"Meron ka bang talong mahaba?"
Tangina. Ano toooo? Ba't siya naghahanap ng talong?
"Bakit ka naghahanap ng talong?" (Message Sent)
"At bakit mahaba?" (Message Sent)
"Meron ako dito." (Message Sent)
"Gaano kahabang talong ba ang kailangan mo?" (Message Sent)
"Pupunta naman ako diyan mamaya, dadalhin ko." (Message Sent)
Sunod-sunod ang text messages ko sa kanya. Late ako nakapag-reply kasi nasa rehearsals ako for SPS tapos dumaan lang ng condo ko saglit para magshower. Ininvite niya 'ko sa condo niya, birthday dinner daw. So baka kelangan niya ng talong para sa niluluto niya. Sakto merong talong si April.
I tried to call her but she's not picking up. On my fifth try, sinagot din.
"Maine! Kanina pa'ko tumatawag. Paalis na'ko ng condo. Merong talong dito pero how long ba ang kailangan mo?"
"Gago ka, Faulkerson."
Hala siya! Anong ginawa ko?
"Huy, Maine. Di ba ikaw nagtext, naghahanap ng talong? Eh meron nga ako dito."
"Mali yun. Mali, mali, mali. Taling mahaba ang hinahanap ko."
Typo lang pala. Hmmm. Pag-tripan ko kaya 'to?
"Ah, okay. So hindi mo na kailangan ang talong ko?"
"Lintek naman, Alden eh!"
Binabaan ako ng phone. Napikon na naman, halos mamatay-matay na'ko sa kakatawa. Lagot sa'kin to mamaya.
Maine re-introduced fun sa buhay ko. Masaya siyang kasama eh. Walang arte. She doesn't play mind games. Kung ayaw niya, sasabihin niya. Kapag gusto niya, she will let me know. Hindi ko na kailangan manghula. She makes loving her so easy. Nyeta, namumula na naman ako.
Pero hindi ko palalampasin ang pagkakataon na 'to.
She opened the door to her condo unit to let me in. I can tell na nahihiya pa siya about the talong mistake pero medyo na relieve siya when she saw na wala akong dala. Hinayaan ko lang. I want her to relish the moment kasi-
Biglang may nag door bell. Tumingin siya sa'kin, as if asking kung sino ang bibisita sa kanya at 10PM. Ako n asana magbubukas ng pinto but she stopped. Okay. Gusto niya yan eh.
Alam ko na kung sino pero natawa pa rin ako kasi pagbukas niya, isang crate ng talong ang sumalubong sa kanya. Tumingin siya sa'kin ng matagal. Tapos umiyak. Yung iyak bata. Ang cute lang pero pucha sobrang na-guilty ako. As in.
Siyempre nilapitan ko agad siya at niyakap. I said sorry. Gago kasi ako eh. Alam ko malakas ako mang-asar pero not to the point naman na paiiyakin ko si Maine.
Buti na lang pumayag na i-hug ko sya. I rubbed her back to comfort her. Antagal namin sa position na yun-her head on my chest, my arms wrapped around.
Masakit sa heart ha. At that moment, I promised myself hinding-hindi na iiyak si Maine dahil sa akin. Kung iiyak man siya, it would be because of happiness.
After a while, medyo okay na siya. I wiped the tears from her face. Teka, luha ba or sipon? Sumisinghot-singhot siya so malaki ang chance na may kasamang sipon yun.
"Gago ka, Alden. Dalawang oras ako nagluto para sa'yo tapos paiiyakin mo lang ako."
Niyakap ko siya ulit. Pero bakit ba kasi siya umiyak? I needed to know.
"Bakit ka umiyak, Maine?"
She kept quiet. Kaya nagtanong uli ako.
"Ayaw mo ba ng talong ko?"
I waited na umiyak na naman siya. Pero hindi. Lumapit siya sa'kin. As in sobrang lapit ng mukha niya. Konting-konti na lang mahahalikan ko na siya. Tapos sabi niya,
"Ano nga ulit ang tanong mo?"
Grabe yung titig niya. Napalunok ako pero inulit ko ang tanong:
"Ayaw mo ba ng talong ko?"
Kingina. Ba't ba ako bumubulong? Sumagot siya,
"Gusto."
She walked away, her eyes never leaving mine. She opened the door to one of the rooms. Naisip ko, eto na ba?
Tapos bigla siya nagsalita,
"Dean, mag-bake ka naman ng eggplant, o. Rooftop lang kami ni Alden."
Parang nag-deflate ako. Nandito pala si Dean. I excused myself.
"Wait lang, Maine. CR lang ako."
Tumawa siya.
Nyeta. Kelan ba'ko mananalo sa babaeng 'to?
*****