Chapter 36

5 2 0
                                    

~~~~°°~~~~

Hindi makapaniwala si Louise sa nakikita nya ngayon sa harapan nya.
Bigla nya naalala yung tanong ni Candy sa kanya kanina.

"Sis nagkita na ba kayo? "

Ito ba yung tinutukoy ni Candy.

Nakatingin lang siya dito
Totoo ba yung nakikita nya.

Sobrang tagal na ng huli nya itong makita.

Baket ito nandito?

Nakita nyang lumapit ito sa kanya pero hindi pa din siya makakilos.

"Congratulation Sophie "sabi nito sa kanya.
Sophie pa din ang tinatawag ni HArry kay Louise dahil mas sanay daw ito sa Sophie at mas masarap daw bigkasin yun Sophie.

Saka lang siya natauhan ng mag salita ito at ng iabot ang hawak nitong bulaklak.

"T-thank You Harry, I-im glad to see you here."sabi ni Louise na nauutal.

"Pumunta talaga ako dito para personal kang batiin.... At hindi lang ako may kasama din ako."sabi nito habang ngiting ngiti at sabay turo sa isang tao na kanina pa nagtatago sa isang sulok.

Tumingin naman si Louise sa lugar na tinuro nito.
At ng makita nya kung sino ang tinutukoy nito hindi na nito napigilang pagtulo ng luha nya dahil umiiyak na din yun nakita nya tinuturo ni Harry.

"Candy! "sigaw nya sabay takbo dito.

Nagyakap silang dalawa habang walang patid ang luha sa mga mata nila.

"Salbahe ka, tumawag ka pa kunwari sakin kanina... sabi ni Chloe overseas call daw." sabi ni Louise na panay hampas sa kaibigan

"Kakuntsaba namin yun si Chloe na assistant mo hahahah! Gusto ka talaga naming supresahin."sabi ni Candy sa kaibigan.

"Hindi ka pa din nag babago Candy."sabi ni Louise na naiiling sa kalokohan ng kaibigan pero napaka saya nya dahil nandito ngayon ang kaibigan nya sa araw ng pinaka importante sa kanya.

"Pero hindi ka ba mas masaya kasi nandito si papa Harry."sabi nito sabay lapit nila sa kinaroroonan ni Harry.

Namula naman ang mukha nya ng bigla siyang itinulak nito kay Harry, alerto naman si Harry at nakahawak ka agad sa braso ni Louise. Nag ka tinginan sila pero binawi din kaagad ni Louise ang tingin nya.

"Ito talagang si Candy puro kalokohan."sabi na lang nya dahil masyado ng akward.

Niyaya ni Louise si Harry at Candy sa isang table para mas makapag usap sila ng maayos at para maka kain na din.
May mga nadaanan sila na mga bumabati pa din kay Louise. Nadaanan din nila si Francis Libiran ipinakilala nya dito si Candy at Harry.
At hindi napigil nito na bumulong sa kanya.

He looks yummy! Bulong nito sa kanya na ang tinutukoy ay si Harry.

Nang makaupo na sila, nag paalam itong si Candy na kukuha na ng food dahil nagugutom na daw ito.
Naiwan sa lamesa si Harry at Louise.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon