To Q and his Okra.
*****
Eh, hindi naman kasi ako na-inform na may tumblingan pala na magaganap dito. Nasa bahay kami nila Maine kasi birthday ng apo ng anak ng pamangkin ng cousin ni Nanay and ang pagkaka-orient sa'kin, swimming party, tapos Spongebob yung theme. Napagtripan pa nina Nico at Dean na magsuot ng Spongebob na board shorts kaya yun, pati kami ni Mike nadamay pa.
Separate daw kasi ang celebration. Merong for kids, tapos meron din for adults. May program daw para masaya. While waiting, Maine and I were watching the kids tapos we were just talking sa gilid ng pool. All of a sudden, merong bata na siguro mga 3 years old, biglang umahon tapos no second thoughts, binaba ang trunks at umihi. Yung tawa ni Maine, jusko. Sabi niya parang baby okra daw, sabi ko hindi rin. Nagtalo pa talaga kami! Kasi sabi ko, malaki pa rin ang okra, tapos sabi niya baka daw si Butch, okra-levels lang. Ah, talaga lang ha. Pero tinawag na kami sa loob eh kaya on hold muna ang okrahan.
Pero eto na nga, may intermission number pala kaming lima-si Tatay, Nico, Dean, ako, and Mike. Nak nang porkloin. Yung practice namin, mga 30 minutes lang. Sasayaw daw kami ng Katawan by Hagibis tapos naka Spongebob shorts lang. Walang shirt! Ano ba naman 'tong pinasok ko. Buti na lang, buti na lang talaga, pinagbawal ni Nanay ang pag-video kasi pag nagkataon, backout lahat ng endorsements ko.
So we're practicing, si Tatay todo focus eh. Parang akala mo naman sa SPS siya sasayaw. Tapos itong si Dean, nakatuwaan mag tumbling. Aba, sumunod si Nico. Alangan naman magpatalo kami ni Mike, di ba? So sige, tumbling din kami. Pag tumbling ko, ayun, napunit lang naman ang shorts ko. Sa lakas ng tawanan naming lima, narinig ni Maine. She checked kung bakit halos mamatay-matay kaming lahat sa tawa. Walang makapagsalita eh, tinuro lang nila yung shorts ko. Nataranta si Maine kasi sasayaw na kami eh. Hinila niya 'ko papasok sa guest room.
Pagpasok namin, I asked for a towel kasi huhubarin ko nga yung shorts para matahi. Eh ayaw niya, umupo lang daw ako kasi nasa bandang gilid lang naman yung napunit so tatahiin niya na lang habang suot ko. So umupo ako sa bed, tapos nag cross leg siya sa harap ko at tinahi na nga. Sobra ang concentration niya eh, akala mo naman brain surgery ang ginagawa. Ayaw daw kasi niya na matusok ako.
I have my back to the door tapos 'tong si Maine, nahirapan yata sa pag upo ng naka-crosslegs sa sahig kasi di niya maabot ng maayos yung napunit kaya lumuhod siya. YES NEMEN! Si Maine Mendoza, lumuhod sa harap ko. Halos masubsob na nga siya. Tangina ang hot lang, di ba? Wala namang malisya kaya lang malisyoso talaga ako by nature. Kung saan-saan na napunta ang utak ko.
I tried to distract myself kaya tumingala ako, tiningnan ko yung chandelier. Ang ganda eh, gusto ko rin ng ganun para sa room ng lola ko. Well, nasa ganung position kami-ako nakatalikod sa pinto, nakaupo sa bed, nakabukaka, nakatingala, tapos si Maine nakaluhod sa harapan ko.
Without warning, biglang pumasok si Tatay. Lumingon ako, si Maine tumayo bigla. Yung itsura ni Tatay parang nilabasan ng isang baldeng regla. Namutla eh, 'kala ko nga magco-collapse.
Mukhang magkakatotoo nga ang sabi ni Maine. Yung slayer, nagwagayway ng puting bandila. Pagkakita kay Tatay, umurong si Butch eh. Ramdam ko. Nagtago.
Goodbye, labalong na ba? Wala namang masama sa okra. Maliit pero madulas, malagkit, not to mention may tinik tinik. Pwede na.
Ito na kaya ang simula ng bagong super hero ng bayan?
OKRABAN! ANG OKRANG PALABAN!
*****
Super hero mang naturingan, si Okraban ay bunga ng imahinasyon lamang.
Thank you, Marchelline.
