5 - Nanay & Tatay

7.1K 556 250
                                    



"Mary Ann, kausapin mo yang anak mo kung hindi malilintikan sa 'kin yan."

"Ha? Sinong anak?"

"Yang anak mong artista."

"Anong ginawa ni Menggay?"

"Nagpapakain ng pechay."

"Susmaryosep ka, Teodoro!"

"Oo, susmaryosep talaga. Kaya kausapin mo."

"Anong pechay ang pinagsasasabi mo?"

"Eh di pechay! Hindi mo ba alam kung ano ang pechay? Ha, Mary Ann?"

"Anong pechay nga? Pechay na gulay?"

"PECHAY NI MENGGAY!"

"Maryosep mag hunos-dili ka sa bunganga mo, Teodoro at baka marinig ka!"

"O, bakit eh pamamahay ko 'to?"

"Teodoro, paano mo nalaman na nagpapakain ng pechay si Menggay?"

"Nabasa ko sa text. Tinanong niya kung anong gustong kainin ni Alden kasi nga dito maghahapunan bukas, sumagot naman yung isa na pechay daw ni Meng ang gusto niya."

"Baka naman mali ang pagkakaintindi mo, Teodoro."

"Mary Ann, alam ko yang mga code name-code name ng mga bagets ngayon. Ngayon pechay ni Menggay, ano sunod? Talong ni Alden? Tigil-tigilan nila ako ha."

"Porjusporsanto, Teodoro. Matulog ka na nga! Ang dumi ng utak mo."

"Huwag ako, Mary Ann ha. Kung tayo nga, sa tanda nating 'to, may code name na ginagamit, sila pa kaya?"

"Anong code name ang pinagsasabi mo? Ang tanda mo na maharot ka pa rin."

"Walang pinipiling edad ang harot, Mary Ann. Nakalimutan mo na ba?"

"Gago ka, Teodoro, matulog na tayo!"

"Sige na, ngayon ka pa nahiya ngayong lima na ang anak natin."

"Ewan ko sa'yo."

"Pssst... Mary Ann."

"Ano na naman?"

"Goodnight daw sa Cauliflower mo, sabi ng Sayote ko."

*****

If you personally know Nanay Dub and Tatay Dub, please huwag niyo 'ko isumbong.

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon