Chapter 35

5 1 0
                                    

Harry's Pov.

"Miss De Jesus. Nasan si Louise? " tanong ni Harry nuon magpunta si Candy sa Villa at personal na dinala yun letter na pinadala ni Mrs.Brillion.

Na nilalaman ay humihingi ng apology sa di natapos na kontrata ni ni Louise at sinabi na magbabayad nalang ng penalty sa natitirang isang linggo pa sana pagtatrabaho sa Villa.

Pangatlong araw na ngayon na hindi nagrereport si Louise sa kompanya nya sa pag kaka alam nya one week pa para matapos yun kontrata na pinirmahan nito na magtatrabaho sa Kompanya nya.

"Ah sir, wala po ako sa lugar para mag sabi sa inyo. "sabi ni candy sa kanya. At nag pa alam na ito na babalik sa Icon.

Hindi mapalagay si Harry nuon araw na yun pakiramdam nya may nangyayari na hindi nya alam kaya nagpunta ito sa bahay nila Louise.

"Ay! Sir wala na po dito si ate Louise."sabi ni amy ng makarating siya sa bahay nito.

"Nasan siya? " tanong ni Harry.

"Pasensya na sir! Hindi ko po alam."Sabi ni Amy.

Alam ni Harry na may alam ito pero alam nya na hindi ito mag sasalita. Kaya umalis siya at nag punta kay Mrs. Brillion
Pag dating nya sa Icon nagpunta kaagad siya sa opisina nito naabutan nya sa loob si Candy.

"Alam kong may alam kayo kung nasaan si Louise." malakas na sabi nito ng makapasok na siya sa opisina nito.

"Wala na si Louise,Mr. Villafuerte pumunta na siya kahapon sa Paris malaking oportunidad sa kanya yun, kung mag kano man ang magiging penalty namin sa kontrata magbabayad kami." mahabang sabi ni Mrs.Brillion na walang kamalay malay.

"Wala akong pake alam sa penalty Mrs.Brillion.... Kahapon pa umalis si Louise?. "baling nito kay Candy.

Tumango lang si Candy.
Lumabas si harry ng lulugo lugo, sinundan ito ni Candy.

"Boss Harry pwede po ba tayo mag usap tungkol kay Louise."sabi ni Candy ng maabutan nito si Harry na pasakay na ng kotse nito.

Pinasakay siya ni Harry sa kotse at nagpunta sila sa isang Cafeteria na malapit lang sa Icon.
Umorder ito at...

"Boss Harry, umalis po si Louise dahil unang dahilan nya, ito ang pinangarap nya sa buong buhay nya. Nuong unang magka kilala kami laging bukang bibig nya sa akin na gagawin nya ang lahat para maging sikat siyang Designer na kikilalanin siya hindi lang dito sa pilipinas maging sa buong mundo.
Alam ko po na kayang kaya nyong sundan si Louise sa Paris pero nakikiusap ako sa inyo na hayaan nyo muna siya hanggang sa matupad nya ang pangarap nya.
At kapag nag tagumpay siya at mahal nyo pa din ang kaibigan ko ako pa boss Harry ang magiging tulay mo sa kanya. Promise! "mahabang sabi ni Candy sa kanya.

Tinanong ni Harry kay Candy kun kamusta na si Louise at Melvin sinabi nito na hiwalay na ang dalawa pero hindi sinabi ni Candy ang dahilan kung baket.
At ang sabi sa kanya lang ay balang araw ay malalaman nya din kapag nakapag intay siya.

Matapos nila mag usap ni Candy sinunod nya ang payo ni CAndy.
Na hayaan na munang matupad ni Louise ang pangarap nito.

Isang buwan pa lang ang nakakalipas nuon nagpunta si Harry sa Paris madali sa isang katulad nya na mahanap kung nasan si louise.
Pumunta siya ng Paris hindi para makipagkita kay Louise para silipin lang ito at makita na din ng hindi nito nalalaman.
Nang malaman nya at makita nya okey naman duon si Louise bumalik din siya ng araw na yun ng Pilipinas.

Hindi lang isang beses nya ginawa yun pag punta at pag silip kay Louise halos isang beses kada buwan pumupunta siya ng Paris para lang makita nya ito.
Pero sinisiguro nya na hindi siya makikita ni Louise.
Lahat ng event na pinarangalan si Louise nandoon siya.
At ito ngang pinaka malaking parangal kay Louise ngayon na gaganapin sa toronto Canada at dahil nationwide na ito.
At ito na ang katibayan na naging matagumpay si Louise.
Ito na din ang hinintay nyang tamang panahon para sa kanila.
Tumungo siya ng toronto Canada kasama nya si Candy dahil sabi nga nya dati kapag nakapag intay siya hanggang sa tagumpay ni Louise magiging tulay daw siya nito kay Louise at alam nya na matutuwa ito kapag nakita nya ang kaibigan nya...



~~~~~

Thank You Readers!!!

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon