Nakita mo na ba kung paano magselos ang isang Alden Richards? Yung totoong selos ha, hindi actingan. Kung hindi pa, good. Because you would not want to witness it first hand.
Hindi ko alam kung bakit sobrang threatened siya dun sa ex ko. Well technically, hindi ko naman yun naging boyfriend so... anong tawag dun? Ex-MU? May ganun ba?
Pero anyway, yun nga. Si Alden Richards, ang Pambansang Bae, na-insecure kay Miggy. Nagselos tapos hindi ako kinausap for two days. Oo, dalawang araw. Ang haba na naman ng hair ko, di ba? Pero hindi eh. Sobrang nainis ako.
It all started when Kat texted me about a mini reunion. May mga friends kasi kami who are now based in the US and they were coming home for a short vacay. I got excited and I told Alden about it in passing. Mukhang okay naman sa kanya, not that I asked for his permission or anything.
During the night of the reunion, he texted me na mag-ingat and not to drink too much. I said okay and that I will text him pagdating ko dun sa venue which, siyempre, I forgot to do. Tapos, I wasn't able to check my phone kasi everyone in the group agreed that phones are off-limits. Ola confiscated all our mobile phones and stacked them in a corner. Ang unang kukuha ng phone, siya magbabayad.
At around 1 AM, dumating si Miggy. There were talks na darating nga siya but nobody was able to confirm kung anong oras. I was cool with it kasi we belong to the same group of friends alangan naman mag-inarte ako, di ba? Besides, we have been civil naman kaya walang problema. But I knew better. I kept my distance kasi alam ko na all it would take is just one photo, no matter how innocent it is, to leak and sobrang mahihirapan akong umilag sa mga tanong.
I excused myself to go to the comfort room. I went alone kasi Kat was too drunk to stand up. Hindi na siya makakatayo even if her life depended on it. As I was making my way back to where my friends are, I accidentally bumped into Miggy. Nag-usap kami for a while kasi some of my friends daw in Sagamore sent their hello's. That conversation lasted for, like, one minute. Unfortunately, one minute is too long. Someone was able to take a picture and posted it on Twitter. I found out about it 3 hours later, when it was too late to do damage control with Alden.
Nasa parking lot pa lang ako, tinatawagan ko na siya. By the time I was inside my condo, hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag ko. The following day was Sunday, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Medyo nainis na'ko sa pagpapabebe niya pero I still sent him several text messages. Lahat hindi niya sinasagot.
By Monday, wala pa rin. Natapos na ang Kalyeserye hindi pa rin niya ako pinapansin. Nag reach out na'ko, dedma naman siya. Ano pa ba ang gagawin ko? So I stopped trying. I gave up. Naisip ko, nakita naman niya kung ilang beses ako tumawag, nabasa naman niya messages ko so bahala na siya kung ano ang gusto niyang gawin.
That same night, kumatok siya sa door ng condo ko. I was genuinely surprised to see him there but I saw na galit siya. I did not want to deal with him sana kasi alam ko mag-aaway lang kami but I let him in. Hindi ako nagsalita. Siya tahimik rin. He went straight to the couch tapos umupo. I remained standing.
We stayed silent for a looooong time. Inaantok na'ko ng sobra and my patience was running thin sa mga ka-dramahan niya sa buhay. Finally, thank you Lord, he cleared his throat tapos tiningnan niya 'ko. After two days na pag-dedma niya sa'kin, the first words that came out of his mouth was: "Maine, gwapo ba'ko?"
Tangina lang, di ba? Shet siya. Sobrang pakyu lang. Nagkukumahog akong tawagan siya at itext para mag-explain kung ano ang pinag-usapan namin ni Miggy, para lang pansinin niya ulit ako tapos yun lang ang issue niya sa buhay? Kung gwapo siya?
Feeling ko sobrang intense ng facial expression ko sa tanong niya kasi bigla na lang siya tumawa ng pagkalakas-lakas, tumulo yung laway niya sa couch. Balahura, nagkalat pa.
Pakshet. Swerte niya lang talaga hindi ko kayang buhatin ang dining table. Sana naihambalos ko na sa kanya.
*****