas lalong naging matunog at maingay ang pangalan nya dahil sa kakaiba at unique na  mga design nya na tinatangkilik sa buong mundo.

Lumipas uli ang isa pang taon at nag karoon ng isang programa para parangalan ang mga sikat na Fashion designer sa toronto canada kaya tumungo sila duon.

Hinangaan at pinalpakan ng mga  canadia ang mga obra ng mga sikat na Filipinong designer sa Roy Thomson Hall sa Toronto Canada at isa isang tinawag ang mga pangalan nila para parangalan.
At nang matapos ang event maraming mga kilalang tao ang bumati sa kanila lalo na kay Louise na pinaka bago sa kanilang Designer pero hindi nag pahuli sa angkin talento nito.

Pumunta si louise sa isang sulok ng event na hindi gaanong maingay dahil    lumapit ang  assistant nya at sinabing may tawag siya sa Pilipinas.

"Hello! "nang sagutin nya ang telepono.

"Hello!  Sis, Congrats isa ka na talagang sikat na Fashion Designer! Im happy for you sis. Napanood kita sa tv. Ang ganda mo.Alam mo  ba nung pinapanood kita kanina nuong tawagin yung pangalan mo at lumabas ka iyak ako ng iyak Sis. Ang saya ko talaga para sayo."mahabang sabi ni Candy sa kabilang linya na halata pa din umiiyak ito dahil sa kaligayan.

"Sis, pwede na ko mag salita? "sabi ni Louise na natutuwa sa kaibigan.
Simula nun mag tagumpay siya at minsan ngang iguest pa sila sa isang show sa Paris itong kaibigan nya din ang laging unang tumatawag sa kanya para lang siya batiin at kahit mahal ang tawag wala itong pakealam.

"Nakakainis ka naman Louise nag momoment pa ako."sabi ni Candy na naputol ang speech.

"Sis, thank you talaga. Sis Miss na kita"biglang lumungkot at boses nito.dahil sobrang namimiss nya kaibigan lalo na pagmagkausap sila sa telepono.

"Wala bang balita kung kelan ka babalik dito Sis.? " malungkot din na sabi ni Candy.

"Wala pa! , pero pag meron ikaw  unang unang makaka alam."sabi ni Louise na pinasaya uli ang boses.

"Sis, nag kita na ba kayo? "tanong ni CAndy.

"Nino? Tanong naman niya.

"Ay! Sis papatayin ko na yun phone nandito na si Boss baka mapagalitan ako, ba bye!  I love you sis!  I miss you. " nagmamadaling sabi ni Candy sa kabilang linya.

"sino......? "louise.

ToooootToooooot! Toooooot....

Na lang narinig ni Louise.

"Hey Miss Louise they have someone looking at you." tawag ng isang organizer sa event.

"Who is it? "tanong nya pag kabigay nya ng phone sa assistant nya.

Biglang sumulpot ang isang lalake sa likuran ng organizer.
Na  naging dahilan ng pagkagulat ni Louise.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon