For @frosty_spice on Twitter.
At dahil eleksyon ngayon...
*****
I think Alden Richards has no idea just how hot he is, noh? Kasi parang oblivious siya sa looks niya. When he's not made up for a show or a shoot, meron siyang perpetual bagong gising look. Favorite ko pa rin yung messy hair with a day-old stubble. I mean, di ba? Ang hot kaya! And ako, hindi ako nahihiya na sabihin sa kanya na cute siya, or gwapo siya, kasi totoo naman. Pero yung kilig, akin na lang yun. Hindi niya kelangan malaman. Charot.
He's also very laid back pagdating sa damit. I know na his stylists decide ng mga isusuot niya during events and stuff pero yung casual get up niya is as casual as it can get. Shorts, a plain shirt, or the basic jeans usually okay na sa kanya. Kahit basahan yata isuot niya, gwapo pa rin yan eh. Pero I love that he's not vain, as in walang ka arte-arte. Dati lang, alam ko ayaw niyang mainitan kaya hindi siya beach person. Pero mukhang naimpluwensyahan ko na rin. Mehehe.
Yung concern ko lang talaga is minsan, Alden doesn't dress appropriately for the weather. I mean, minsan he's in a really thick pullover kahit nasa labas na sobrang init. Or he'd be in a really thin shirt sa Broadway where it can get super lamig. Kaya hindi ako nagtataka why Twitterverse is feasting on his bakat na nipples as seen on photos and on national TV. I just choose not to comment about it kasi hindi ko keri. Pero alam ko din naman na nababasa niya ang mga yun.
Kaya naman laking pasasalamat when he reached out to me about it. Nagtext kasi siya, sabi niya, "Maine, ano ba pwedeng gawin sa utong matigas?" Na-appreciate ko na he feels comfortable enough para tanungin ako nun. Siguro na bother na rin siya kasi nagiging matter of national importance na. Ayoko lang na ginamit niya yung term na utong. I'm more of a nipple type of girl. Ang orte ko, di ba? Pero kebs, sige. Mapa-nipples man yan or utong, hahanapan namin ng solusyon ang pagbakat ng mga yan.
So ayun, tinext ko siya. Sabi ko piliin niya yung mga sinusuot niya. Kasi yung shirts na maninipis ang tela, hindi talaga maganda yun especially pag nasa malamig na lugar siya. Better wear a jacket, o di kaya sweater, or a hoodie pag ganung malamig para may cover. Tapos sabi ko pa, huwag siyang magpatuyo ng pawis at magpahangin kasi di ba, lalamigin ka na naman nun?
Ang galing ko. "Nipple 101 for Dummies" lang ang dating, ganoin. Pero never ko minention sa kanya yung word na nipples or utong. Ewan ko pero hindi ko kaya kahit sa text lang. Masyadong graphic for me. Baka next time, kaya ko na.
Andami ko nang nasabi pero hindi pa siya nagrereply. Nasa rehearsals yata kaya hindi ko na rin muna kinulit. After siguro mga lagpas isang oras, nag text back din. Pagkabasa ko ng message niya, nanlamig buong katawan ko. Yung parang bumaba lahat ng dugo sa mga paa ko, ganun ka intense.
Kasi namali na naman pala siya ng text.
Ubong matigas daw dapat yun.
Pero lintek, ang layo ng B sa T sa keypad ha! Wag siyang ano. Pero knowing Alden, kung saan-saan na naman nakatingin yun habang nagta-type. Or baka may kausap, nagmamadali, lutang. Either dun sa mga choices na yun, ganun siya. Sa akin pa rin ang bagsak nito eh.
Kasi naman, what's good, world? Sumagot na'ko tungkol sa utong matigas pero ubong matigas pala ang gusto niyang itanong. Bakit ba kasi hindi ko nakita na grammatically incorrect yung 'utong matigas'. Kulang ng NA sa gitna, Nicomaine. Excited ka lang sa utong ni Alden?
Teka lang, may lusot ba dito? Kasi yung mga advice ko sa kanya parang swak naman sa ubo, di ba? Huwag magpatuyo ng pawis, tapos huwag magsuot ng maninipis na damit sa malamig na lugar, o di kaya mag jacket. Okay naman eh. Hindi halata.
Eh kung sabihin ko na alam ko na ubo talaga ang ibig niyang sabihin? Na kunyare gets ko naman yung typo niya. Maniwala kaya siya? Hay naku. Ano na naman ba 'to.
Pinahiya ko na naman ang sarili ko, congratulate me.
Nakaka-stress.
Pag ako nainis, yang utong na yan, didi-
spatsahin ko ang may-ari niyan.
*****
Wala. Walang konek sa eleksyon 'to.
