Maine is pikon. Sobra. She has this thing na gustong-gusto niyang mang-asar ng tao but when you retaliate, she won't get even. She'll just get mad.
Yan ang nangyari nung premier night ng My Bebe Love. She gave me her Christmas gift na nasa loob ng isang pitsel. I admit na-surprise ako dun kasi pinag-isipan eh. Nasabi ko na ba how I love her sense of humor? Well, I do. I mean no other girl can make me laugh as hard as Maine does. Iba rin siya eh, no?
When she handed me her gift, I knew I had to call her out on it. Wala siyang kaalam-alam, inutusan ko si Mama Ten to buy her Christmas present. Pumasok agad sa isip ko yung limang sibuyas na nasa ref niya. Alam ko maaasar siya dun eh.
Hanggang ngayon napipicture out ko pa rin ang mukha niya when she realized na merong limang sako ng sibuyas sa labas ng kotse niya. Tapos nung makita niya yung limang lalake na may kargang gulay, naghalo ang pikon, galit, inis, at asar sa mukha niya. MARYOSEP LORD, gusto kong ipa-frame ang moment na yun!
Tinanong niya pa'ko kung ano daw ang gagawin niya sa mga binigay ko, sabi ko gumawa siya ng Chopsuey kasi pupunta siya ng Japan. Tangina yung reaction niya hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko! Pinipigilan ko lang tumawa talaga kasi baka the next day mag-resign siya sa Eat Bulaga or tumigil sa pag-aartista. Ayokong ma-bash dahil dun, no.
Kaya alam ko na maghuhuramentado siya pagdating niya ng condo at makita niya ang limang sako ng patatas. Tumawag pa siya ha! Pero hindi ko rin sinagot kasi parang ini-expect ko na ang gagawin niya.
Sus, Maine. Kung natupad lang ang original plan, I'm sure makikipaghiwalay siya as ka loveteam ko. Yung inutos ko kasi kay Mama Ten was bumili ng isang sako ng bawat gulay na nasa kantang Bahay Kubo. Eh hindi makumpleto kasi kulang daw ng sigarilyas, bataw at patani. Tapos masyadong mabigat yung singkamas, patola at kalabasa. Kaya yun, naisip ko na lang ang Chopsuey kasi nga, Japan.
Tapos meron sana akong iha-hire para magpanggap na Becky. Yung kakatok sa pinto niya sa condo tapos sasabihin na parating na si Princess Sarah para tumulong sa kanila sa pagbabalat ng patatas. Sumakit ang tiyan ko sa tawa habang iniisip ko kung ano kaya ang gagawin ni Maine. Kaso hindi rin natuloy kasi ayaw ni Mama Ten. Sobra na daw. KJ din eh pero ang epic sana nun, di ba?
Hindi ako kinausap ni Maine after ng premier night. Pikon na pikon siya sa'kin eh. Sabi niya kay Ate Pat, binigyan daw niya ako ng matinong regalo tapos tinambakan ko daw siya ng gulay. Hindi ko muna siya kinulit. Kasi ganun naman yun everytime napipikon siya sa'kin. Alam naman namin na simpleng asaran lang talaga ang lahat at asar talo talaga. As long as hindi kami nagkakasakitan, magkaka-ayos kami eventually.
So yun, after one day, sumagot na siya sa mga text ko na parang walang nangyari sa amin. Normal na ulit, she was back to her old makulit self. Aalis din kasi sila ng family niya for Japan kaya dapat okay na kami before they leave.
Yung flight nila was right after the MMFF parade. Naihatid ko pa siya sa airport and I was able to give her yung totoong Christmas gift ko. It was just Gucci shades, nothing grand. Maine naman kasi is not the maluho type. We said our goodbyes with the promise na we'll keep in touch often until they get back.
Dumaan ako sa condo namin ni April kasi I received a text message from her asking me to drop by. So I did. Pagdating ko sa basement, nakita ko yung driver ni Maine kaya nagulat ako. Pagbaba ko ng kotse, may nilabas na food containers si kuya. Maraming-maraming food containers na halos mapuno yung backseat ng kotse ko.
Tiningnan ko isa-isa. French fries, potato wedges, baked potato, potato salad, mashed potato, fried potato sticks, potato rings, tater tots, potato chips, hash browns, at sobrang dami pa-lahat patatas!
Tangina. Nadale ako ni Maine.
Pero I can get away with it naman, di ba? Kasi nasa Japan naman siya.
Pagdating ko ng bahay, may pumasok na Viber message galing kay Maine. Ang sabi: "Alden Richards, o ano ka ngayon? Kainin mo lahat yan ha. Send mo sa'kin ang video. Patatas pala ha. Dahan-dahan sa pag-utot, matagal pa New Year."
Tangina.
Tangina talaga.
*****
