Susmaryosep. Hindi na naman ako na-orient.
Kung bakit kasi nagpumilit pa 'ko na samahan siya sa OB appointment niya bago kami umalis ng Italy. Dapat kasama niya si Coleen nun kaso biglang may dumating na external auditors dun sa office nila kaya hindi na makaalis. Since feeling ko naman ulirang boyfriend awardee ako, pinilit ko siya na payagan akong sumama. Ayaw niya sana talaga. Ngayon alam ko na kung bakit.
Walang ibang tao sa clinic pagdating namin, yung secretary lang ang nasa reception area. Okay lang ang lahat, smooth sailing kumbaga. Pagpasok naming sa mismong clinic ni Doc Kim, okay pa rin naman. Medyo nagulat lang ako nung pinahiga si Maine. Hindi ko talaga dapat nakikita si Maine na nakahiga kasi kung ano-ano pumapasok sa utak ko. Buti na lang may kurtina.
Hindi ko actually nakikita what's happening pero I can hear their conversation. Like nung Doc Kim was telling her to take off her bra, parang hindi ako makahinga eh. Dati pa ha, kinoconsider ko talaga na talent ng mga babae yung pag unclasp ng bra using one hand. Pero shet, bakit pag iniimagine ko si Maine doing it, parang gusto kong magpa-fireworks? Tangina.
At eto pa! Sabi nung OB, "I'll pinch your nipples ha," SHET! Tumayo talaga ako! Tapos tinaas ko pa kamay ko habang patalon-talon, with matching hingal pa, kaya naubo tuloy ako. Para akong tanga pero gusto kong mag-volunteer eh! Hooooooo! Doc, pwede ba ako na lang?! Ako na mag-pinch?!
Ang tagal ng kalbaryo ko, jusko! Meron pa akong narinig na, "Please take it off." Hala! Anong pinapahubad niya? Panty? MY GAHD. Ikamamatay ko yata ang pagpunta ko sa OB.
Pero hindi ko kinaya yung, "Maine, open your legs wider. Konti pa." Jusnamahabagin nanlambot ang tuhod ko. Gusto kong gumapang from the chair papunta sa examination table tapos buksan ko yung kurtina. Yung ala-Sadako na gapang talaga. Oo! Willing akong gawin yun! Para lang sa open legs. Na wider. Or konti pa sa wider. Tragis na buhay 'to. Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat talaga nag duktor ako.
Pagbalik nila, I'm sure napansin nila yung pamumula ko. Not to mention yung tumatagaktak na pawis. Ang hindi nila alam, nangangati na naman ang itlog ko. Ganyan ako pag excited at ninenerbyos, di ba? Pigil na pigil ako eh, gusto kong kamutin. Pero nakakahiya.
Meron din naman highlights, actually. Yung mga questions lang ni doc eh, okay na'ko. Tapos binigyan niya pa si Maine ng injection, just in case daw na maging active ang sex life. Dun ako sa 'just in case' eh. The possibility is possible, ika nga. Ang ayoko lang yung injection. Takot ako dun. Namutla pa nga ako. Pero pag si Maine, willing akong turukan siya. Lamunayon.
Tinanong ako ni doc kung natuli na daw ako kasi mas masakit pa nga daw yung tuli. Nag joke pa siya, tinanong ako kung anong cut. Sabi ko uppercut. Yung parang pag tumama sa'yo, windang ka. You won't know what hit you lang.
So nung paalis na kami, tumayo si Doc Kim para ihatid kami palabas. Palalampasin ko ba ang pagkakataon? Shempre kinamayan ko siya. Hindi ko lang kasi alam which hand yung ginamit niya to pinch Maine's nipples eh. Left ba? Kinamayan ko siya sa left. Pero para sure, kinamayan ko ulit siya. This time, sa right naman. Iba na yung sigurado.
Matapos makipagkamay, pasimpleng kamot sa ilong.
Baka may naiwang amoy. Baka lang naman.
*****
*rolls eyes sa lahat ng hanash*
