GABBY AND MITCH
~~~°°~~~
Araw ng sabado maagang nagising si Cecille at Mitch nag punta kagad si Mitch kila Gabby na kapitbahay lang ni Cecille.
Kumatok ito sa pinto.
Ang mama ni Gabby ang nag bukas.
"Iha ikaw pala, pasok ka" sabi ng mama nito.
Close na siya dito dahil 4 years na sila ni Gabby at nun nasa manila pa sila lagi din siya sa bahay nito.
"Tita si Gabby po?" -Mitch
"Nasa kwarto pa nya mukang tulog pa puntahan mo ng magising na at makapag almusal na kailangan na din nya uminom ng gamot" mahabang sabi ng mama ni Gabby.
"Sige po." pumasok na ito ng kwarto ni Gabby matapos mag mano sa mama nya.
Tok. Tok tok!!!
Pumasok na si Mitch ng kwarto dahil mukang tulog pa si Gabby.
Pagbukas nya ng pinto, tama siya.
Nilapitan niya ito at hinalikan.Mukang nagising naman si Gabby at nagulat pero nakabawi din at ngumiti.
"Good morning babe"- Mitch
"Good morning too babe" sabay halik nito.
"Bangon ka na dyan, para makapag almusal ka na at papunta na sila Sophie" -mitch
"Kiss mo muna uli ako" lambing ni Gabby.
Ikiniss naman ni mitch kaya inalalayan na nito para makalakad. Hindi pa kasi nito pede itapak ng diretso ang paa dahil nakasemento pa.
Matapos nila kumain naupo na muna sila sa terrace, hindi pa nag tatagal nag datingan na sila Sophie,Liza at Lenny.
Kasama pa nila ang halos lahat ng kaklase nila.Mag katabi pa din sa upuan si Gabby at Mitch na magkahawak ang kamay ng makita nila padating ang mga kaklase nagbitaw sila ng kamay.
"Gabby kamusta ka na?" Sabi ng isa nilang kaklase.
"O-okey lang" wika nito na nabigla dahil hindi nito alam na magsisipunta ang mga ito.
Tinulak ni Lenny si Sophie at sineyasan mag beso kay Gabby kasi makikita sa mukha ng mga kaklase nila na nagtatanong kun sino si Mitch.
"Hi Gab", sabi ni Sophie tumingin muna siya kay mitch saka nag beso kay Gabby bilan pag papaalam nito.
Ngumiti naman si mitch.Pagkatapos nag beso din siya kay Mitch.
" Anong oras ka dumating mitch?" baling nito kay mitch.
"Kagabi pa, 8pm na natraffic sa byahe" sagot ni mitch habang naka ngiti.
"Syanga pala si Liza at Lenny at mga kaklase namin" pakilala ni Sophie isa isa sa mga kaklase nila.
"Si Mitch nga pala ahhh...." - Hindi malaman ni Sophie ano sasabihin nya sa mga kaklase nila kun sino ito at kun baket ito nandito.
Naalangan si Sophie sa sitwasyon at nahihiya din kay Mitch.
"Hi Im Mitch Villena, Gabby's cousin" pakilala nito, inunahan na nya si Sophie dahil hindi malaman nito pano siya ipakikilala.
Nag ngitian naman sila...
"Ahhh! " sabi ng isa nyang kaklase na tsismosa dahil madumi na kagad nasa isip nun makita itong katabi ni Gabby.
" Hello" - bati nito kay Mitch.
"Naku Gabby nag alala kami sayo kahapon, buti okey ka ngayon." Wika ng isa pa nilang kaklase.
"Wala ito malayo sa bituka" sagot ni Gabby.
"Oh eto ang juice at sandwich mag miyrenda muna kayo" alok ni Cecille na kakalabas lang ng terrace.
Kwentuhan lang sila sa nangyari sa championship. Biruan at tawanan sila mag kakaklase hanggang sa mag paalam na isa isa, at sila Sophie,lenny,liza at cecille nalang naiwan. .
"Hanggang kelan ka dito Mitch" - tanong ni Sophie ng sila sila na lang naiwan mag kakaibigan.
"One week ako dito para maalagaan ko naman itong mokong na ito" - sagot ni Mitch sabay pindot sa ilong ni Gabby.
"Ayos gimick tayo" - sabat naman ni Lenny.
"Okey ba, bukas balik ko ng ospital para tanggalin na cast sa paa ko, pede na uli" - Gabby.
"Hon, di pa pwede pwersahin yan paa mo." - Mitch.
"Kaya ko na yun hon, the day after tomorrow tayo gumimick. Para naman maipasyal kita dito sa lugar namin." Gabby
"Pero" - mitch na nag aalala pa din kay Gabby.
"Okey okey, para walang problema dyan na lang tayo sa burol pumunta magpicnic na lang tayo." -sabat ni Liza
"Pwede its a good idea, sama din natin sila Aries, Rolly, at Marlon para masaya." excited na sabi ni Lenny
"Deal, ang saya nito." -Liza
Habang excited sila, hindi nila pansin si Sophie na lumungkot liban kay Cecille.
"Baket ka naman malungkot Sophie?" tanong ni Cecille.
"W-wala, Oh paano kelan plan nyo? Ano food natin? - pang iiba ng paksa ni Sophie.
Ayaw nya kasi masira yun balak ng mga kaibigan dahil kitang kita sa mga ito na super excited.
Nuong mga elementary palang sila palagi na silang nag pi picnic sa burol kasama din nila ang iba pa nilang kaklase pati na si Harry.
Maganda kasi ang tanawin sa burol at sariwa talaga angg hangin, tahimik tanging ingay lang ng mga huni ng ibon ang maririnig mo.May mga puno din ng mga mangga, santol, bayabas sa paligid na pinapanik nila nun elmentary sila.
At may malapit din ilog na malinis na pwedeng paliguan.
Kaya kahit si Sophie excited din siya na pumunta uli dun dahil nun mag high school na sila hindi na nila nagawa uli pumunta dun magbabarkada.
"Mag dala tayo ng pang lunch natin at miryenda. Tapos maligo tayo sa ilog malapit lang naman dun diba? -Excited na sabi ni Lenny.
"Excited na ko." - wika ni Mitch na inosente dahil laking manila.
Marami pa silang napag kwentuhan hnggang magpasya silasil mag si uwi na...