Hindi alam ni Maine what I had to go through para lang mabili ang walangyang napkin na yan. Well, she doesn't have to know naman. From Laguna kasi, I had to drop by my condo pa. May pinabibigay si April kasi kauuwi lang niya from Singapore and she knows na favorite ni Maine yung Hot Lime Cheetos kaya binilhan niya ng marami. Buti na lang din at open na yung convenience store sa baba ng condo namin ni April so dun na din lang ako bumili ng mga kailangan ni Maine.
Akala ko quick trip for groceries lang talaga pero I was stuck standing in front of so many napkin choices. Maryosep, paano ba nalalaman ng mga babae kung ano ang gagamitin nila? Litong-lito ako eh, may regular, long, super long, maxi, ultra soft, ultra clean, ultra thin, cottony dry, all day, all night at - jusko, marami pa. Paano ko ba malalaman yung tamang length na kailangan niya? I mean, nasusukat ba yung ano? Mukha akong engot dun sa aisle na yun.
I was standing there ng matagal na matagal when someone slapped me sa likod, pagtingin ko, si James Reid. Tumango lang ako kasi andami kong hawak ng packs ng napkin, hindi ko mabitawan para makipag-shake hands. Priorities nga, di ba. In my world, the napkins come first. Ayun, nag-usap kami sandali. May unit din pala siya dun sa building pero since I don't stay there often, hindi ko alam. Tapos nakita niya yung bitbit ko, naawa yata sa akin kaya di na niya ako pinagtawanan. Pero nakakatawa pa rin kasi we automatically switched to napkin talk.
Alam niyang clueless ako so sabi na lang niya, "You just buy this, pare." I figured he always does this for Nadine so ako naman, okay, sige, eto na lang para lang matapos na. Tsaka medyo dumadami na rin ang tao kaya nagmadali na rin ako. So facepalm moment talaga when Maine pointed out na Whisper yung binili ko eh Modess endorser siya. Ewan ko ba bakit hindi pumasok sa isip ko yung pwet niya sa commercial eh palagi ko naman pinapanood. Na beastmode tuloy, tumalikod ng higa, d ako kinausap.
Whenshe turned her back, nakita ko agad. Tangina, tagos. I mean, tinagusan siya.Erm, paano ba sinasabi sa babae 'to? "Maine, dugo." Shet, siyempre may dugokasi dinudugo eh. Ano ba? "Maine, tagos." Hindi rin eh. Text ko na lang si Riza.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
While waiting for Riza's reply, nagpa-init na'ko ng tubig para sa hot water bottle. Effective daw yan for menstrual pain eh. Tapos while busy ako sa kitchen, narinig ko biglang nagsalita si Maine, sabi niya, "Okay na, Alden. Alam ko na."
Ano daw? Nagsi-sleep talk ba siya? Tiningnan ko cellphone ko to check if sumagot na si Riza.