Alden Richards is one big bully. Huwag na huwag kayo magkamaling magpadala sa dimples niya dahil magsisisi kayo, sinasabi ko talaga. Sobrang lakas niya mang-asar, AS IN. Siya yung tipo ng tao na kahit nakikita niyang halos mangiyak-ngiyak ka na dahil sa pang-aasar niya, itotodo niya pa rin. Ganyan siya.
Well, nasabi ko lang naman yun kasi ilang beses na niya akong nabiktima. If you think na sa aming dalawa, ako yung bully, you are sooo wrong. May pagka demonyo levels ang pagiging bully ni Alden talaga, minsan kinakapa ko yung ulo niya para maghanap ng sungay. Alam ko andun lang yun eh.
Hindi mo alam 'to pero sobrang naasar ako sa kanya right after the premier night of My Bebe Love. Before it started, I gave him my Christmas gift kasi nga aalis kami ng family ko papuntang Japan, di ba? Okay, I admit I wanted to get back at him kaya ko nilagay sa loob ng pitsel yung gift ko sa kanya.
Natawa ako sa reaction niya when I handed me the pitsel. Parang antagal pa bago mag sink in sa utak niya na pinagtitripan ko siya. It was caught on video. Pero, pero, pero! Did you see the smug look on his face? Later ko na na-realize kung para saan yun.
Halfway through the movie, may binulong siya sa'kin. Sabi may surprise daw. I just smiled kasi mahilig naman siya sa ganyan eh. I figured na ibibigay na rin niya ang Christmas gift niya for me. Pagkatapos ng movie, he pulled me aside tapos he said sabay na daw kami pumunta sa parking area. So ayun, we went together.
Papalapit pa lang kami sa parking space ng kotse ko, nakita ko yung driver ko nagkakamot ng ulo tapos nakatingin sa bandang floor. Merong worried look sa face niya kaya nagmadali akong maglakad. Si Alden naman, wala lang, same pace pa rin.
Pagdating ko ng kotse, nakita ko ang source ng stress ng driver ko. Limang sako ng sibuyas, friend. Na-gets ko agad. Nakita pala niya yung sibuyas dun sa ref ko pero hindi lang siya nagsalita. He waited for the perfect time para asarin ako.
Ang laki ng problema ko. Paano namin ikakarga lahat yun sa kotse? At tangina, ano ang gagawin ko sa limang sako ng sibuyas?
Pero hindi pa pala siya tapos. Biglang may sumulpot na limang mga lalake, every one of them may kargang sako. Ang laman? Carrots, repolyo, cauliflower, bawang, at bell pepper. Nawindang ako.
Paglingon ko sa kanya, inosenteng-inosente ang mukha niya. Nakuha pa niyang mag-smile. Nakakagago. Sabi ko, "Ano 'to? Anong gagawin ko dito?".
In fairness, sumagot naman siya. Ang sabi, "Di ba magja-Japan ka? Eh di gumawa ka ng Chopsuey."
Kinginang, Alden Richards! Ano ang konek ng Japan at Chopsuey?!?
Nagdadadabog ako. Late na kasi at gustong gusto ko nang umuwi. Pero siyempre hindi pwede dahil sa sampung sako ng mga gulay na nasa harapan ko. Ang ending, pinadala ko kina tatay sa Bulacan. Naaliw sila. Ako naman, umuusok ang ilong sa pagkapikon.
Pagdating ko ng condo, hulaan mo kung ano ang sumalubong sa akin.
Limang sako ng patatas. Oo, patatas.
Hindi na'ko nakapagpigil, tinawagan ko siya. Ready na'kong magmura to the highest level. Yung mura na hinding-hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Kaso hindi niya sinagot ang tawag ko. Natakot yata.
So tinext ko siya: "ANO ANG GAGAWIN KO SA LIMANG SAKO NG MGA PATATAS, ALDEN? ANOOOO?!?"
Aba, ang bilis sumagot. Nag text back agad.
"Baka one day pumunta ka ng France. Gawa ka French Fries."
Gusto kong ibato ang phone ko. Pero may pahabol pa pala yung text niya.
"Patulong ka kay Princess Sarah magbalat ng patatas. Merry Christmas, Maine."
Okay. Confirmed.
Si Alden Richards, gwapo-pero may pagka-demonyo.
*****
