Hala! Ano na naman ang maling ginawa ko?
Okay naman kami eh, okay naman yung batuhan namin ng questions. Ang hindi ko maintindihan, bakit ayaw niyang basahin ang fifth question? Pero hindi ko naman siya pinilit dun ah. Ang nakakapagtaka, bigla siyang umiyak pagkatapos kong sagutin yung tanong.
Mali ba yung sinagot ko? Ayaw ba niya? Ano ba kasi ang problema? At paano ko itatanong sa kanya yun eh nag walkout na naman siya?
Minsan nakakapagod rin ang ganito. Yung hindi mo alam kung ano ang kasalanan mo tapos bigla kang iiwan para manghula. Ayoko ng ganung feeling. Sana if galit siya, she'd just tell it to my face. I don't want to be left guessing.
Jusko, ilang araw na namang suyuan 'to. Okay lang naman manuyo eh pero sana, alam ko kung ano yung mali ko. Kasi di ba, I could have explained myself or said sorry agad if I made a mistake, hindi yung patatagalin pa. Depressing yung ganun eh.
Pero siyempre, I have no choice. Sinundan ko siya sa backstage and I found her inside the hosts' room, nakaupo sa couch, iyak pa rin ng iyak. Buti na lang wala nang ibang tao except for a few EB Babes dancers na nagpapractice rin.
I sat beside her pero she moved away from me. Hindi ko na talaga alam. Gusto ko ng tumayo at umuwi, deal with her tomorrow. But since monthsary episode nga, hindi naman pwedeng ganito pa rin siya bukas.
Tinanong ko siya kung ano ba ang problema, hindi naman siya sumasagot. Iyak pa rin ang naririnig ko. I tried to pacify her but she won't even let me touch her hair. Ano ba kasi ang nangyari?
After siguro mga 10 minutes, kumalma na rin siya. I took a deep breath and asked her again.
"Maine, ano ba ang problema?"
Dun pumutok si Maine Mendoza. As in she lashed at me, yung tipong galit na galit talaga. First time ko siyang nakitang ganun. Sabi niya binastos ko raw siya, wala daw akong respeto. Ako naman, parang, ha? Ano ba ang ginawa ko? Tapos binato niya sa'kin yung paper na binigay sa kanya ni Ma'am Jenny, yung paper na nakasulat yung questions. Sabi niya basahin ko daw ulit ang questions para malaman ko kung anong kabastusan ang ginawa ko sa kanya.
So binasa ko. When I got to question number five, yung question na dapat itanong niya sa'kin, ang nakasulat dun was, "Gusto niyo rin ba mag-anal kayo in the near future?"
Eh kaya naman pala.
Tangina.
Yung tanong na nakasulat sa kopya ko was:
"Gusto niyo rin ba mag-anak kayo in the near future?"
ANAK naman kasi, Maine.
Hindi ANAL.
Pero kakalbuhin ang nag-type ng question na 'to.
*****