Chapter 38

2 2 0
                                    

Nag landing na pababa ang eroplano.
Pag labas nya ng Airport tumawag kaagad siya ng taxi.
At ng makarating ng bahay.

"A-ate? "sabi ng nagulat na si Amy ng buksan ang pinto at tignan kung sino kumakatok.

"Amy,kamusta ka na? "sabi nya dito ng buksan siya ng pinto at niyakap nya ito.

"ate, hindi nyo sinabing uuwi kayo, nagulat talaga ako. Pero ang saya saya ko po dahil nandito na kayo, na miss ko kayo ate"sabi ni Amy na tuwang tuwa pagkakita sa amo nya.

"Biglaan din uwi ko" -Louise.

"ate kumain po kayo, kakaluto ko lang po."anyaya nito

"Gutom na nga ako, ano ba ulam? "Louise.

"Yun paborito po ninyo, pakbet."anito.

"na miss ko yan! Tara kain muna tayo."louise.

Habang kumakain sila hindi magkamayaw si Amy sa kwento.
Nang matapos kumain pumanik lang siya ng kwarto para mag palit ng damit at bumaba din ito. Tinanong ni Louise kung na gagamit pa yun kotse nya. Sinabi ni Amy na nasa kondisyon pa ito dahil kapag pumupunta siya ng bayan ginagamit nya ito at pinadadrive sa kapitbahay nilang binatilyo na marunong magdrive binabayaran na lang daw nya ito para lang daw wag ma stock yun makina..

Tama nga naman kung hinayaan lang nito nakatiwangwang sa loob ng dalawang taon mahigit tyak di na gumagana ngayon yun.

Kinuha nya susi at inistart at pinatakbo na niya, ganun pa din ang takbo nito buhat nun umalis siya.mukang mahusay naman yun driver na nakuha ni Amy sabi nya sa sarili.

Nilalandas nya ngayon ang daan papuntang Villa Corporation para puntahan si Harry.

Matapos nya mapanood yun video tape naamin nya sa sarili nya na mahal pa nya si Harry at kaya pala nawalan siya ng gana at lumungkot simula nung maghiwalay sila sa Canada dahil tumatanggi ang puso nya na mag kahiwalay sila uli.
Sa takot nya masaktan at umiyak uli dahil sa pag ibig kaya pilit nyang nilalabanan ang nararamdaman nya dito.
Kaya nuong mapanood nya ang videotape nila napatunayan nyang hindi siya iiyak na kay Harry.
Dahil nuon pa man totoo na ang pagmamahal na binibigay nito sa kanya.
Nag paalam siya sa trabaho nya sa Paris na magbakasyon pumayag naman.
Kaya eto siya ngayon para puntahan si Harry at sabihin mahal pa din nya ito.
Pag dating nya sa building nanibago siya mas gumanda at marami na din nadagdag na mga gusali sa paligid.

Pumasok siya.
Marami ang tumitingin sa kanya.
Ay si Miss Louise Hernandez yan yun sikat na Fashion designer sa Paris.
Sabi ng ibang nakakilala sa kanya.
Ang iba ay bumati pa sa kanya at nag pa authograph ang iba naman ay nag pa picture pa.
Ang ganda pala nya talaga lalo na sa personal parang artista.
Sabi pa ng iba.
Nang makarating siya sa floor kung saan nandoon ang opisina ni Harry.

"Miss nasa loob ba si Mr. Villafuerte? "tanong nya sa secretary nito.

Pag kakita sa kanya ng secretary nanlaki ang mata nito.

"Ay Miss Louise! Kayo nga yun pinarangalan sa toronto canada nung isang linggo, idol ko po kayo... Ang ganda ganda nyo po talaga. Pa authograp naman po" sabi ng secretary na hindi na sinagot ang tanong nya.
Ngumiti lang siya at ang iba pang mga nagtatrababo dun mga nakasilip din nung makita siya.
Nang mapirmahann nya.

"Si Mr. Villafuerte nandyan? "tanong nya uli dito.

"Ay opo mam Louise., tawag lang.... Sagot nito sabay dampot sa telepono para ipaalam sa boss na nandito siya pero pinigil ni Louise.

"wag mo ng sabihin papasok na lang ako"awat ni Louise sa secretary nito dahil gusto nyang supresahin ito.

"Naku mam Louise !Baka magalit po si boss Harry kasi simula po bumalik yan galing Canada last week lagi na po nakasigaw si boss."paliwanag nito na mukang malaki ang takot kay Harry.

"It's okey, ako bahala sayo, Promise! ."sabi nya na nakangiti dito.

Wala naman nagawa ang secretary dahil hindi siya makatanggi sa idol nya.

Pag pihit nya ng pintuan.
Biglang nag salita ito ng marinig na bumukas yun pinto.

"Diba Miss Ramos, i told you before you enter my office, kumatok ka muna! "galit na sabi nito na nakatutok lang mata sa baso na may lamang alak hindi man lang nag aksaya ng oras na tignan yun pumasok.

"Alak sa trabaho! At ang aga naman alak nyan makakasama sa kalusugan mo yan."sabi ni louise dito.
Na ikinagulat ni Harry ng magsalita ito at marinig ang boses nito.
Kilala nya ang boses na yun.
Bigla itong tumingin sa nagsalita.
At binitawan ang basong hawak at bigla itong tumayo.

"Sophie? ."bigla nagbago ang mukha nito ng makita si Louise. Lumapad ang pagkakangiti ng labi nito.

"Anong ginagawa mo dito"sabi uli nito ng makalapit na ito sa harap ni Louise.

Tinakpan naman ni Louise ng daliri nya ang bibig nito para wag mag salita.

"Nandito ako dahil Gustong kong sabihin sayo ng personal na Mahal kita, na gusto din kitang makasama habang buhay"sabi ni louise na nanggigilid na ang luha.

Niyakap nito si Louise at hinalikan.
Hindi naman tumanggi si Louise.
Tumagal ang halik na yun at ng magbitaw sila kapwa sila hinihingal.

"I love you! Sophie."sabi ni Harry sabay halik sa noo nito.

"Ilove you too"sagot niya.

Pinaupo nya ito sa may sofa na nasa loob ng opisina nya at tumabi siya dito na nakaharap at hawak hawak ang dalawang kamay nito.

"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon"sabi ni Harry sabay halik nito sa mga kamay nito.

At tumingin siya sa mga mata nito ganun din si Louise at unti unting naglapat uli ang mga labi nila mas matagal.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon