Two months Later
~~~~°°~~~~
Sa loob ng simbahan nag iintay na sa harap ng altar si Harry.
"Mag i-start na tayo! " sabi ng wedding organizer.
"wala pa madam yun bride! "sabi ng assistant nito na natataranta.
"What? "gulat nito.
Nagbulungan na ang mga bisita at di alintana iyun kay Harry. Kaya nag aalala na ito kung ano na nangyari kay Sophie.
Palabas na siya ng Simbahan para hanapin si Sophie ng lumapit sa kanya ang Wedding Organizer.
"Sir nandyan na po ang bride, naipit lang daw po sa traffic. Start na po tayo."sabi nito sa kanya.
Lumawak ang pagkakangiti nito at bumalik na siya sa harapan para duon intayin ang bride nya.Bigla ng tumugtog hudyat ng simula na ang kasal.
Wala din kaalam alam si Sophie sa tatlong secondary sponsor nya dahil sabi ni Harry sa kanya suprise daw ito. Kasama din sa secondary sponsor si Amy na kasambahay nya dahil sabi nya nga kapatid na ang turing nya dito.
Ang flower girl nila yung dalawang anak ng ate tess niya at mga pamangkin ni Harry.Sa principal sponsor mga ka business patner ni Harry at syempre hindi mawawala si Mrs.Brillion na boss ni Sophie dati sa Icon Corporation.
At ang maid of honor nya syempre si Candy.
At ang bestman ang pinsan ni Harry na si Nico na nagtatrabaho din sa kompanya nito.Dumating din ang mga kaibigan nya sa Paris pati ang mga sikat na Fashion Designer na sila Francis Libiran, Jonh Ablaza at Norman Noriega.
Nagsimula ng maglakad isa isa.
Hindi naman nawawala ang ngiti sa mukha ni Harry.Nang magsimula ng mag lakad ang bride biglang kumanta ng Live ang singer na kinuha ng wedding planer at kinanta ang " IKAW".
Habang naglalakad si Sophie suot ang gown lalo lumutang ang kagandahan nito at si Harry nakatingin dito habang naglalakad palapit sa kanya. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nila pareho.
Nang makalapit na ito hinawakan nito sa braso at sabay silang lumapit sa Altar.
Nagsimula na ang seremonya.
Tinawag na ang magsisindi ng Candle na gagampanan ng isang pares na secondary sponsor nagulat si Sophie ng makita kung sino ito.
Sila Liza at Darryl.Lumapit naman sa kanila ni Harry ang isang pares pa ng Secondary sponsor para sa Cord.
Sila Lenny at Leonard.At isang pares pa ng Secondary sponsor para sa Belo.
Sila Cecille at si Richard.Ang mga kaklase at kaibigan nila nuong high school.
Hindi magpagsidlan ang tuwa nadarama ng mga oras na yun, sobra talaga siyang nasuprise sa supresa ni Harry sa kanya kaya lalo nya itong minahal.
Alam nito kung paano siya pasayahin. Nanggigilid na ang luha nito sa kaligayahan.
Kitang kita ni Harry ang emosyon na yun ni Sophie kaya hinawakan ni Harry ang kamay nya at pinisil,ngumiti naman ito kay Harry at sinabi ng mahina Thankyou.At nang matapos na ang seremonya ng kasal ini-announce na ng pare ang
Kiss the bride
Itinaas ni Harry ang nakatakip sa mukha ni Sophie at siniil ito ng isang puno ng pagmamahal na halik at nagpalakpakan ang lahat ng naroroon.Mabuhay ang bagong kasal!!!
Pagkatapos mag picture nag tungo na sila sa reception.
Sa reception dumating din si Gabby at Mitch na buntis sa pangalawa nilang anak..
At si Marlon na boyfriend dati ni Cecille na napangasawa din nito kasama ang dalawa nilang anak.
At si Rolly na boyfriend dati ni Liza at sila din ang nagkatuluyan kasama ang dalawa din nilang anak.
At si Lenny nagulat siya ng sabihin nito na ang asawa ay si Leonard na kaibigan ni Harry nun Highschool na babaero, may tatlo na silang mga anak na puro babae.
At sila Darryl at Richard parehong mga binata pa pero kasama nito ang mga girlfriend nila...
Naging masaya sa loob ng reception at sabi nila para na din daw mini reunion nila...
Pagkatapos nila kumain hinitsa na ni Sophie ang bulaklak at ang nakasapo nito ay Si Candy.
At ang nakasapo ng ribbon ay ang pinsan ni Harry na si Nico.
Na super crush ni Candy.Sinubuan ni Harry ng cake si Sophie pagkatapos si Harry naman sinubuan ni Sophie.
At sabay silang uminom ng wine na naka cross pa yun mga braso nila at kinuha nila ang puting kalapati at pinag kiss ito pagkatapos sila naman ang nagkiss saka nila initsa pareho ang kalapati.
At nag kiss uli sila...MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!
The End
Thank you po sa inyong lahat!!!
GOD BLESS YOU ALL!!!
P.s Try ko po kung makapag UD ako ng Bonus Chapter.😊SLUMNOTE
THE FIRST TIME WHEN I SAW YOUBy: Krizzielynne
All Rights Reserved, 2016