Chapter 23

2 0 0
                                    

~~~~After five years~~~~

Louise's the Designer



~~~~ °°° ~~~~

Nag mamadaling maligo si Louise nagtataka siya kun baket hindi tumunog yun alarm clock nya isinet pa nya yun kagabi ng 5:00 A.m bago siya matulog dahil ngayon ila launch yun mga collection nya .
Ito na ang pinaka iintay nya break sa buhay nya ang makilala bilang isang sikat na Fashion Designer.

Nagising siya ng 6:30 a.m kailangan nya at exact 8:00 a.m sa "Icon Corporation" na kun saan siya nagtatrabaho ngayon.

Almost one hour ang byahe dito.
Pag kaligo nya humigop lang siya ng dalawang lagok sa tasa ng kape na tinimpla ng kasambahay nyang si Amy at nag mamadali na siyang sumakay sa kotse nya.

"Ate, ate! Yun folder na ginawa mo kagabi." habol ni Amy sa kanya na start na nya yun sasakyan.

"Oh! My God, muntik ko na makalimutan. Importante pa naman yan, thank you Amy." pasalamat nito sa kasambahay nya.

"ingat ate." sabi nito ng paalis na sasakyan ng amo nya.

"7:00 A.M na kailangan before 8:00 a.m makarating ako ng Icon." Bulong nito sa sarili.

7:45 a.m nakarating siya ng Icon kun saan siya nagtatrabaho, sa bilis nyang mag patakbo ng kotse nakuha nya ng wala pang isang oras ang byahe.
Sa third floor pa siya pupunta kun saan gaganapin ang Fashion show nag elevator na lang siya.

Pag dating nya sa event malapit ng mag simula. Nandun na din ang mga models nila, nandun na din ang mga Representative ng ibang kompanya para mapanood ang show.
Any moment maaari ng mag simula ang show.
Nag prepare na si Louise, nandun pa din yun kaba sa dibdib nya, iniisip nya dito nakasalalay ang pag babago ng buhay nya.
Binuhos nya lahat ng nalalaman nya para mapaganda ang project na ito.
Huminga siya ng malalim at ngumiti.

"Think positive Louise, kaya mo yan! " pag kukunbisi nya sa sarili nya.

At exactly 8:00 A.m nag start ang show.

Isa isang lumabas ang mga models na suot ang mga koleksyon nya na ginamitan nya ng mga dekalidad na mga materyales na inangkat pa nya sa ibang bansa at bagong disenyo nya na ngayon pa lang lalabas.

Palakpakan ang mga nanonood ng isa isang lumabas at nag paikot ikot na ang mga modelo.

Panay puri naman ng lahat ng naroroon na mukang nagugustuhan ang mga koleksyon nya.

At nang mapakita na lahat ng koleksyon nya.

"Ladies and Gentleman please welcome Our Fashion designer Miss Louise Hernadez and her models wearing her collection ." sabi ng emcee ng show.

At sabay sabay lumabas ang mga modelo nya at saka sumunod na lumabas si Louise.

Nag palakpakan ang mga nanonood.
Ang lahat ay natutuwa sa mga bagong Koleksyon na ilalabas sa market.

May isang nanonood na labis na nagulat ng makita nito ang sinasabing Louise Hernadez na designer ng bagong labas na mga damit.
Tutok na tutok ang mga mata nito ng ipakilala ng emcee ang may gawa ng mga koleksyon.

Nuon pa man curious na siya sa pangalan na Louise Hernandez na nabalita dahil sa kakaiba nitong mga project true international nababanggit lagi sa news ang pangalan nya pero ni minsan walang pinakitang litrato nito.

Hindi ito makapaniwala ng makita At laking gulat nya ng makilala kun sino ito ng lumabas na sa entablado.

Si Sophie at ang Louise Hernadez ay iisa.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon