Gago 'tong si Je. Siya talaga may kasalanan ng lahat eh. Alam ko na lalabas si Maine kasama mga friends niya that night. Well, alam ko rin naman kung saan sila so medyo kampante ako kahit hindi siya nag-text the whole night. Ayoko rin magpaka-KJ and constantly check on her kaya hinayaan ko na lang. Besides, hindi naman araw-araw nakakasama niya mga kaibigan niya.
Patulog na'ko when Je sent me a picture he got off Twitter. It was a photo of Maine and Miggy. Wala namang something suggestive, nag-uusap lang sila pero parang may kurot. Well, kurot lang at first. Kaso, may kasamang sulsol from Jerald eh. Yung caption ng pinadala niyang photo sa'kin was: "O, ano? Akala mo gwapo ka, Alden Richards?" Tangina napikon ako.
At eto pa ang isang pagkakamali ko - nag log in ako sa Twitter. Pinagpipyestahan yung pic ni Maine and Miggy. Tapos may pa hashtag pa na #StayCalmAlden. Seloso eh. Paano kumalma?
She called several times pero hindi ko sinagot. Nagseselos ako, okay? Hindi ba pwedeng mag-drama muna? And I didn't trust myself to be able to talk to her na kalmado kaya hinayaan ko muna. Napikon lang talaga ako. So mga two days akong ganun. Hindi ko siya kinausap Sunday and Monday. Ang gago ko.
Grabe kasi ang insecurities ko sa buhay. Takot ako na baka iwanan na naman ako dahil I am not good enough. Kahit paulit-ulit pa sabihin sa'kin ng lahat ng tao na mas gwapo ako kesa sa ex ni Maine, magseselos at magseselos pa rin ako. Ang totoo, wala naman kasi sa itsura yun. And I have never been one to judge a person based on physical appearance.
Eto lang naman ang issue ko: nasaktan kasi si Maine with what happened between her and Miggy. As much as possible, I want to spare her from remembering. Pero Maine is a decent person. Alam ko na she would not ignore Miggy pag nagkita sila. So I'm not taking it against her. It's just that, yun nga, selos-irrational selos.
Na-realize ko naman that what I did was wrong, na OA ang reaction ko. Kaya I went to her condo para mag-sorry. Actually, hindi ko alam if she was home although nagtanong din naman ako kay Ate Pat pero pati yata yun galit din yata sa mga drama ko, hindi ako sinagot. Good thing andun siya. But if by chance na wala pa siya when I knocked, I would have waited for her sa hallway. Ganun ako ka desperado. Alam ko kasi na malaki ang kasalanan ko.
When she opened the door, alam ko she was surprised. Hindi kami nagsalita, she just opened the door wider to let me in. While I was on my way to see her, na praktis ko na ang sasabihin ko. Okay na eh. But when I saw her, merong look of relief and resignation sa mga mata niya, the words left me.
For the first time sa tanang buhay ko, I did not know what to say. Para akong na-blanko. Well, except for Jerald's message. Kaya siguro yun ang una kong natanong sa kanya.
Nakita ko yung expression niya nung tinanong ko siya kung gwapo ba ako. Sobrang epic, kingina. Dapat na video ko yun tapos ipeplay ko ng paulit-ulit hanggang mapikon siya. Ang hirap idescribe eh. Nanlaki ang mata niya, tumaas yung kilay, kumunot ang noo, nanlaki ang butas ng ilong. Tapos bumuka ang bibig while she took a deep breath. Basta. Try mo i-picture out kung kaya mo. Ang weird ng itsura eh kaya di ko napigilan humagalpak ng tawa. Tumulo pa nga laway ko pero hindi ko pinansin.
Kidding aside, alam ko galit si Maine sa'kin kaya nag sorry ako, nag-explain kung bakit nagselos. To her credit, she understood. She said sorry din for not texting me pero okay lang naman talaga yun. Si Miggy lang naman talaga ang problema ko. Eh seloso nga ako, ano ba.
Niyaya ko siya mag-dinner pero ayaw na niyang lumabas. Nag movie marathon na lang kami. Halfway through, nakatulog ako. Hindi na rin niya ako ginising.
When I woke up at around 4AM, basang basa ng laway ang couch. Hinayaan ko na lang din.
If dogs mark their territory gamit ang ihi, ako naman laway.
Pero hindi pa niya sinasagot ang tanong ko eh. Kaya during Eat Bulaga that day, tinanong ko ulit siya.
"Maine, gwapo ba 'ko?"
Natahimik siya. Ngumiti. Tapos sumagot, "Oo naman, Alden. Gwapo ka."
On national TV.
Tangina ang saya, pati sperm cells ko pumalakpak.
O, Miggy. Gwapo daw ako.
Alam mo na.
*****
