16 - Alden

7K 499 87
                                        



Ang sakit na ng dibdib ko sa kakaubo. Eversince nung bata pa'ko, alam ko mahina na talaga ang lungs ko. Kaya pinagsiswimming ako ni mommy dati para daw ma-exercise yung baga. Dati konting exposure lang sa pawis naku, ubo't sipon agad. Pero ngayon medyo umokay na. Medyo lang kasi although hindi na siya as often as when I was a child, mabilis pa rin ubohin for a normal adult.

Itong ubo ko ngayon mga 3 days na rin. Nilagnat ako yesterday pero now wala na. Ang ayoko lang is the type of cough. Yung matigas na ubo na parang nag-eecho. Sakit sa dibdib eh. Nasa SPS rehearsal break ako and I was texting Maine kung ano ang pwedeng gawin sa ubong matigas. Pero siyempre, kinailangan na namang pumasok sa eksena ni Mr. Jerald Napoles kaya I wasn't looking sa phone while I was typing. Ayun, mali-mali na naman ang na-send ko. I was supposed to ask Maine what to do with 'ubong matigas' pero 'utong matigas' ang nai-type ko. Kaya lang, instead na ma-correct ko agad, hindi ko na rin nagawa kasi tinawag na ulit kami sa stage.

I was able to correct the mistake siguro more than an hour after pa since nai-send ko yung message. Pero ang sobrang nakakatawa, meron nang replies si Maine dun sa utong question ko. So meaning, sumagot siya thinking na yung tanong ko has something to do with utong? Tawang-tawa talaga ako, shet.

Tinext ko siya, sabi ko, "Sorry for the typo, Maine. Ubong matigas dapat yun." Hindi siya nag reply. Siguro mga after 30 minutes na wala pa ring sagot from her, naisip ko na puntahan siya sa condo. Wala na rin lang naman akong gagawin. Tinawagan ko siya pero hindi pa rin niya sinasagot yung phone kaya tinext ko na lang ulit, "Maine, punta ako diyan sa condo mo ha. Dinner tayo."

Hindi ko alam kung ano ang maabutan ko sa loob ng ref ni Maine eh, baka isang pirasong luya na naman, kaya nag-decide ako na bumili na lang muna ng pares para dalhin dun sa condo niya. Malapit nang mag nine nung kumatok ako sa door ng unit niya. Mga 5 minutes bago niya binuksan tapos pagbukas niya ng pinto, nakatalukbong siya ng kumot.

Tinanong ko siya kung anong nangyari sa kanya, sabi niya not feeling well daw. Natutulog daw siya kaya di siya naka-reply sa messages ko at di rin nakasagot ng tawag. Sabi ko okay lang. Pumasok ako tapos nilagay ko na yung food sa dining table.

While I was preparing the food, si Maine nakatingin lang sa'kin. I think hinihintay niya na i-mention ko yung exchange of messages namin kanina. Patay-mali lang ako. I want her to sweat for a while. Ganyan din naman ginagawa niya sa'kin pag trip niyang mang-asar kaya quits lang. Hayaan ko muna siyang makampante tapos saka ako sasalakay.

So habang kumakain kami, kwentuhan lang. Tapos out of the blue, tinanong ko siya, "Pero, Maine, yung totoo? May problema ka ba sa utong ko?"

Yung reaction niya, tangina, ang epic! As in tumigil siya magsalita mid-sentence tapos yung bibig niya nakabuka lang ng ganun. Yung mata niya nanlaki talaga. Sinubukan ko na huwag matawa pero hindi ko kinaya. Napahagalpak talaga ako tapos siya sobrang namumula na. Tumayo siya, kumuha ng throw pillow at pinaghahahampas sa'kin. Tapos inuulit-ulit niyang sinasabi na, "Gago ka, Alden. Gago ka. Gago ka, Alden. Gago ka."

Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. Tapos nakita ko parang mapipikon na siya kaya tinigil ko na. Killjoy si Maine eh.

Nagliligpit na kami ng dinner namin nung nagkwento siya about what happened sa workshop niya. Yun yung narinig ko na umuungol siya pero never ko binanggit sa kanya na andun lang ako sa labas ng door. I was at the sink, naghuhugas ng mga plates not really paying attention dun sa sinasabi niya kasi na-distract ako nung maalala ko yung ungol niya. Parang naririnig ko pa talaga. Tapos late ko na na-realize na, shit, totoong ungol na ang naririnig ko. Paglingon ko sa kanya, umuungol nga siya. Re-enactment nung pinagawa sa kanya ni direk Gina.

Potah muntik ko nang mabitawan ang pinggan. Nakapikit pa yung mata niya tapos she's moaning, as in moaning talaga na parang walang ibang tao dun. Alam ko nananadya lang siya dahil sa pang-asar ko about sa utong pero literal na nakatingin lang ako sa kanya the whole time. Hindi ko nga alam kung gaano ako katagal nakatayo dun pero she stopped just as abruptly as she started. Yung parang tumatakbo yung kotse mo at 120 kph tapos bigla kang mababangga sa pader, yun ang epekto sa'kin, bigla ko siyang tinanong,

"Ba't mo ginawa yun?"

Sabi niya, "Ang alin?"

Sabi ko, "Yun!"

Tapos siya, maang-maangan pa at first then tumayo siya, lumapit sa'kin, as in SOBRANG lapit.

Tapos nagsalita siya in her huskiest bedroom voice, sabi:

"Alden, may problema ka ba sa ungol ko?"

Napa-iling na lang ako. Another point for Maine Mendoza.

Wala naman akong problema talaga.

Pero si B1, meron.


*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon