10 - Alden

7.2K 475 164
                                    



Haluh, ba't seryoso siya? May laro ba na ganito ka serious? I mean, I like what I'm hearing pero hindi ako sanay na ganito siya, na ganito kami. Ang hirap kaya mag seryoso habang kumakain ng sunog na popcorn! Isa ba 'to sa mga talents ni Maine? Langya.

Ang pait ng popcorn, buset. Kasalanan ko rin naman pero pinagtityagaan kong kainin kasi baka sabihin ni Maine choosy ako. Pero hindi, ang totoo talaga niyan, gutom na gutom na'ko. Pero as usual, wala na namang laman ang ref niya. Isang pirasong bawang lang, pangontra siguro sa aswang. Hindi ko na siya aasarin tungkol dun. Malay ko ba kung may aswang talaga dito sa condo niya.

So pa'no ba'to? Medyo andami akong palpak today ha. She was kind of hoping na magpapaiwan ako sa Tagaytay after EB pero I had SPS rehearsal eh. Tapos yung pinadeliver ko na bulaklak sa condo niya, late na nang ma-realize ko na nakalimutan ko pala lagyan ng card so parang at first hindi niya pa alam kung saan nanggaling yun. Hindi niya minention kasi baka hindi galing sa'kin magselos pa'ko.

Lastly, nasunog ko yung popcorn na ibinilin niya. Ano na lang ang iisipin ni Maine, di ba? Na simpleng popcorn nga hindi ako mapagkakatiwalaan, sa mga anak pa kaya namin? Heeeeeeeee, joke lang. Pero nakakatakot isipin na baka hindi matuloy ang forever dahil sa sunog na popcorn.

Okay since nasa balcony kami ng condo unit niya, under the stars, on a Valentine's Day, sasakyan ko siya - oh shit, I mean sasakyan ko ang trip niya na mag-emo. Naglalaro kami ng Tell Me, a game na sinuggest niya. Akala ko nung una parang ano lang, parang Give Me What I Want, ganun. Hindi ako na-orient na may slight pagdadrama pala.

Lintek, huwag mong sabihin sa kanya mga pinagsasabi ko dito ha. Minsan lang talaga ganito si Maine kaya I'll grab this chance. Emo na kung emo. As I said, sasakyan ko siya - mehehe, yung trip niya.

Nagtanong na'ko sa kanya. Siya naman magtatanong sa'kin. I tried to be profound, English para medyo impressive. Maryosep ayoko talaga mag-seryoso ngayon, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi kinakabahan ako. Yown! Tangina, nadale. Kinakabahan ako!

Yung poem niya kasi kanina, grabe. Hindi ko alam kung paano niya nagawang maging ganun katapang on national TV. And I admire her for that. I don't think it was Divina who wrote and read that poem. That was Maine all throughout. She may have gone out of character but she showed her true self.

Honestly, kinakabahan ako na in my imperfection, baka masaktan ko siya. Maine is so fragile kasi. She's delicate and parang gusto ko lang siyang alagaan. Kaya natatakot ako na baka magkamali ako ng sagot sa mga tanong niya and I'd end up hurting her.

Teka lang, right minus wrong ba 'to? Wrong spelling check? Wala na bang chance na mag-review? One whole piece of pad paper ba? One-half crosswise? Lengthwise? Tangina, woooooh! Pinagpapawisan pati itlog ko!

Tell me what happiness means to you.

Sobrang dali ng tanong niya. Isang pangalan lang naman ang pumapasok sa isip ko kapag ganitong happiness na ang pinag-uusapan. Siya. Kasi siya lang, si Maine lang, kumpleto na. I mean, with her, I found my answer. Yung mga dating tanong ko kung bakit iniwan ako ni ganito, bakit ayaw sa'kin ni ganyan, si Maine pala ang sagot. Kasi darating siya.

And alam mo kung ano yung sobrang amazing? God prepared me for her. He made sure that I had my heart ready because Maine is too big to be loved by my once small heart.

Dati akala ko love na yung pag kinikilig ako, or pag sexy yung girl tapos I am physically attracted to her. Mali pala. Maling-mali. Nag-iba yung perception ko ng love when I met Maine Mendoza. Hindi siya perfect. Nakikita ko yung mga kakulangan niya. Hindi ako bulag dun, hindi rin ako magbubulag-bulagan. Pero alam mo, wala akong pakialam. I choose to see what's in her more than what's not.

So for me, happiness will always be her. Siya lang.

Okay, okay. Last question. Ready na'ko. Pagkatapos nito, makakahinga na'ko ng maluwag.

Tell me, makati ba itlog mo?

Ano daw?!

Literal napasigaw ako. Ramdam ko nag-iinit buong katawan ko eh habang siya naglulupasay na sa tawa. Tapos yung tawa pa niya sobrang mapang-asar. Yung parang mawawalan na ng hangin at anytime eh kailangan na i-CPR.

Tinanong ko siya kung bakit yun ang tanong niya eh seryoso ang usapan namin. Sabi niya kasi kanina pa daw ako kamot ng kamot. EH SA KUMAKATI NGA ANG ITLOG KO SA NERBYOS EH! Tapos pagtatawanan pa'ko ng todo.

Napikon ako ha. First time ko napikon sa kanya. Nag walkout ako, 'kala ko hahabulin niya 'ko eh, magso-sorry. Pero hindi, dinig na dinig ko pa rin ang tawa niya sa hallway.

Kaya umuwi ako.

Ngayon alam niyo na kung bakit wala siya sa birthday ni Mama Ten at mag-isa siyang nag road trip papuntang Subic.

Kasi kumati itlog ko.


*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon