3 - Alden

7.3K 503 139
                                    



Matagal ko nang gustong bumisita sa Bulacan. I wanted to officially meet her family outside the confines of show business. Siyempre, Maine and I will be working together kaya I wanted to give them the assurance na she is safe with me. Kaso lang, punong-puno ang schedule ko palagi. But then again, hindi ko pwedeng gawing excuse yun forever so I knew I had to find time.

Sakto naman na one Sunday after SPS, clear yung schedule ko. So instead na matulog, I planned to visit her at home. Nagpaalam na ako sa parents niya through her Ate Niki and good thing, pumayag naman.

Ang alam ko lang, we'll have lunch sa bahay nila. SPS usually end at 2:30 PM pero for that particular episode, nagpaalam ako na aalis ako right after my segment so I was on my way to Bulacan at around 1:30.

Pagdating ko sa bahay nila, andaming kotse na nakaparada. Kinabahan na'ko. May family affair ba na hindi ako na-orient? May reunion ba? Prayer meeting? I was so nervous-which is actually weird kasi I should be immune to crowds. Pero hindi eh. Iba to. It's Maine's family and I wanted to make a good impression.

Hindi pa ako nakakalabas ng kotse pero tumatagaktak na ang pawis ko. Basang basa yung polo ko I had to change my shirt. Grabe yung nerbyos ko. Para akong manganganak ng elepante tapos sa pwet ko lalabas, ganun siya ka intense.

One of their household help let me in. Sa labas pa lang, alam ko na maraming tao sa loob ng bahay nila. Gusto kong bumalik sa kotse at mag-drive pauwi sa Laguna pero kinaya ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko pagpasok ko. Sobrang awkward kasi lahat sila, tumahimik. Tangina gusto kong mag pabebe wave just to break the ice pero mas kahiya-hiya naman yun, d ba?

Tapos eto pa. Itong si Maine, natulala pagkakita sa'kin. Alam kong cute ako pero hindi naman enough para matulala siya. Parang matatae na'ko sa kaba tapos siya, nakatingin lang na parang hindi siya yung rason ng pagpunta ko dun. Buti na lang, to the rescue si Ate Niki niya.

I had to make the rounds sa family ni Maine. Sinimulan ko sa parents niya, sa mga kapatid, sa mga tito at tita, sa mga cousins. Andami nila. Sobrang na-dyahe pa'ko kasi yung ibang cousins niya, nag request pa ng selfie. Alangan naman na tumanggi ako, d ba? Baka ma-blacklist ako sa Mendoza residence.

When I got to her table, ang sama ng tingin niya sa'kin. Akala ko mapipikon siya eh. But she was cool. Sinamahan pa niya ako sa buffet table to get food. Kaya lang, para siyang lutang na hindi ko maintindihan. Wala sa sarili eh. Nagulat siguro.

Ang saya ng pamilya nila. They never made me feel na hindi ako welcome. Makulit yung mga kapatid niya, especially her kuya na sobrang lakas mang-asar. It was a fun visit. Nag videoke, naglaro ng truth or dare, at may tinulak sila sa pool. I enjoyed my visit. First time ko na ma-expose ulit sa isang buong pamilya after my mom died.

Ay oo. Nagkaproblema ako kasi andami kong dalang flowers. Pa-impress sana pero kasi hindi ko naman alam na ganun kadaming tao ang aabutan ko dun. Ipapasok sana namin secretly yung mga bulaklak para hindi makantyawan si Maine pero nabuking din kami eh kaya pinanindigan na namin.

I loved seeing Maine outside of work. But you know what I realized? Maine is the same person whether at work or at home. She's very natural, alam mo yun? No pretenses. Minsan tahimik lang siya, minsan maingay. Ganyan siya kahit sa baranggay, sa shoot, sa Broadway. I found it refreshing. And attractive.

I went home at around 11 PM. Ang saya ko, grabe. Pagpasok ko ng kotse, I was looking at my reflection sa mirror and I realized I had this really huge smile. I talked to Maine's parents and asked for their permission na umakyat ng ligaw sa anak nila. They gave me their blessing. Alam kong importante kay Maine yung respeto sa mga magulang niya and I wanted to give her that. She deserves it.

Umuwi ako that night with one realization: hulog na hulog na'ko kay Maine Mendoza.


*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon