3 - Maine

6.5K 429 79
                                    


Kelangan ko lang siyang isulat talaga. For posterity.


*****



So ayun na nga. Nag number one lang naman sa Philippines trends list ang pa-hashtag natin na #NoToSkinnyJeansAlden. Tapos number five pa yata sa worldwide trends? Totoo ba?

O, eh di walang magawa ang Alden Richards di ba, kasi nag-promise siya na hindi na siya magsusuot ng skinny jeans.

Well, nung nakita ko pa lang na nag trend na siya, pinakita ko agad kay Alden. Dude, grabe lang yung pula ng tenga niya! As in tawang tawa ako! Eh ang ingay ingay ko pa namang tao so narinig yata ng lahat nung sinabi ko sa kanya.

At dahil bully ako sometimes, tumayo talaga 'ko sa gitna ng hosts room and called everybody's attention. With matching palakpak pa yan ha! And then I made the announcement. Yung tipong:

"Hello po, dabarkads! (clap, clap) Your attention please! (clap, clap) Nasa trends list na po ang hashtag No to Skinny Jeans Alden. Let's pause for a moment of silence to commemorate the death of all the skinny jeans inside Alden's closet."

Ang kapal ko lang, di ba? Pero I swear, tumahimik ang lahat ng nasa room at yumuko! Si Alden parang gusto nang gumapang sa ilalim ng couch because of embarrassment. Kaso siyempre hindi niya magawa kasi ang sikip ng pants niya. Ayan, lesson learned.

Anyways, di ba nga matagal ko nang concern yang pagsuot niya ng skinny jeans? I am so happy na naipasok ko yung pa-hashtag during FB live. Paano naman kasi, a few minutes before Eat Bulaga started nasa hosts room kaming lahat, nakaupo. Tapos si Alden, pumasok ng CR. Antagal niya sa loob, grabe! Yung tipong pagpasok niya eh hindi pa nagsisimula ang show pero paglabas niya binata na si Baste. Ganun ka tagal!

Exagge na, di ba? Pero eto ang matindi - hindi pa sana siya lalabas ng CR kung hindi pa nagka problema. Alam mo kung anong nangyari? Ganito.

Lumabas na ng room yung kasali sa opening segment. Palabas na rin sana ako eh, yung tipong one-eighth step na lang, and then narinig ko yung sigaw niya. Yung totoong sigaw talaga ha, yung hindi basta-basta pabebeng sigaw. Di ba malalaman mo din naman sa type ng sigaw pag may nangyari talaga? Yun yung sigaw niya. Kinabahan ako, shet.

Kinatok ko siya sa CR. Dinig na dinig ko pa yung mura niya. So katok ako ng katok pero hindi niya binubuksan yung door. Ano ba? Nadulas ba siya sa floor at hindi makatayo? Grabe yung taranta ko, legit. Eh wala nang tao sa hosts room. Tatawag na sana ako ng utility nang biglang bumukas yung door ng CR.

Si Alden Richards, pulang pula ang mukha, pulang pula ang tenga, umiiyak. Yung mata ko focused lang talaga sa itsura niya kasi umiiyak talaga siya.

So tinanong ko siya kung anong problema pero yumuko lang siya. Sa isip ko, ay potek, pabebe pa. Concerned lang naman ako bilang jowa niya 'ko, di ba? So yun, tinanong ko ulit kung bakit, anong nangyari, ba't siya sumigaw. Nakayuko pa rin siya. So yumuko din ako. And yun, nakita ko.

Yung kamay niya nasa ano niya. Well, hindi naman sa loob. Nasa labas naman. Crotch area, ganern.

Eh di tiningnan ko, tapos tumingin ako sa mukha niya, tapos tiningnan ko ulit.

Sabi ko, "Anong nangyari?"

Sabi niya, "Naipit."

Nagulat talaga ako. Ano ba dapat ko gawin eh naipit? Without thinking, I reached out tapos hinawakan ko yung zipper ng pants niya. HELLO?! Naipit! Si Butch! Pabebe pa ba 'ko? Ginawa ko yun para sa ekonomiya, wag kang ano diyan.

After nun, sinabi ko na talaga sa kanya na huwag na mag skinny jeans kasi naipit na nga, di ba. Jusko, ayaw pa pumayag. Talagang emphatic siya eh, ano daw gagawin niya sa skinny jeans niya sa bahay. Mas concerned pa siya sa mga jeans niya kesa sa ano niya.

So yun, buti na lang nag-promise na siya na hindi na magsusuot ng skinny jeans. Tinawagan niya agad si Ate Virgie, yung kasambahay nila, na ilabas yung mga jeans niya at ipasok sa box. Tuloy na tuloy na.

Kaya friends, tapos na ang fiesta ha? Say goodbye to Butch.

For my eyes only.

Isama mo na rin hands.

And my....

Secret.


*****


Back to Blackout.

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon