Eto talaga ang lagi kong sinasabi, what you see is what we choose to show you. May pribadong buhay po kami ni Alden and minsan, gusto naman namin na merong mga bagay bagay na kaming dalawa lang talaga ang nakakaalam. Like nung February 14. Sobra-sobrang pambabash po ang natanggap naming pareho pero mas pinili namin ang manahimik. Bakit? Kasi alam naming dalawa ang totoo.
At eto ang totoo, sabay po namin sinalubong ni Alden ang Valentine's Day. Habang nagtatanong ang lahat kung nasaan ako or nasaan siya, nasa condo po kaming dalawa kumakain ng sunog na popcorn habang naglalaro.
Hindi naman kasi sana masusunog yung popcorn kung hindi pinabayaan ni Alden. Nilagay ko sa microwave yun bago ako pumasok ng bathroom para maligo. Medyo late na'ko nakababa from Tagaytay pero siya nakaligo na sa studio after ng SPS rehearsal niya. As in binilin ko talaga sa kanya na huwag niyang kalimutan i-check yung popcorn. Umo-o naman siya kaya akala ko okay na.
Susme, nasa banyo ako pero amoy na amoy ko pa rin ang nasusunog na popcorn. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi siya sumasagot kaya napilitan tuloy akong lumabas while bonggang tumutulo ang buong katawan ko tapos may shampoo pa'ko sa buhok. Ang lolo niyo, nasa balcony pala may kausap sa phone. Narinig niya na nagdadabog ako sa kitchen kaya pumasok siya bigla tapos sorry siya ng sorry. Magpapa-deliver na lang daw kami ng food, siya na daw bahala.
Malapit na mag midnight pero wala pa rin yung pina-deliver namin, eh gutom na gutom na kami. Bigla niyang nilabas yung sunog na popcorn tapos nilantakan. Tawa ako ng tawa kasi di ba mapait yun? Naawa naman ako kasi pinanindigan niya talaga yung kasalanan niya kaya sinabayan ko siyang kumain. So ayun, Valentine's Day na Valentine's Day, sunog na popcorn ang pinapapak namin. Sa'n ka pa?
Since tambay lang kami, niyaya ko siya maglaro. Actually, cheesy yung game eh, for couples. Naks, feeling ko naman couple kami eh, no? Yung game is called Tell Me. The rule of the game is, you each get to write down questions tapos you put it in bowl then bunutan lang. Para din siyang Truth or Dare except there's no dare involved. Truth lang ng truth, ganoin.
Kinuha namin yung dalawang malalaking bean bags sa room ni Dean tapos pumwesto kami sa balcony para under the stars lang ang peg. Kunyare romantic kasi Valentine's Day. Hindi talaga ako ganito ka-corny in real life, as in promise talaga. Pero iieeehhh.. Alden.
Anyways, so ayun na nga, Tell Me. Siyempre bato-bato pick muna kami kung sino ang unang bubunot. Akala mo gentleman si Alden tapos sasabihin niya ladies first, hindi ah. Matindi ang laban sa bato-bato pick, muntik na dumanak ang dugo. He won so nauna siya. The question na nabunot niya came from him.
Tell me one thing that really scares you.
I had to take a deep breath kasi I do not let people into my walls. But si Alden, andami na niyang ginawa para sa'kin and the least I could do is to stop fighting off his efforts. So I answered, as honestly as my heart will allow me.
I'm scared of change. Yung tipong pag gising ko isang umaga, nagbago na siya, nagbago na'ko, nagbago na kami to the point na hindi na namin makikilala ang isa't isa, or what we stand for. Takot ako na dahil sa mga changes na yun, makalimutan namin kung ano talaga kami. Kasi we're more than just a loveteam. Mahirap i-explain pero I guess that's the beauty of what we have. Yung hindi ko ma-pinpoint exactly what makes all of these special.
Hindi ako natatakot na mawala ang popularity, or yung projects, or yung endorsements. Takot ako sa mga pagbabago, lalo na kung sa mga pagbabagong yun eh wala siya.
Natahimik ng slight ang lolo kasi nga medyo heavy, di ba? Ganyan talaga pag Valentine's Day, slightly emo. We weren't looking at each other pero shet, kinabahan ako sa susunod na tanong, I swear. Kaya ko kaya? Nakakatakot yung mga tanong niya eh. Seryosohan. Pero ginusto ko 'to, di ba? Ako may pakana nito so, gora.
Tell me one thing I do not know about.
Well, hindi niya alam that I had always been a runner. Takbo agad ako palayo at the first sign of trouble, or pag medyo feeling ko masasaktan ako. I have never been one to take chances, to take risks. As much as possible, gusto kong protektahan ang sarili ko na huwag masaktan kasi at the end of the day, ako lang naman ang haharap sa mga pains na yun eh. Kaya umiiwas ako. That explains why I have walls.
Pero with Alden, I chose to stay. Pinilit ko na tumayo even if my knees were shaking. I did some running, too. But it was always toward him.
Nakatingin lang siya sa'kin as I finished answering his questions. That was the most open that I've ever been, and alam niya yun.
He reached out for my hand tapos hinawakan niya ng mahigpit.
I squeezed tighter.
I wanted to tell him I'm not going anywhere. Hindi ako tatakbo. Nandito lang ako.
Kahit magsunog pa siya ng maraming popcorn.
*****