Chapter 28

1 0 0
                                    


Monique 's Pov.


"Bwiset! Hindi pwedeng mangyari yun,sa akin lang si Harry! " sigaw ni monique sa loob ng bahay nila habang kasama nya ang kaibigan nitong si Eunice.

"Girl, wala ka ng magagawa sila na nun Sophie." sabi ni Eunice sa kaibigan.

"Wala akong pakealamGagawa ako ng paraan para mag kahiwalay sila dalawaako lang dapat ang girlfriend  ni Harry. " sigaw uli ni Monique sabay balibag ng baso na hawak nito.

Nailing na lang si Eunice dito...

Tinawagan ni Eunice si Leonard niyaya nya itong lumabas.

"Isama mo si Harry ha? "sabi nito kay Leonard.

Sa bar nagkita si Leonard  at Monique.

"Hindi pwede si Harry, busy lagi yun kay Sophie!, "Leonard

Sumama ang mukha ni Monique. Wala itong nagawa palpak ang plano nya.

Nalasing si Leonard at nakaisip na naman si Monique paano sila magkikita ni Harry.

"Hello!  Harry pumunta ka dito si Leonard lasing na lasing nangugulo dito sa bar!,  bilisan mo! "

Pagdating ni Harry sa bar nahimasmasan na ito, kinausap na lang ni Harry  ang manager ng bar pagkatapos hinatid na nya si Leonard, tapos si Monique na gusto pa sanang bumalik sa bar para uminom sila tumanggi si Harry.

Hindi tumigil si Monique sa plano nyang paghiwalayin si Harry at Sophie.

"Hi guys!  Birthday ko bukas punta kayo wag kayong mawawala ha? "
Inbita ni Monique kila Harry.

Birthday...

"Baket parang kami lang ang tao? " tanong ni Richard ng nanduon na sila sa bahay ni Monique.

"Tumawag yun mga friends ko hindi daw sila makakapunta. Akala ko nga mag  bi-birthday akong mag isa ngayon buti dumating kayo."paawang sabi ni Monique.

Pasok kayo. Nang nasa loob na sila ng bahay naglabas ng mga inumin si Monique.
"AyosSabi ni Leonard ng maglabas ng alak si Monique.

Habang nag iinuman sila panay dikit ni Monique  kay Harry.

Nagpaalam sandali si Monique  at ilalabas daw nya yun isa pang imported na alak sa loob may inilagay ito sa alak na parang pulbos.

Pag balik nya ibinigay nito kay Leonard at sinimulan ng inumin.

Maya maya bagsak si Leonard na pinaka maraming nainum.
Si Darryl,Richard at Harry medyo tipsy na din.  Nag offer  si monique na dun sila magpalipas ng gabi.

Sa kwarto isa isang bumagsak ang magbabarkada.

Dahil sa kaantukan sa isang kama nag sama sama si Leonard, Darryl  at Richard kaya si Harry  sa isa pang kama na naduon din sa humiga.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon