Yung first date namin? Naku jusko, maiiyak ka sa tawa. Palpak yun eh. Pero since wala naman akong kasalanan dun, ikukwento ko pa rin.
Pinag-isipan ko talaga kung saan ko dadalhin si Maine on our first date. Siyempre dapat special, di ba? Inayos ko pa ang schedule ko para after SPS rehearsal, libre na. Since hindi naman kami pwedeng mag-date within the metro, we thought about going to Tagaytay.
So nagtanong-tanong ako kung saan maganda. Yung tahimik tapos very little yung possibility na dumugin kami kasi you know how it is. My cousin April recommended Antonio's kaya nagpa-reserve ako ng table for lunch. Unfortunately, nagka-aberya sa EB kaya we decided na dinner na lang.
Eh di papunta na kaming Tagaytay nun. Itong si Maine, naisipan pang bumili ng kape sa Starbucks. At eto ha, sobrang talino lang namin kasi sabay pa talaga kaming bumaba ng kotse. Pagpasok namin, walang katao-tao. In a matter of minutes, Lord, nagdagsaan sila bigla. Limang batalyon.
Nagtago kami sa office nung manager. Antagal namin dun, more than an hour. Nagkape lang kami, nag-usap. Kaming dalawa lang. Actually, hindi namin napansin ang oras. Na-cancel yung table namin sa Antonio's but when I told Maine about it, okay lang sa kanya. Kung ibang babae yun, siguro inaway-away na'ko.
Andami namin napagkuwentuhan ni Maine. Things na hindi namin mapag-usapan when we are with other people. Yung isang oras na yun stuck inside a Starbucks office? That was probably the best date I ever had in my entire life.
When the time came na parang safe na lumabas, tinakbo namin ni Maine from the backdoor papunta sa kotse. Eh ang layo ng parking ko. So tumatakbo na kaming ganun, takbo, takbo biglang nadapa si Alden Richards, buti na lang sa damuhan tumama ang tuhod. Pero juskolord, buti na lang, BUTI NA LANG, hindi nakita ni Maine kasi nauna siya sa'kin. Ang bilis ng tayo ko, o! Parang walang nangyari. Tangina, may gamot ba para sa pagiging lampa? Ito yata makakasira ng lablayp ko eh.
Pagpasok namin ng kotse, nagdecide na lang kami na umuwi. Medyo late na rin kasi. Suddenly, niyaya ako ni Maine na dun na lang daw kami mag dinner sa condo niya. Shit. Kinilig ako pero hindi naman sa bandang tumbong. Ako naman, oo agad! Choosy pa ba 'ko eh ayan na nga, o!
Tinawagan ko si Mama Ten na mag grocery tapos ihatid niya sa condo ni Maine. Ayoko kasi mag takeout ng food kasi di ba merong restaurants na masarap yung food pag nag dine in ka pero pag takeaway na, iba na ang lasa? So sabi ko, magluluto na lang kami ng something na mabilis lang.
Pagpasok namin sa unit ni Maine, naghugas ako ng kamay. Force of habit eh. Ganyan talaga pag OC. Tapos binuksan ko yung ref niya para masimulan na namin lutuin ang kung anong pwede depende sa laman ng ref. Pagbukas ko, kingina, limang sibuyas ang laman. Confident siyang magyaya na dito kami mag-dinner tapos ano, papapakin namin ang sibuyas? Ibang klase.
Pero I think it was wise na hindi ako nagsalita tungkol sa limang sibuyas kasi nakita ko yung relief sa mukha niya. But one of these days, aasarin ko siya tungkol dun. Siguro pag mag-asawa na kami, yung hindi na niya ako pwedeng hiwalayan. Ang weird naman kung sibuyas lang ang dahilan ng annulment namin, d ba?
Tinawagan ko ulit si Mama Ten tapos sabi ko dagdagan niya na rin ng basic necessities ni Maine. Nagulat ako na pagdating niya, pati toilet bowl cleaner meron. Hindi naman ako nagreklamo kasi para naman kay Maine yun kaya oks lang.
Pagkaalis ni Mama Ten, nagstart na kaming magluto. Maine is really good sa kitchen. I mean she moves confidently and she acts like she really knows what she's doing. To top it off,grabe yung luto niya. Kung pwede lang mag orgasm through food, I came several times.
Ang sarap siguro niyang maging asawa, no? Magaling siya sa lahat eh. Well, except for one thing. Kasi tangina, ke gandang babae, hindi marunong maghugas ng kamay.
Pero palalampasin ko yun.
Mahal ko eh.
*****
