13 - Alden

6.8K 584 352
                                        


Diyos na mahabagin.

Sent na ba yung message?

Napabangon ako bigla kasi... Ano ulit yung message ko?

Binasa ko. Lintek.

"Asan na ang puki mo?"

Kingina. Gago ka, Ricardo. Ano pang mukha ang ihaharap mo kay Maine?

Puka kasi dapat yun.

Puka.

Yung puka bracelet ang hinahanap ko kasi alam ko naman kung nasaan ang pu-

Nyeta.

Dapat kasi hindi na'ko nagmemessage sa kanya pag ganitong sobrang antok na'ko eh. Ito pa yata ang ikakapahamak ko. So ano bang dapat kong gawin? Tatawagan ko sya? Tapos ano, sasabihin ko na "Sorry, Maine, yung puka bracelet ang hanap ko, hindi puki mo"?

Baka sampahan ako ng sexual harassment, may ebidensya siya.

Tumunog ang cellphone ko. Sumagot siya! Tangina! Ba't ba pag nininerbyos ako nangangati ang itlog ko?

Teka sandali.

"Nandito lang."

Jusko.

Andun lang daw ang pu-

Alam ba niya na puka dapat yun? Na typo lang?

Or gusto niya din ipaalam sa'kin na andun lang ang pu-

Safe and sound? Ganun?

Maryosep.

Anong gagawin ko?

Mag sorry na lang. Yun. Yun na lang ang gagawin ko.

"Maine, sorry sa typo. Puka bracelet kasi yun."

Yun. Sent. Okay na.

Whew.

Huwag ka na mag-reply, please.

Ay putik, nag reply pa talaga.

"Aah. Puka."

Sige na.

Tama na.

Nakahinga na'ko ng maluwag.

Tumunog na naman ang cellphone.

Siya ulit.

Hindi pa pala siya tapos.

"Alden, que puka or puki, andito lang. Huwag ka mag-alala."

Lintek.

Dinig na dinig ko pa ang tawa niya hanggang Laguna.


*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon