8 - Maine

6.5K 407 117
                                        

Disclaimer:

Medyo maselan po ang chapter na ito. Kung maselan kang tao, huwag magbasa. Also, huwag basahin habang kumakain. Oki?


*****



May event kami ni Alden sa Sofitel and we were provided with two separate dressing rooms. As much as possible, ayaw na ayaw ko magpahintay ng tao. The times na I was late for my scheduled shoots, it was mostly because I was stuck in traffic.

Seeing I have two more hours to kill before the event, nag decide ako mag bubble bath. Oh my God, sobrang I love bubble baths talaga, I could stay inside one for hours! Simple joys lang naman sa buhay, okay na'ko.

Kaya inis na inis ako when I barely stepped inside the tub tapos may kumatok na agad sa pinto ko. Sino pa ba kundi si Alden Richards! Napaka-clingy talaga niya, jusko. Normally naman I won't complain. In fact, I find it sweet. Pero at times like this, gusto ko siya ilublob sa bathtub para tumahimik.

He was persistently knocking on my door tapos paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Di ba nakakairita yun? Especially na gusto kong mag-relax muna kahit isang oras lang kasama ang mga bula sa katawan ko. Is that too much to ask?

At first, hindi ko siya pinapansin hoping na eventually, mapapagod din siya sa pangungulit and then he'd go away. Pero not Alden Richards. The more na ini-ignore ko siya, the more na lumalakas ang pagkatok niya. So I gave in. Tinanong ko siya kung bakit at ano ang kailangan niya. Bilisan ko daw. Ako naman parang, bakit? Jusko! May dalawang oras pa, o!

I told him na mauna na siya, dun na lang kami sa ballroom magkita. Hindi naman siya obliged na hintayin ako. Or kung gusto niya talaga na sabay kami pumasok, itetext ko na lang siya pag tapos na'ko. Pero lintek, ayaw pa rin talaga. Bilisan ko na daw ang pagligo, huwag na tumagal sa tub.

Tangina pikon na pikon na 'ko. Why is he such in a hurry? Hawak ba niya ang susi ng ballroom? Naka-assign ba sa kanya ang paglalatag ng pinggan sa mga tables? Hindi ko talaga ma-gets bakit gusto niya mauna kami dun.

To appease him, sabi ko bumalik na lang siya after an hour. Nagulat pa siya! Sabi niya, "One hour?! Antagal naman nun, Maine. Ano ba kasi gagawin mo diyan?"

Dahil hindi ko na rin mapigilan ang inis ko, sabi ko, "Tangina, Alden. Tatae ako, okay na bang sagot yun?"

Siguro na-feel niya na nasa boiling point na'ko, na konting konti na lang hindi ko na siya papansinin the whole night. Kaya tumahimik siya. Siguro mga 30 seconds, ganoin. Akala ko tapos na, akala ko umalis na siya. Pero biglang may kumatok ulit.

Siya pa rin.

Sabi niya, "Ahm, Maine?"

"ALDEN RICHARDS, ANO NA NAMAAAAAAN?!"

"Huwag ka naman magalit, may itatanong lang yung tao eh."

Medyo na-guilty ako ng beri beri light kasi may hurt sa boses niya kaya I changed my tone of voice. Pabebe na. Sabi ko, "Sorry, Alden. Ano ba yung itatanong mo?"

"Maine! Mga isang oras ka pa diyan?"

So sabi ko, oo.

Tapos sabi niya, "Maine! May follow up question pa 'ko!"

Tangina lang di ba? Pinaglihi ba siya sa kulit?

At dahil gusto ko nang matapos ang usapan, tinanong ko ulit siya kung ano.

Sabi niya,

"Gaano ba kahaba tae mo?"


*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon