6 - Maine

6.4K 366 90
                                        


A/N: 

 Haller! I'm vaaack! Alam niyo ba, kinailangan ko pang mag-hire ng exterminator dahil may anay, ipis, at amag na ang HSSS, not to mention the agiw. Sorry sa sobrang tagal ng update. Nalunod lang ako sa sabaw ng sarili kong utak. Pero eto na. Eto na talaga. 

Happy 60th Weeksary, ALDUB Nation!


*****


Taray ng Mike at Alden, o, may pa heart-to-heart talk kay Tatay nung birthday ni Matti. Well, technically, after na ng party ni Matti nangyari pero hindi naman yan ang point dito eh. Ang point ko is, nag-usap silang tatlo kaya wag kang ano diyan. O, bakit? Mukha ba akong galit? Tingnan mo. Hindi ako galit. Hindi, d ba?

Anyway, yun nga. After nung event ni Alden with Doña Maria, pumunta siya sa condo ko. Eh andun kaming lahat. Sila Nanay at Tatay, nasa balcony nagpapahangin. Si Kuya Nico tsaka si Dean naglalaro ng video games. Si Kuya John at Ate Niki, nag-aayos ng mga gamit kasi uuwi sila ng Bulacan tapos kami ni Alden nilalaro si Matti. Si Coleen naman, mega entertain sa boypren niya na mukhang babasagin na pusang figurine.

After a while, nagpaalam na sila Ate Niki. Hinatid namin sila ni Coleen sa basement parking. Pagbalik namin, sinenyasan kami ni Nanay na nasa balcony sila Tatay, Mike, and Alden. Siyempe na-alarm kami. Malay ba namin kung ginigisa na ng tatay mga jowa namin. Pero shet, tawang-tawa ako sa reaction ni Coleen. Akalain mong may ikapuputi pa pala siya! Erm, hindi yata puti tawag dun. Namutla. Or naging yellow. Basta, para siyang nag-ibang anyo sa nerbiyos.

Takbo kaming dalawa, sisilip sana, makikinig. Pero pinigilan kami ni Nanay, pinapasok sa kwarto ko. Dun na daw kami ngumatngat ng kuko habang naghihintay ng sentensya. Ang scary kaya, promise. Pero since makulit ako, tinext ko si Alden.  


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Buti na lang masunurin 'tong boyfriend ko. He called tapos naririnig namin ni Coleen yung pinag-uusapan nila. Nothing serious naman – well, at least yung inabutan namin. Parang tatay was making kwento sa dalawa how they started. Usapang negosyo, actually. Hanggang sa umabot na sa cooking skills ni nanay, na nung nag-uumpisa pa lang sila, nanay had to cook their meals kasi walang extra money to eat out. Tatay was raving about nanay's kare-kare, yung kahit isang linggo daw na ganun lang ang ulam, mabubuhay siya.

Medyo boring na, actually. Coleen and I thought na tatanungin ni Tatay sila Mike and Alden ng makabagbag-damdaming questions. Yung tipong, gaano niyo kamahal ang mga anak ko, or panghabang-buhay na ba 'to, or something to that effect. Pero wala eh.

Apparently, Tatay decided that the best way to get to know his daughters' boyfriends is to subject them to kare-kare talk. Nagtanong ba naman ng: "kung ang anak ko ay isang ingredient sa kare-kare, alin siya dun?"

Huwaw. Thought-provoking question ,di ba? Yan, yang mga tanong na ganyan, yan dapat ang tinatanong sa mga beauty pageants eh, or sa mga presidential debates. Dapat pinaglalaanan ng funds for research. Baka sakaling nasa kare-kare ang sagot sa global warming, cancer, AIDS, at pagnipis ng ozone layer.

Nasabi ko na ba na minsan ang weird ng pamilya ko? Ayan. Proof yan.

Sabi ko kay Coleen, alam ko na kung ano ang isasagot ni Mike. Sabi niya, "Sure ka? Ano?" Sabi ko, "Hello? Siyempre pork!" Pero wala namang iba, di ba? Ano gusto niya, achuete siya?

Tapos sabi ko si Alden talong. Sabi niya, "Eh ano si Mike?" Sabi ko, "Sitaw."

Binato niya 'ko ng tsinelas. Ang sakit nun ha.

Basta. Talong si Alden. Claiming it.

Si Mike, babasagin na pusang figurine.

Na may sitaw.


*****


A/N Part 2:

Pupunta ka ba sa ADN Fest 2016? Weh? 

Kung oo, good. Kitakits tayo dun.

Kung Team Abroad ka, or Team Probinsya, or Team Hindi Makakapunta pero gusto mong tumulong para mas mapasaya ang event, DM mo 'ko dito sa WaPad or pwede rin sa Chwitter. Ayos? Ayos.

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon