Chapter 31

4 1 0
                                    

                        ~~~°°~~~

Lumipas pa ang mga araw.
Kinailangan mag over time ni Louise dahil deadline na kinabukasan ng mga bago  nya  na  namang ilalabas na koleksyon, kinailangan nyang gumawa ng mga bagong disenyo  dahil nalalapit na ang christmas umiisip siya ng magiging patok at tatangkilikin ng mamimili sa darating na pasko at hindi lang dito sa pilipinas maging sa ibang bansa.

NAging busy siya ng mga nakaraang araw dahil lagi silang nag  de date ni Melvin kaya madalas siyang nakakapag undertime.

Simula din nuon araw na nag abot si Harry  at Melvin hindi na uli inungkat ng una ang nakaraan nila.
Iginalang nalang nito ang relasyon ng dalawa.
Pero madalas pa din itong mahuli ni Louise na nakatingin sa kanya pag nasa Kompanya siya nito at pag titingin siya saka ito iiwas ng tingin.
Hatid sundo siya ni Melvin kaya wala silang pagkakataon ni Harry na makapag usap pag nasa Villa Corporation siya.

Samantala si melvin ay pinadala ng Icon sa davao para asikasuhin ang branch duon.
Isang linggo ito duon.
Dala ni Louise ang kotse nya kanina umagang pumasok siya dahil wala si Melvin na naghahatid at sundo palagi sa kanya.

Pag tingin nya sa relo nya alas 6 na ng gabi.
Hindi pa siya nangangalahati sa target nya.
Tumingin siya sa bintana ng opisina nya nakita nya sa labas na padilim na at umuulan pa.

"Mukang ako na lang ang tao dito, umulan pa! " sabi nya sa sarili nya.

Si candy ay maagang umuwi kasabay ng iba nyang ka empleyado  dahil may emergency  sa bahay nito nangako na aagahan nalang nito ang pasok bukas.

Sa loob ng opisina walang pakealam si  Louise kung mag isa na lang siya,   busy pa din ito sa pag gawa ng mga bago nyang disensyo ng biglang kumulog ng malakas at kumidlat ng matalim kasabay nuon biglang nagdilim ang paligid.
Nag brownout.
Napasigaw siya ng malakas sa gulat.
Takot ito sa kulog dahil nun bata siya mag isa lang siya sa bahay nila ng kumulog bigla at tamaan ng kidlat ang isang puno na malapit sa bahay nila, mula nuon natatakot siya sa twing kumukulog.

"Oh my God!  Baket ngayon pa nawalan ng ilaw." sabi nito sa sarili na kinakabahan na.

Wala naman inannouce na may bagyo pero sobrang lakas ng ulan na sinasabayan pa ng kulog at kidlat paminsan minsan.
Lumakad siya papunta sa may isang kwarto sa dulo na lagayan ng mga ilang abubot sa opisina,  para tignan kun may emergency light duon. Kakapa kapa siyang nag lakad tanging liwanag lang ng paminsang minsan pag kidlat ang naging mata nya.
At sa twing kukulog napapahinto siya.
Nang makapasok siya sa loob ng kwarto bumangga siya sa dibdib ng isang bulto ng katawan.

"AY! Sus maryosep! " sigaw nya.

Bigla siyang nasilaw ng itutok ng nakabunggo nya ang hawak nitong flashlight na ngayon pa lang bubuksan.

"L-Louise? " sabi nito na nagulat din.

"H-harry? " sabi nya ng makabawi sa pag ka gulat.

"BAket nandito ka pa gabi na? " tanong ni Harry.

" Tinatapos ko pa yun mga disensyo ko para bukas, hahanap sana ako ng emergency light dito. Ikaw baket nandito ka pa" sabi ni Louise

"Ah, may tinapos kasi akong mga pinirmahan, naidlip ako hindi ko namalayan ang oras nagising ako nun kumulog ng malakas. Ang dilim kaya naghanap din ako ng pedeng pansamantalang maging ilaw." mahabang sabi ni Harry.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon