11 - Maine

6.8K 424 139
                                        


Disclaimer: Hindi po ito isang pangangampanya.


*****


Mga ilang beses na ba pinansin ni Alden ang OOTD ko sa Eat Bulaga? Medyo marami na rin, no? Ayaw niya yung maikling shorts and cropped top kasi daw maraming tao sa baranggay which is true naman. Dati kasi wala akong pakialam sa ganun eh. Pero may point naman siya kaya keri lang.

Tsaka every day, as in walang miss, nagmemessage siya sa'kin na magdala ng madaming extra shirts kasi nga pawisin ako. Tapos yung bimpo and water. Ganyan siya talaga, maalaga. Sobrang na-appreciate ko yung mga pa-ganyan niya kasi di ba, friend, nakaka-babae.

Pero the first few times na ginawa niya yun, medyo na-off ako. Hindi ako sanay sa ganun eh. Yung mga boylet ko dati, wa care kesehodang mag super short shorts ako. But I understand na iba na rin ngayon kaya nakikinig ako kay Alden minsan.

Hindi niyo alam 'to pero minsan binubwisit ko siya before mag EB. Magsesend ako sa kanya ng picture na kunyare OOTD ko, yung mga damit na ayaw niya. Halter top, o di kaya hanging blouse. Minsan short shorts din. Yung akala niya yun yung suot ko sa baranggay during that day. Tapos magre-react siya, tatawag kay Ate Pat, pinagpapalit ako ng damit. Tapos malalaman niya na pinagtitripan ko lang siya. Di na magrereply sa Viber.

Usually, hindi ako nakikialam sa mga damit niya kasi may sariling stylist siya, di ba? Pero minsan, yung color combination ng mga damit niya or sometimes yung prints and patterns ng shirts niya, hindi ko kinakaya.

AND! I haven't started on his pants yet. Pucha, nakita mo ba yung fit ng ibang pants niya? Parang mamamatay si Bongbong eh! Ay, bakit si Bongbong? Kasi di ba nga, it goes boing, boing, boing? Lintek. Ang bastos ko ba? Sorry, sorry.

Pero yung totoo, si Bongbong, tanod yun sa baranggay hall namin. Pasilip-silip lang. Kaya parang yun ano din. You know, minsan nakikita, minsan hindi.

So ayun na nga, yung mga skinny pants niya, grabe. As in feeling ko anytime, may ilalabas nang warrant of arrest para kay Alden. Eh unti-unti niyang pinapatay si Bongbong! Sakal na sakal na yun, o! Hindi na makahinga. Di ba parang hindi na makatarungan?

Pero nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya yun, di ba? Baka sabihin masyado naman akong obsessed kay Bongbong. Kaya dinadaan-daan ko na lang sa biro.

Minsan nag DM ako sa kanya, sabi ko kung willing ba siyang samahan ako sa isang campaign for a worthwhile cause. He asked me kung ano yun, sinend ko sa kanya yung Twitter hashtag ni Mang Jani na #SaveBabyCharmaine. Tapos siya, walang kamalay-malay. Tinanong pa talaga niya 'ko kung sino si Charmaine.

Nahiya ako bigla. Eh alangan naman sabihin ko na tungkol yun sa pagsalba ng semilya niya! Sabi ko i-search na lang niya yung hashtag na yun para makita niya. Hindi ko alam kung nag-search nga siya kasi hindi na niya nabanggit. Di ko na rin pinush.

Wala namang problema kung gusto niya talaga magsuot ng skinny jeans pero kasi, si Bongbong. Tsaka feeling ko nagpipyesta sa Twitter pag ganun suot niya. Oo, as in nababasa ko! Yung iba tawag JunJun, or Bogart, pero alam ko na iisang entity lang sila ni Bongbong talaga.

Nyets, bakit ba yan ang pinag-uusapan natin ngayon? Pag ito nalaman niya jusko talaga maghuhukay ako ng sarili kong himlayan. Baka isipin ang manyak ko.

Pero kasi.

Hustisya para kay Bongbong.

He should go boing, boing, boing.

Tongue in a lung.


*****

A/N: The names JunJun and Bogart are not mine.

Credit goes to the people ( noodlesbychi) who first used these terms to refer to, you know, Bongbong.

*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon