Chapter 6

7 1 0
                                    

Hindi na kita Mahal, May Mahal na akong Iba

°° ~~~~~°°

"Hey Sophie baket ka umiiyak?" Pag aalalang tanong ni Gabby.

Hindi ni namalayan Sophie na tumutulo na pala luha nya dahil naalala na naman yun dahilan kun baket sila nag break ni Harry.

At hindi din nya namalayan na nandito na pala si Gabby.

Kanina lang apat lang silang mag babarkada na nag vivideoke bago pa nya maisip si Harry.

"Hay naku Sophia Louise naalala mo na naman ang panloloko sayo ni Harry." sabi ni Cecille sabay yakap sa kaibigan...

"Sino si Harry?" Tanong naman ni Gabby.

"Later kwento namin sayo", bulong ni Lenny na gusto ng putulin ang usapan tungkol kay harry dahil kilala nila kaibigan nila si Sophie na lalo lang itong iiyak.

Pano naman first crush nya, first boyfriend nya tapos pinagpustahan lang pala siya at niloko diba ang sakit?

Hindi pa din siya nakaka move on sa nangyari. One week nalang bakasyon na nuon at ngaun pasukan na uli,almost 3months na bakasyon pero sariwa pa din sa kanya nangyari.

Sinubukan siya kausapin ni Harry, pinuntahan siya sa bahay pero di nya nilalabas. Pinasasabi nya sa ate nya na may sakit siya ayaw pa istorbo halos isang linggo nagbalik balik si Harry sa knila pero di nya hinarap.
Hindi naman nagtatanong ang ate nya, at hindi din siya nag kwento dito kasi baka isumbong siya nito sa mga magulang nila.

Kaya nun minsan nagpunta yun tita nya na taga manila nag invite ito na duon muna sila ng ate nya sa manila para mag bakasyon dahil mag isa lang ito sa bahay dahil bumalik na sa amerika ang asawa nito.

Bilis bilis siya pumayag naisip nya hindi na siya magdadahilan na may sakit kay Harry dahil ayaw nya itong harapin sa twing pupunta sa kanila.
Buong bakasyon nasa manila siya kaya wala na siya balita kay Harry.
At nun mag papasukan na umuwi na siya, at e
Pag nakikita nya si harry sa campus iniwasan nya langito...kahit anong lapit sa kanya dine deadma nya lang.


"Ikaw naman kumanta Sophie" sabi ni cecille.
Nag balik uli sa realidad ang utak nya, kanina pa nagbabalik tanaw ang isip nya sa mga nangyari sa kanya nakalimutan nya na nandito nga pala sila para mag saya.

Kinuha ni sophie yun mikropono at kumanta ng kanta ng Luha ng Aegis.
Habang kinakanta ni Sophie ramdam ramdam ng nakikinig ang lungkot dahil sa pag kanta nya.
Pinipigil nya na wag maluha.

Palakpakan mga barkada nya ng matapos samantala si Gabby nakatingin lang kay Sophie ramdam nito na may mabigat itong nararamdaman.

Salitan sila sa pag kanta magkakaibigan hanggang sa maghapon at nag pasya na silang mag uwian at angan pa nila mag review dahil may exam pa uli bukas...


Kinabukasan sa Campus...

"Sophie Pede ba tayo mag usap" -Harry.

Naglalakad sila nuon time na yun palabas ng campuz para umuwi na at katatapos lang ng exam, magkakasabay ang mga magbarkada at kasama si Gabby dahil napagkasunduan nila na kila Gabby naman deretso ngayon.

Bigla lumapit si Harry mag isa lang ito.

"Wala na tayong dapat pag usapan Harry" malamig na sagot ni sophie.

"Sophie hayaan mo muna akong mag explain please" - Harry

Na kitang kita sa mata nito na malungkot.

"Para saan pa, malinaw na sakin ang lahat wala ka na dapat ipaliwanag. Ano para mag inbento na naman ngg kun ano anong kasinungalingan.
Mag kano ba napanalunan mo sa pustahan nyong mag babarkada para mapasagot ako at lokohin?" Mahaba kong sabi na pinipigil ang pag patak ng luha.

Dapat maging matapang na ako ngayon na harapin siya, sabihin lahat ng sama ng loob ko sa kanya para makapag move on at mag karoon naa ng closesured yun pag hihiwalay namin.

"Sophie hindi kita niloko,,, " simula ni Harry pero hindi nya natapos dahil nagsalita uli si Sophie.

" Stop it Harry I dont want to hear any explanation from you, Dahil kahit ano sabihin mo hindi ko na pinaniniwalaan dahil isa kang sinungaling." -Sophie

"Please Sophie mahal kita, sabihin mo na mahal mo pa din ako please baby?" - maluha luhang sabi ni Harry.

Hindi alam ni Sophie kun tama ba yun nakita nya sa mata ni Harry para labis itong nasasaktan sa nangyayari.

Pero hindi ito pinansin ni Sophie,

Siguro style nya lang yun at sanay na siya sa ganun ang dali nya manloko ng babae. Ihate you Harry ang sama mo talaga sabi nya sarili nya.

Hinarap ni sophie si Harry at buong tapang siyang nagsalita.

"Hindi na kita mahal Harry, at pwede ba just leave me alone tapos na tayo."- matapang nyang sabi.

At nagpatuloy ito sa pag sasalita.

"May iba na akong mahal"
- pagdadahilan ni Sophie ewan nya kun baket lumabas sa bibig nya yun,siguro para ipaalam nya kay Harry na hindi lang siya ang lalake, at para hindi siya mag mukha kawawa kasi buhat nun mangyari yun panloloko sa kanya awang awa siya sa sarili nya.

"Hindi ako naniniwala" Harry na biglang nagulat hindi nya inaasahan na sasabihin ni sophie yun.

"Oo hindi na kita mahal Harry, dahil may iba na akong mahal at may boy friend na ako kaya pwede ba lubayan mo na ko!"
mahabang sabi ni sophie sabay lapit kay Gabby at hawak sa kamay nito, na nasa likod lang nya na kanina pa naguguluhan dahil hindi nya naiintindihan pinag uusapan.

Nanlaki ang mata ni Harry hindi siya makapaniwala sa narinig.

At hindi lang si Harry ang nagulat at nanlaki ang mga mata pati ang tatlo nya kaibigan nya at ganun din si Gabby na nalilito sa nangyayari.

"Oo Harry may boyfriend na ko", sabay taas sa kamay nya na nakaholding hands pa din kay Gabby.

Si Gabby naman sumusunod lang sa nangyayari kahit naguguluhan.

"Kaya lubayan mo na pag lapit sakin" sabay talikod nya at alis na hawak pa din kamay ni Gabby.

Naiwan nakatulala si Harry at pag lingon ni sophie para tawagin yun tatlong kaibigan nya na nakatulala din, nakita nya si Harry na parang may pumatak na luha sa pisngi nito at sobrang lungkot ng mata nito.

Baket siya iiyak? eh pustahan lang naman kun baket siya niligawan baket ito masasaktan eh hindi naman siya nito totoong mahal, wala yun guni guni ko lang yun paliwanag nito sa isip nya.

"Guys tara na"

sigaw ni sophie sa tatlong kaibigan nya na nun lang kumilos ng marinig ang sigaw nya.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon