If there's one thing that I admire about Maine, it's her work ethic. Every day, babad siya sa init during Juan for All. Naliligo sa pawis, nadudumog ng tao, nasasaktan, pero never siya nagreklamo. Kung tutuusin, pwede naman siyang mag demand from her management para maging madali ang buhay niya. She is, after all, THE Maine Mendoza. Pero hindi eh. She's the most unassuming person in the industry today. Sikat na sikat pero sobrang professional.
Kaya I don't see the need to remind her to be time-conscious. On her own, alam niya kung gaano katagal ang oras para makapag-prepare siya for an event. Pero with the Sofitel event, kinulit ko siya ng kinulit talaga.
We have two hours to get ready. Instead na umupo sa make up chair niya, Maine chose to spend an hour sa loob ng banyo only God knows doing what. Nung tinanong ko siya, sabi niya jejebs daw siya. Tanginang jebs, gaano ba kahaba yan at kailangan isang oras bago mailabas? Tinanong ko siya. Nagalit. Pero si sir Mike ang peg ko eh, hindi ko siya tinantanan talaga.
Hindi naman ako nagmamadali dahil sa event eh. Maryosep, dalawang oras pa yun. Eh kasi gusto ko lang magpabebe. May surprise lang ako sa kanya.
Hindi alam ni Maine na Ed Sheeran was staying sa Sofitel at that very moment. Guest siya ni Mr. Chavit Singson for a private event. Sobrang hush-hush kaya hindi nag-leak sa media. Buti na lang, yung kapatid ng bayaw ng cousin ko na anak ng pangalawang asawa ng tita ko sa father's side, part pala ng team ni Ed Sheeran. So ayun, nagka-access kami bigla.
Alam naman ng lahat na parang gusto nang pakasalan ni Maine si Sheeran, di ba? So I wanted to surprise her with a private meet and greet sa idol niya. But how will I do that kung nakakulong siya sa loob ng banyo ng isang oras? Hindi maghihintay si Ed Sheeran sa amin, uy.
Since wala na akong choice, nagpatulong na'ko kay Mr. Tuviera. Kunyare he needed Maine to be inside the ballroom ASAP. Tinawagan ni Mr. T si Jecker. Tarantang taranta si Jecker, kinatok agad si Maine, ni-relay yung message. Nag panic sila. Aliw na aliw ako while watching them.
Sobrang bilis ng ligo ni Maine, dinaig pa niya ang kambing. Paglabas niya ng bathroom, chill lang ako nakaupo sa harap ng TV, all dressed up and ready to go. Eh siya, kailangan pa iblow dry ang buhok bago ayusan tapos magme-make up pa.
Lalo yatang nainis kasi sumipol-sipol pa'ko. Yung mukha niya, jusko, parang papatay ng tao. Narinig ko tinawagan niya si Ate Pat nagtanong kung kasama daw ba talaga ako sa kontrata niya. Ang tawa ko abot hanggang langit.
After siguro mga 45 minutes, natapos rin. Pumasok lang siya sa bedroom niya tapos nagsuot ng gown. Paglabas niya ng door, natigilan ako. Binulong sa'kin ni Tristan umayos daw ako kasi mukha daw akong tanga. Napailing na lang ako.
Pero hindi pa rin niya 'ko pinapansin. Naglalakad kami sa hallway hinawakan ko kamay niya. Buti na lang hindi pumalag. Pag pumalag siya, naku, hahawakan ko pa rin.
Nagulat siya na instead of pressing the elevator button for the ground floor, yung para sa topmost floor yung pinindot ko. Tinanong niya 'ko kung bakit, sabi ko may dadaanan lang kami. Tumango lang siya.
Pag-open ng elevator door, sinalubong kami ng tatlong American bouncers. Ang laki nila. Nagulat si Maine. Tapos pinapasok kami sa isang malaking room. We sat down, all the while hindi kami nag-uusap pero nanlalaki yung mata ni Maine sa'kin, parang nagtatanong kung anong meron.
All of a sudden, lumabas si Ed Sheeran, lumapit sa amin nakipagkamay. Si Maine, juskolord, parang nakakita ng aparisyon. Eyes wide, mouth hanging open although a part of it was covered by her right hand. Her left hand was on my arm, ang higpit ng hawak. Nagdadasal ako silently na huwag siya tumili or sumigaw or do anything embarrassing. Pero okay naman. Fan girl mode si Maine Mendoza, hinayaan ko na.
Nag-usap sila ni Ed (oo, first name basis kasi close kami) sandali. Ako tingin-tingin lang, nakinig, ganun. Chill lang ako. Kunyare di ako affected. Pero mas happy ako na happy si Maine. I'm sure, hinding hindi niya ipagpapalit ang moment na 'to sa tae niya.
Sandali lang kami sa loob ng room, siguro mga 8 minutes. Composed na composed si Maine papasok ng elevator. The moment na nagsara yung door, tumili siya ng pagkalakas-lakas, as in. May gulat factor yun sa'kin pero mas nagulat ako kasi bigla siyang yumakap habang tumatalon-talon. Parang engot lang. Pero cute na engot.
She kept on saying thank you. Salamat daw na dinala ko siya dun. Salamat daw ulit kasi hinintay ko siya.
Uy, pwede na dumiga, di ba?
So sabi ko sa kanya, "Maine, kahit gaano pa kahaba ang tae mo, hihintayin kita."
Akala ko magagalit eh.
Pero kiniss ako.
Sa cheeks nga lang.
Pero kiss pa rin naman yun.
Ayun, o.
Wampoint for Alden Richards.
*****
