Maaga natapos ang print shoot and I am on my way to see Maine. Well technically, hindi niya alam na pupuntahan ko siya. When she told me na she's third wheeling dun sa date ni Coleen and her manliligaw, I knew I had to go para samahan siya.
During rare days na early natatapos ang trabaho ko, I usually head straight home para magpahinga, babawi ng tulog. Pero since Maine came into my life, iba na eh. Kahit anong pagod ko, I will always, always choose to spend time with her.
So yun, pumasok ako sa restaurant and I immediately saw them. Ilang beses ko nang nakita si Maine without make up on but I can never get enough of her 'hindi artista face', as she refers to it. Bilib din naman ako sa kanya. Walang conscious effort to look good eh, tsaka hindi vain. I guess yung pagiging unassuming niya is part of the reason why people find her so goddamn attractive.
I tried to settle in and ordered dinner kasi sobrang light lang yung food sa set. Tapos yun na, kwentuhan. In the middle of dinner, sinumpong na naman si Maine ng pagiging sira ulo niya. Akalain mo, magkatabi lang kami pero nag text. Sabi niya, "Uy, bilangin mo kung ilan ang nunal ni Mike. Pag tama ka, tambay tayo sa condo mamaya."
Sobrang pagpipigil ng tawa ang ginawa ko. Alam mo yung parang mauutot ka na? Yun yun. Sa mga ganitong klaseng kalokohan talaga, Maine never fails.
So ako naman, sa kagustuhan kong tumambay sa condo niya after dinner, sinubukan ko ring bilangin ang nunal ni Mike. Imaginin mo ha, tutok na tutok ako sa mukha nung tao na kakakilala ko lang. Kinukurot ako ni Maine kasi obvious daw ako masyado. Ginusto niya yun, di ba? Siya naman mananagot pag na-awkward si Mike at nagreklamo kay Coleen.
Nung parang feeling ko sure na'ko, tinext ko na sa kanya yung sagot, "5 sa mukha, 2 sa leeg." Nakita ko umiling siya ng konti tapos nag reply, "Very wrong. 6 sa mukha. Tingnan mo sa ilalim ng lips niya merong maliit."
Aba. Nananadya ba ang babaeng 'to? Tinext ko nga ulit, "Ah, ako ang katabi mo pero nakatingin ka sa labi ng ibang lalake. Gusto mo ng gulo?"
Nahalata ni Coleen yung pinaggagawa naming dalawa ng kapatid niya kasi sabi niya sa'min, "Hoy kung maglalandian lang kayong dalawa diyan, umuwi na tayo." Tumawa lang kami ni Maine.
After dinner, nagyaya si Coleen na dumaan sa isang store kasi may titingnan daw. On our way there, nakita kami ng parents nila Maine kaya nagkayayaan ulit na mag dessert. One thing I like about the Mendoza family is that sobrang close-knit nila. Tapos simple lang sila, walang ere kahit nakakataas ang antas ng buhay.
First time ko rin maka-experience ng ganito, yung tanggap ako ng pamilya ng taong nililigawan ko. Yung hindi pinapamukha sa'kin yung mga kakulangan ko as a person. Masarap pala yung ganitong feeling, no? Kaya paulit ulit ko sinasabi, Maine is my biggest blessing.
When it was time to go home, tinanong ko ulit si Maine kung tuloy ba ang tambay namin sa condo niya. Sabi niya mali daw sagot ko kaya na-forfeit na yung chance. Pero kinulit ko pa rin siya. Kinulit ng kinulit until she gave in.
Pagdating namingsa condo, sabi niya, "O, anong gagawin natin dito?"
Sabi ko, "Kahit ano, magbilangan din tayo ng nunal kung gusto mo."
Tumawa siya ng malakas sabay sabi, "Ay, pwede." Pumasok siya sa kwarto niya, paglabas may dalang pentel pen. Tinanong ko kung para saan yun, sumagot ng, "Mamarkahan lang natin."
So minarkahan nga. Bago ako umuwi that night, may sinabi siya sa'kin. Sabi niya, "Alam ko na ang third condition ni Divina."
I was caught off-guard, medyo nagulat ako kasi napasok sa usapan si Divina. So tinanong ko siya kung ano yung third condition.
Maine answered, "Huwag mong burahin ang mga marks na yan until after EB."
I thought it was a challenge. Pero hindi. Maine is never meaningless.
Then it dawned on me, what she was trying to say. If she wants to take it slow, na magsimula muna sa tuldok, okay lang. Maliliit man ang mga markang 'to, this is a good start.
But she confirmed it for me, and I will never forget her words: "Just tell them ako ang may gawa niyan. I'm leaving marks, Alden. Me, on you."
I get it.
I'm hers.
Hindi man niya masabi for now, hihintayin ko. But ngayon, these pentel marks will do.
I'm hers.
Always.
Always.
*****