Chapter 37

2 2 0
                                    

"Sophie,gusto kong malaman mo na mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon hindi nagbago pag mamahal ko sayo simula nung mga bata pa tayo."sabi ni Harry habang paalis na si Louise pabalik ng Paris.
Nanatili lang nakatingin si Louise.

"Sabihin mo lang na mag stay ako dito,gagawin ko ganun kita kamahal"patuloy nito.

"Louise, hurry up! Male-late tayo sa flight " tawag ng isa sa kasama nya.

"Oh! Paano sis, chat chat nalang uli. Tawag ka pag nasa Paris ka na... Ma mimiss na naman kita."sabi ni candy sabay lapit nito sa dalawa dahil binigyan nya ng privacy para makapag usap.

"Mamimis din kita sis! Pakisabi kay Amy miss ko na din siya yun pasubong ko sa kanya pakibigay mo na lang. Muaah! Muaaah! Muaaah! "sabi ni Louise sabay halik sa kaibigan.
Pagtingin nya kay Harry para mag paalam na din, nakita nya sa mukha nito ang lungkot.

"Harry" sabi nya dito na nagpapaalam na din.

"Sophie? " bigkas nito sa pangalan nya na tila nag iintay pa din ng sagot sa tanong nya kanina.

"Louise! "tawag uli ng kasama nya na nakasakay na sa van at siya na lang iniintay.

Lumingon si louise dito at lumingon uli kay Candy at Harry.

"Bye! "sabi nya lang sa dalawa at tumalikod na siya.
Sumakay na siya ng van at umalis na ang mga ito. Hindi na siya lumingon dito kahit gustong gusto nya tignan kahit sa huling saglit si Harry pero pinigil nya ang sarili nya dahil kanina lang ng makita nya ang mukha nito sa lungkot gusto na nyang sabihin na mahal pa din nya ito pero tulad ng ipinangako nya sa sarili nun umalis siya ng Pilipinas hindi na siya iiyak sa ng dahil sa pag ibig, kaya nilalabanan nya yun nararamdaman nya kay Harry.

Oo may nararamdaman pa din siya.

Nung makita nya ito kagabi sa event biglang bumilis ang tibok ng puso nya at aaminin nya na natuwa siya ng makita nya ito kagabi.
Pero pilit nyang nilabanan.

Naramdaman nya na may pumatak na luha sa pisngi nya na agad nya naman pinunasan.

Samantala si Candy nakita nitong may pumatak na luha sa mata ni Harry ng tumalikod at umalis si Louise na walang isinagot dito.
Sobra siyang naawa dito hindi naman nya masisi ang kaibigan kahit hindi nya ito maintindihan minsan nararamdaman naman nya na mahal pa din nito si Harry.

Umuwi sila at nakarating ng pilipinas Harry ni hindi man lang ito umimik kahit isang beses. Tumango lang ito ng mag paalam na siya.

Pag dating ni Louise ng Paris deretso siya ng kwarto nya naupo siya sa gilid ng kama, hindi nya alam buhat pa kanina pag sakay nya ng Van parang ang bigat ng raramdaman nya maging sa eroplano wala siyang samud,napansin din siya ng mga kasama nya tinanong pa siya kung may sakit sabi nya lang pagod lang siya.

Pakiramdam nya ngayon ang lungkot lungkot nya.
Naisipan nyang mag patugtog, nag hanap siya sa lalagyan ng mga disk ng pedeng patugtugin ng magawi sa isang lalagyan yun mata nya nakita nya duon ang isang Videotape.
Yun video tape na yun ang inabot sa kanya ng ate nya nung monthsarry nila ni Harry, natatandaan pa niya sinabi ng ate nya eto pa isang suprise sayo ni Harry panoorin mo daw.
Hindi na nya ito napanood dahil pag panik nya ng kwarto nuon nahiga siya ng kama at niyakap yakap nya yun teddy bear na binigay ni Harry at nakatulog siya na yakap yakap ito.
Nawala na sa loob nya videotape.
At nun lumipat sila ng bahay pinagsama sama nya lahat ng mga cd, at tapes sa isang box mahilig kasi siya makinig ng music at manood ng movie kaya mayroon siyang lalagyan ng mga ito.
At ng pumunta siya ng Paris bitbit nya pa din ito.
Kinuha nya yun Video tape at isinalang nya.
Ngayon nya lang ito mapapanood.
Naupo siya sa kama at kinuha yun remote.
Pag bukas nya unang lumabas sa screen ay ang mukha ni Harry.
Nag memessage ito sa kanya.

Hi! Sophie may baby, i love you now and forever. Ikaw lang ang una at huli kong mamahalin.
Nirecord ko ito para mapanood mo palagi para sa twing panonorin mo ito maalala mo kung gaano kita kamahal.

Baby, nagustuhan mo ba suprise ko ngayon monthsarry natin? Kinuntsaba ko pa ang Papa at Mama at ang Ate mo abot abot ang pakiusap ko na videohan tayo buti pumayag.
Kaya eto panoorin mo na yun kanina.

Bigla nawala sa screen ang mkha ni Harry, at maya maya lumiwanag unang nabasa nya.

Happy monthsarry baby!

At lumitaw yung nangyari sa kanila ni Harry nun isuprise siya nung monthsarry nila.
Simula nung pag baba nya ng sasakyan.
pagpasok sa loob ng gate nila.
Paglakad nya na may red carpet at mga petals ng red roses.
Hangang sa mag sayaw sila.

Hindi namalayan ni Louise na basang basa na ang mukha nya sa luha kanina pa pala siya umiiyak...

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon