9 - Maine

7.5K 516 120
                                        



Minsan na lang talaga ako nakakauwi ng Bulacan. Hindi kasi kaya kung uwian ako. Usually, I finish my shoots madaling araw na tapos I have to get up really early for Eat Bulaga depende sa location namin. Pero I make it a point na umuwi either Saturday night or Sunday morning. Parang I'm missing out on a lot of things eh, especially kay Matti.

One week day, naglambing si Coleen na mag third wheel daw ako sa date nila ng bago niyang manliligaw. Gusto daw ipakilala sa'kin. Since wala naman din akong gagawin after 7 PM, pumayag ako.

Si Coleen ang madalas kong kaasaran sa bahay. Since we sleep together in one room, siya rin yung nakakaalam ng lahat ng mga pangyayari sa buhay ko. Laking pasalamat ko lang na hindi siya kasing daldal ni Ate Niki talaga. Yung isang yun parang Public Address System ang bibig.

Eh ayun na nga, we decided to meet up sa Edsa Shang. Tinext ko siya nung paalis na 'ko ng condo. Tapos sabi niya, huwag daw ako magpaka-artista tonight, baka agawin ko daw ka-date niya. Ke gaga lang, di ba? Hindi niya ata gets na may Alden Richards ako. Shet wait, kinikilig ako sa part na 'to.

Anyways, so nagkita kami dun, tapos nakilala ko si Mike. In love na in love ang kapatid ko, hindi man lang nag bother magpakipot. Sabi ko sa sarili ko, ah, mga bukas sasagutin na ni Coleen 'to. Mukha namang mabait si Mike, tsaka parang fresh na fresh, hindi nalulukot ang damit, ganern. Pero aaminin ko, sobrang Na-o-OP ako sa kanilang dalawa. Kung mag-usap parang invisible ako. Ininvite lang yata ako ng kapatid ko para maipagyabang niya na araw-araw naliligo ang boyfriend to-be niya.

Para naman hindi ako magmukhang shunga, sumilip ako sa Twitter, scroll through sa mga hanash of the day. After a while, nag viber ang Pambansang Bae. Sinipa ako ni Coleen sa ilalim ng mesa kasi ang laki ng ngiti ko mag-isa. Oo nga naman, baka biglang mag-backout si Mike sa kanya dahil akala pamilya kami ng mga sira ulo.

Nagtatanong si Alden kung nasaan daw ako. So sabi ko nasa Shang, third wheeling sa kapatid ko at sa ka date niya. Nagulat kami after mga 30 minutes, papasok ang Alden sa restaurant namin. Ang gwapo niya lang talaga. Waley sinabi ang mga strategically-placed nunals ni Mike. I tried na huwag kiligin, swear. Kalma, self ang mantra ko. Pero ikaw, subukan mo kaya na huwag magpa-apekto sa mga ngiti ni Alden. Pag nagawa mo yun, ibibigay ko sa'yo nanay ko. Chos.

Bineso niya si Coleen tapos handshake kay Mike. Nahiya pa ang loko. Pulang-pula eh. Tapos yun, umorder siya ng food kasi hindi pa nagdi-dinner. Ang saya namin, parang long lost friends ang peg. When it was time to pay, sobrang na-appreciate ko si Alden. Kung tutuusin, he could pay for everything na kinain naming apat. Pwede nga na he could buy me, my friends, and the restaurant pero hindi niya sinapawan si Mike. He allowed Mike to do his part for Coleen which, I'm sure, is the proper thing to do.

Nag-ikot ikot kami sandali, all four of us. 'tong si Alden walang celebrity complex eh. He was polite enough to say hello to people na naghe-hello sa kanya pero at the same time, he was able to distance himself from the limelight as if saying na huwag muna ngayon. Kasi aware siya na may kasama siyang non-showbiz who would be uncomfortable with the attention. And people respected that.

Kahit araw araw kami magkasama, I still get amazed by how humble he is. I may not say this often pero Alden is gravity, the force that keeps my feet on the ground. Alam ko na kahit gaano man kataas ang liparin ko, I can always count on him to bring me back home. Kaya when people ask me why I remain unaffected by popularity, I always go back to Alden. Kung siya nga hindi nag-iinarte, ako pa ba?

We were walking toward one of the shops ng biglang may narinig kaming tumawag sa names namin ni Coleen. Memorize namin ang boses. Paglingon, nasa likod sila Nanay at Tatay. Ano 'to, family reunion? Hindi pa sapat ang double date, kelangan triple date, ganoin?

Kung iisipin, awkward sana, di ba? Pero since matitinong lalake naman ang mga kasama namin, hindi kami na-bother ni Coleen. Naisip ko, one day, kami-kami rin ang magkakasama eh so mag-praktis na, why not.

Nag-dessert lang kaming anim. Non-stop ang chikahan. Ang saya lang kasi I never had this in my past relationships, well, not that I am currently in a relationship with Alden pero I know you know what I mean. Masarap pala yung feeling na tanggap ng pamilya mo ang taong mahal mo -

Ay, shit.

I just said that, didn't I? Na mahal ko si Alden?

Sure na ba 'to?

Nakita ko nakatingin sa'kin si Tatay. Nakangiti.

Tumingin din ako sa kanya. Ngumiti.

In the eyes of my father, nakita ko ang sagot.

Oo, mahal ko si Alden.

Oo, sure na.


*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon