Harry and Sophie again
~~~°°°~~~
Nagulat pa si Sophie pag labas nya ng pinto nila para pumasok na sa eskwelahan nakita nya si Harry na nakatayo sa Harap ng bahay nila habang nakasandal sa kotse nito, nakauniform na din ito at fresh na fresh dahil bagong ligo sa itsura nito mukang ang bango bango.
Lumakad si Sophie palapit kay Harry.
Nang maalala nya na nag kaayos na nga pala sila nito kahapon. Pero wala naman itong sinabing susunduin siya."Hi, good morning baby." bati ni Harry na ngiting ngiti na kitang kita mo sa mukha nito na masayang masaya.
"Good morning din, baket ka nandito? " tanong ni Sophie na nakangiti din.
"syempre sinusundo ko girlfriend ko." sagot ni Harry.
"Kailangan ko kayang bumawi, diba sabi ko kahapon babawiin natin yun dalawang taon nasayang satin eto sinisimulan ko na." nakangiting wika ni Harry.
Ngiti lang ang sinagot ni Sophie. Pero deep in her kinikilig siya.
"shall we? " sabay bukas ng pinto ng kotse ni Harry.
Pumasok naman si Sophie.
Ang dami nilang napagkwentuhan habang nasa saksakyan sila kaya hindi nila namalayan na nandito na pala sila sa St.Therse National High school.
Pag katapos mag park ni Harry ng kotse nya pinagbuksan nito si Sophie ng pinto at kinuha ang gamit nya para ito na ang mag dala.
Lalo naman kinilig si Sophie pero hindi nya pinahalata.
Habang naglalakad sila papasok ng Campus ang daming nag titinginan sa kanila, kaya naiilang si Sophie hindi naman alintana kay Harry kaya hinawakan nito ang kamay ni Sophie at piniga, para iparamdam kay Sophie na nasa tabi nya lang siya.
Paano naman kilalang kilala si Harry sa school nila lalo na ng mga girls kaya di na siya magtaka kun pag tinginan sila ngayon dahil mag kasabay sila at si Harry pa may hawak ng gamit ni Sophie.
" Hatid na kita hanggang room nyo." sabi ni Harry na nakangiti na hindi ata nito alintana kun maraming nakatingin sa kanila.
Tango lang sinagot ni Sophie.
At nun nasa pinto na sila ng room ni Sophie mas maraming mata ang nagulat sa pag dating nila na magka hawak pa din ang kamay nila.
Nasa loob na ng room nila ang tatlong barkada nya na halos gulat na gulat na makikita mo sa mga mukha nito ang hindi makapaniwala,, ganun din ang iba pa nilang kaklase na nasa loob na din ng room nila, lahat nakatitig lang sa kanila ni Harry at sa kamay nila na mag kahawak pa din, liban kay Gabby na nakangiti na nakatingin sa kanila...
"Hey bro." bati ni Harry kay Gabby sabay peace bomb nito.
Na lalong kinalaki ng mata nila Cecille, Lenny, at Liza.
"Hi girls." bati naman ni HArry sa tatlo na wala naman reaksyon.
Inabot na ni Harry ang mga gamit ni Sophie.
"Sunduin kita mamayang uwian nyo" baling naman nito kay Sophie.
Tumango lang si Sophie.