Ang weird. Sobrang weird.
Yung ulam, puro may pechay.
Fried tilapia with ginisang pechay. Garlic tofu with pechay. Inadobong pechay. Pechay salad. Steamed Chicken stuffed pechay. Tapos yung bulalo, hindi na makita yung sabaw. Inabsorb na yata ng pagkarami-raming petchay.
May pechay plantation ba sila Maine? Or dito ba binabagsak sa kanila ang lahat ng pechay galing Baguio?
Well, hindi naman ako nagrereklamo. Shempre kakain na nga lang ako dito sa bahay nila tapos choosy pa 'ko sa ulam. I just find it weird, yun lang. Dagdag mo pa na masama ang tingin sa'kin ng tatay ni Maine since dumating ako. Hindi ako pinagmano, tinapik lang ako sa shoulder.
So anyways, while eating, nagulat ako bigla akong tinanong ni tito.
"So Alden, aling pechay dito ang pinakagusto mo?"
"Yung pechay po ni Menggay."
Ang bilis ng sagot ko, o! Lalayo pa ba ako? Nakita ko nagkatinginan si tito at tita. Additional pogi points kaya yun na gusto ko yung luto ng anak nila?
Back to eating ulit. Usap-usap kami nila Coleen and Ate Niki tungkol kay Matti, kami ni Nico tungkol sa bago niyang subwoofer sa kotse. Yung parents ni Maine, tahimik lang. Tapos biglang sumabat si Tita,
"Mahilig ka ba talaga sa gulay, iho?
"Medyo po. Pero pinakagusto ko talaga yung pechay ni Menggay. Fresh na fresh eh, " I said, pointing to the pechay salad. Specialty kasi yun ni Maine. "Ayoko lang po talaga sa sayote."
Biglang napaubo si tito. Medyo na-alarm ako ng konti kasi namula na talaga siya. Binigyan siya ni tita Mary Ann ng tubig. Nung okay na siya, tumingin na naman sa'kin at nagtanong.
"Bakit ayaw mo sa sayote? May problema ka ba sa sayote, Alden?"
Ay, shit. Hindi ako na-orient may oral quiz pala ngayon tungkol sa mga gulay.
"Ah wala naman po. Ang weird lang ng itsura. Ang gaspang po kasi. Tapos para siyang matambok na upo na vertically-challenged."
"So bansot yung sayote?"
Natawa ako sa description ni tito.
"Yun po. Matambok na bansot."
Tawa ng tawa si Tita Mary Ann, di ko alam kung bakit. Si tito naman, pulang pula yung mukha.
"Ay," naisipan kong itanong, "Kumakain po kayo ng cauliflower, tito? Padalhan ko po kayo. Yung nagdedeliver po sa Concha's, locally grown."
"Sige, Alden. Dati palagi ako pinapakain ni Mary Ann ng cauliflower niya. Ngayon hindi na."
"Baka po hindi na fresh yung cauliflower, tito?"
Nagulat kaming lahat sa hagalpak ng tawa ni tito. Si tita naman ngayon ang pulang pula tapos parang napipikon na.
Sensitive yata siya sa cauliflower niya.
*****
A/N:
Malapit na tayong mag 400k reads! Thank you po sa inyong lahat!
