17 - Maine

6.5K 497 158
                                        


Sunday is family day. Typically, umuuwi ako sa Bulacan tapos we'd eat out for lunch then mamimili na kami ng mga isusuot ko for another week sa Eat Bulaga. Yan ang routine naming pamilya. Kaso, hindi ngayon. Umalis sila papuntang HongKong eh Wednesday pa balik nila, hindi ako nakasama kasi may trabaho.

Buti na lang may Alden. Well, not naman na tengga mode na agad ako kasi wala ang family ko. I was actually planning to shop alone kasi wala na akong maisusuot. But Alden insisted na samahan ako so hindi na'ko nag-inarte pa. We'll have late lunch kasi may SPS pa siya tapos sabi niya, sabay daw kami mag-shop because he needs new clothes na rin. Kaya I have an instant shopping buddy. Well, at least for today. Ang alam ko kasi someone else shops for him eh, which is understandable naman dahil sa busy schedule niya.

Sinundo niya 'ko around 3 PM tapos we had a quick lunch at our favorite Japanese restaurant. Medyo kilala na rin kami ng manager dun kasi we visit often, palagi niya kami nilalagay in a secluded corner na hindi masyadong kita ng ibang tao. At least nakakapag-usap kami ng maayos.

So anyway, after eating, we decided na we'll shop for his clothes first since mas madali naman pumili para sa lalake. Actually, masaya ako that I get to do this with him kasi at last, I will have an opinion dun sa mga isusuot niya. Ang saya-saya ko kasi he let me be, as in hinayaan niya talaga ako na pumili ng mga damit niya. Ayun, button-down polo shirts, plain tees tapos those with conservative prints.

Siyempre hindi na'ko sumama sa underwear section. Habang nandun siya, I made myself busy with picking out jeans for him. Nahiya pa'ko magtanong ng waistline niya, buti na lang he volunteered the information. Balak ko talaga palitan lahat ng jeans ni Alden ng comfy-fitting ones. When I say comfy, yun yung pasado sa standards ni Mang Jani. I don't know if he knows about it na, if na-search na ba niya yung hashtag na binigay ko sa kanya kasi hindi naman niya na-mention. Sa totoo lang, I'd prefer he wouldn't. Embarassing kaya yun.

He was inside the fitting room and panay ang pasa ko sa kanya ng jeans to fit. Two sales ladies were assisting me and nakatayo sila outside the door. Tapos, itong si Alden Richards, biglang nagsalita from the other side ng pinto: "Maine, 'tong mga jeans ba na 'to in accordance with the #SaveBabyCharmaine campaign?"

Humagalpak ako ng tawa kasi nakita ko yung reaction ng dalawang sales ladies. As in nagkatinginan talaga sila bigla tapos nanlaki ang mata. Sumenyas ako na huwag silang maingay tapos kinausap ko si Alden na kunyari kaming dalawa lang ang tao dun. Hindi niya alam may ibang nakikinig.

Sabi ko, "Ah, alam mo na pala ang tungkol sa campaign na yan ha." Sumagot siya, sabi oo daw, si daddy niya ang nag-orient sa kanya. Ang galing, di ba? Dinamay pa talaga ang tatay niya. Ano na lang ang iisipin ni Tito Richard sa'kin? Na-atat akong i-push yun? Jusko, nakakahiya.

Pero you should have seen Alden's face when he opened the dressing room door tapos nakita niyang may kasama akong dalawang babae while he was talking about Save Baby Charmaine. Kitang-kita kasi sa itsura ng girls na alam nila kung ano yun. Babad din yata sa Twitter ang mga 'to eh.

Kaya lang, since si Alden Richards siya, Pambansang Bae, isang ngiti lang burado na sa memory ng mga babae yung mga pinagsasasabi niya. While we were talking toward the cashier area, may naririnig akong faint na sound. It was coming somewhere from Alden eh. Hindi ko pinansin.

Tapos after a while, I heard it again. This time, I recognized what it was.

Babaeng umuungol. Oo, as in moaning sound. Then it stopped.

Nasa cashier kami when Alden took out his phone and his wallet from his back pocket . Biglang tumunog ang phone niya.

Friends, yung ringtone niya dinig na dinig yata ng buong store. Okay lang naman sana yun pero hindi eh. Ang ringtone niya, ungol.

Ungol.

Ko.


*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon