Fake boyfriendMakalipas ang isang linggo kinailangan ng bumalik ng manila ni Mitch nag paalam na ito kila Sophie, Lenny, Liza at Cecille. Maraming pasalubong na pinadala ang mga ito.
Pinauwian din nila si Mitch ng mangga, santol, bayabas na nakuha nila sa burol.Si Harry na lang ang nag hatid sa kay Mitch sa terminal papuntang Manila.
Bago sila tumuloy ng terminal dumaan muna sila ng mall para kumain at makapag bonding pa kahit sandali dahil matagal tagal na naman silang magkikita.Saman tala si Harry papunta ng mall ng araw na yun hindi inaasahan ni Harry n makikita nya sa mall si Gabby at may ka akbay na babae at nagulat siya ng makita nya na hindi si Sophie ang babae.
Nag kataon na nag mall din si Harry para bumili ng regalo sa pamangkin nito na mag bi birthday bukas.
At di inaasahan na ito makikita nya.
Gusto na nitong sugurin si Gabby at suntukin dahil niloloko nito si Sophie.
Pero minabuti muna nya itong sundan.Nanatili pa din naka akbay si Gabby sa babae habang palabas ng mall, sinundan lang ito ni Harry hanggang sa parking lot at hanggang sa umalis ang mga ito, sumakay na din siya sa kotse nya at sinundan ang kotse ni Gabby.
Hanggang tumigil ito sa terminal ng bus at pinark ang sasakyan.Sumunod pa din si Harry hanggang loob ng terminal. Kitang kita nya ng mag yakap ang dalawa at halikan ni Gabby sa labi ang babae.
"mamimiss kita hon," sabi ni Gabby ky Mitch.
"Same here hon," sabi ni mitch
At hinalikan uli ni Gabby sa labi si mitch bago ito sumakay ng bus papuntang manila.
Lingid sa dalawa na nakalapit na sa kanila Harry kaya dinig na dinig nito ang usapan nila.
Sumakay na ng bus si Mitch. Hinintay na muna ni Gabby umalis yun bus bago siya umalis ng terminal, hanggang sa umandar na ang bus at kumaway na ito kay Mitch.
Pag balik ni Gabby sa kotse nya ng bigla may sumuntok sa kanya.
"Hayup ka Gabby, niloloko mo si Sophie, pinalabas mo na pinsan mo yun, Yun pala girlfriend mo pinag sabay mo sila. Kahit alam mong mahal na mahal ka ni Sophie kaya niloloko mo siya, sinabi ko sayo nuon na kapag niloko mo si Sophie ako makakalaban mo." Sabi ni Harry na galit na galit at akmang susuntukin na naman si Gabby.
Pero bago pa masuntok si Gabby naunahan na siya nito.
"Ikaw ang nanloko kay Sophie diba? baka nakakalimutan mo?" sabi ni Gabby
" Hindi ko niloko si Sophie kailan man, hindi ko kayang lokohin ang babaeng nag iisang minahal ko.
"Kaya pala pinagpustahan nyo siya"
"Hindi ko pinatulan sa pustahan ang mga barkada ko, hindi lang ako hinayaan ni Sophie mag paliwanag kahit minsan hindi ko siya niloko. God's know how much i loved her, niligawan ko si sophie dahil gusto ko siya at mahal ko siya hindi dahil sa pustahan...
At wag mong ibahin ang usapan dahil ikaw ang manloloko kitang kita ko sa akto na niloloko mo si Sophie na girlfriend mo."galit na wika ni Harry at sinutok na naman si Gabby." Hindi ako totoong boyfriend ni Sophie." sabi ni Gabby.
Susuntukin pa sana uli ni Harry si Gabby ng napatigil siya sa narinig.
"Nag panggap lang kami na mag boyfriend" -Gabby
"Baket? " -malakas na sigaw ni Harry.
"Mas mainam na sa kanya mo na malaman, sa tingin ko mahabang panahon ang sinayang nyo sa hindi pag kakaintindihan at siguro dapat nyo ng itama ito ngayon Harry, pero isa lang pakiusap ko Harry, wag mo na uling papaiyakin si Sophie."mahabang sabi ni Gabby
"Salamat p're." Harry na pasakay na ng kotse at plano ng puntahan si Sophie dahil hindi pala ito totoong boyfriend na.
At baket sinabi nito sa kanya na boyfriend nya si Gabby, sa anong dahilan?
Walang boyfriend si sophie ibig sabihin walang ibang mahal si Sophie.
Pinakawalan nya ito dahil hinayaan nya si Sopie maging masaya sa piling ng iba dahil akala nya masaya si sophie kay Gabby.
Almost two years na nag panggap siyang may boyfriend. Baket?Pinaharurot nya yun kotse nya dahil gusto na nyang makausap si sophie.
Samantla si Gabby naiwan na masaya dahil alam nyang magiging masaya na din Sophie.
Napag pasyahan ni Gabby na pag kahatid nya kay Mitch ay puntahan nya si Harry para kausapin.
Naalala nya kasi nun minsan kausapin siyA ni Harry tungkol kay Sophie, duon nya nalaman na totoong mahal nito si Sophie at may gusto pa sana itong sabihin sa kanya nuon ng dumating ang mga barkada ni Sophie at hinila siya palayo kay Harry at sinabihan wag makipag usap dito.
Iyun ang gusto sana nyang linawin kay Harry ngayon.
Pero hindi na pala nya kailangan puntahan si Harry dahil ito na mismo ang lumapit sa kanya ngayon.
At nalinawan siya sa lahat na Mahal talaga ni Harry si Sophie, at mahal din ni Sophie si Harry.